KABANATA 8

1K 137 2
                                    

~~★~~

Althea POV

Habang naghihintay kina Deltha, minabuti ko munang alamin ang mga pangalan ng prinsesang nasa harapan ko.

"Ahh mga prinsesa, maaari ko bang nalaman ang inyong mga 'ngalan?" Tanong ko.

"Ako si Agatha Rose Wancho. Labing anim na taong gulang, prinsesa" Sabi nung yumakap sa leeg ko kanina.

"Ako naman si Charisse Moriel Campana, labing limang taong gulang Prinsesa" Sabi nung singkit ang mata.

"At ako naman si Anitha Shaine Lopera, labing anim na taong gulang Prinsesa" Sabi naman nung napakakulit magtanong kanina.

"Ako naman si-"

"Althea Vinnice Willoughby, labing pitong taong gulang" Sabay-sabay nilang sabi.

Ahh oo nga pala kilala nila ako.

"Hehehe akala ko magkakapatid kayo" Sabi ko na ikinatawa nila.

"Magaganda lang kami pero never ko na ginustong maging kapatid ang mga eto" sabi ni Anitha kaya nahampas siya nung dalawa.

"Magkakalapit lang ba ang mga kaharian ninyo?"

Tanong ko sakanila ngunit bigla naman akong napahawak sa ulo ko ng bigla na lang may nakