Kahit kailan talaga nakakainis ang isang eto!

"Hehehe pasensya na sa paghawak sa iyong kamay, prinsesa" nginitian ko na lamang siya.

"So bakit mo nga pala kami pinapunta dito?" Tanong ng kumag na si Alexander.

"Sila lang, hindi ka kasali" Pagsusungit ko sakanya.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo talagang nandito ako, aalis ako" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ko nga dito lang ako hehehe" Takot naman pala.

"Gusto ko lang kayo makilala pa" sagot ko sa tanong niya.

"Ahh tama, tama. Ganito maglaro tayo ng truth or dare. Alam mo yun Thea?" Tanong ni Agatha

"Uhmm sa tingin eto yung ginagamitan ng bite, tama ba?"

"Tama, tama" Sabi nila.

"Teka kukuha ako, prinsesa" Sabi ni Deltha.

"Ahh teka, Deltha pakikuha na rin nga nung radyo ko sa kwarto pwede?" Utos ni Agatha

"Sige ho"

"Then next is your going to spin the bottle? And when the bottle stop, example yung bunganga ng bote ay huminto sa harap mo" sabay turo kay Harold "We're going to ask you if truth or dare. I'm right?" Patuloy ko tungkol doon sa laro.

"Ang galing! Pano mo alam 'to?" Sabi ni Anitha.

"I don't know. It just came out of my mind" Kibit balikat kong sabi at nagkatinginan naman silang lahat "B-bakit?" nalilitong tanong ko sakanila.

"Ahh nothing, we're just amazed" Saad ni Simon

"Eto na ang bote, prinsesa at eto na rin ho yung radyo, Prinsesa Agatha" Sabi ni Deltha pagkarating.

"Game, game, game" Sabik na sabi ni Simon.

"I-ikot ko na ha" Sabi ni Agatha.

Hinihintay naming huminto sa pag-ikot ang bote, at ng huminto ito tumapat saaken.

"Ako. Ako na mauuna" Si Charisse "Hmm.... Kantahan mo kami" Sabi niya

"Ang daya mo. Hindi pa ako nagsasabi kung truth or dare ehh" Sabi ko.

"Mas gugustohin mo bang truth?" Sabi niya sabay taas baba ng kanyang kilay. Umiling na lang ako dahil baka mamaya kung ano pa ang itanong neto. "Ohh kaya gawin mo na please?" Pagpupumilit niya.

"Pero hindi ako marunong kumunta" Sabi ko.

Charisse POV

Hindi raw. Sabagay Hindi pala siya maka-alala kaya hindi niya alam na ang ganda niyang kumanta. Kaso hindi naman niya pinaparinig saamen.

One time nung bata pa kami na tyempuhan naming tatlo na kumakanta siya sa banyo kaso ayun paglabas niya pinalayas kami, masungit ehh.

"Kaya mo yan. Sige na. I-p-play ko na ha" Sabi ko sabay pindot nung radyo at pinatugtug yung 'I Choose' by Alissia Cara. Huminga siya ng malalim at sinimulang sabayan ang tugtog.

Now I found the strength
To make a change
And look at the magic I found
No matter the name
Or where you came from
'Cause no one has much figured out

Ang ganda talaga ng boses niya, ang lamig, ang sarap pakinggan.

The house that you live in don't make it a home
But feeling lonely don't mean you're alone
I finally found where I feel I belong
And I know you'll be there with wide open arms

Relate siya sa kantang 'yan, sigurado ako. Kaso sa ngayon hindi niya pa alam ang totoong nangyare sakanya noon.

Through the lows and the highs, I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light
When the sky turns to grey and there's nothing to say
At the end of the day, I choose you.

*Clap* *Clap* *Clap*

"Yieeee ang galing! Ohh next na" Sabi ko.

"Ako may ipapagawa ako" biglang sabi ni Alexander kaya nakangisi akong tumingin sakanya.

"Ano?" Matapang at parang naghahamon ng away na tanong sakanya ni Thea.

Ackkk! Heto na naman sila! Matagal-tagal ko na din hindi nakikita ang asaran netong dalawa kaya namimiss ko din ang kulitan nila.

"I dare you to love me" seryosong sabi ni Xander kaya napatakip ako ng bibig ko at nahampas ko si Anitha ng ilang beses.

"Whooo! Hoo! Whaaaaaaaa!" Parang baliw naman na tili ni Agatha at may kasama pang pagsuntok sa hangin.

"Alexander for the win!!!" Sigaw naman ni Simon.

Tinignan ko naman si Thea, at natawa ako sa reaksyon niya dahil mukhang nabigla siya sa sinabi ni Alexander.

Mayamaya lang bigla siyang tumayo kaya tumayo rin kami para awatin siya at paupuin muli kahit tumatawa pa rin kami.

"Sasapakin na talaga kita! Wala ka talagang matinong nasasabi!" Naiinis niyang sabi habang pinilit na kumakawala sa mga braso namen.

Kami naman ay tawang-tawa pa rin ganon din si Alexander. "Tama na 'yan hahahaha baliw ka kasi, Xander!" Natatawang sabi ko kaya umupo ulit ako.

"Sino na susunod na magtatanong? Pft" natatawang tanong ni Agatha.

"Ako, ako" Sabi ni Harold "Hindi mo ba talaga kami naaalala?" Tanong niya kaya sabay-sabay kaming napatingin sakanya.

"Psst hoy Harold" suway ni Simon.

"Hindi talaga" Sagot ni Thea

"Ohh paikutin niyo na ulit ang bote, tama na ang pagtanong kaya, Thea" Sabi ko dahil baka mamaya bigla na lang magtatanong si Thea.

Habang umiikot ang bote tinignan ko si Thea, nakakaawa siya kung sakaling maalala niya ang lahat. Pero kapag nangyari iyon mananatili ako, kami sa tabi niya.

Alexander POV

Akalain mong ang ganda niyang palang kumanta, nakakabighani ng puso. Binalik ko naman kaagad sa bote ang aking tingin na lingunin ako ni Vinnice, napakasungit talaga neto kahit kailan.

Nang tignan ko ang bote, huminto ito sa aking harapan.

"Ako na" Biglang sabi ni Vinnice. "Truth or Dare?" Seryosong tanong niya.

"Truth" matapang kong sabi

"Tutal naman, gustong-gusto na kitang panggigilan ngayon, sa anong paraan mo gustong magulpi-"

"Sa pamamagitan ng pagmamahal mo" banat ko ulit dahilan para magtawanan at maghiyawan ang mga kaibigan namen. "At yun ang katotohanan, hindi ako nagloloko. Gusto ko magulpi gamit ang pagmamahal mo" dagdag ko pa habang taas baba ang aking dalawang kilay na ikinainis niya.

Nagulat naman ako ng bigla niyang ibato saaken ang bote pero tumawa lang ako. Hay nako prinsesa ko, ang sarap-sarap mong pikunin.

"Eto seryoso na" sabi niya.

"So nagbibiro ka lang–"

"Sa tingin mo kapag sumasakit ang ulo ng isang tao at kasabay non ay may nakikita siya sa isip niya ng mga iba't ibang imahe at pangyayare. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin non?" Seryoso pa ring sabi niya.

Natigilan ako sa tanong niyang iyon at napatingin sa mga kasama namen na pareho ko ay natigilan din. Tinignan ko naman siya diretso sa mga mata at sa tingin ko alam na naman niya ang sagot ngunit kailangan niyang kumpirmahin iyon. At talagang saaken pa? Tch tch tch.

Mahal kong Prinsesa pano ba kita mahihindian?

~~★~~

Our Princess, His Queen Donde viven las historias. Descúbrelo ahora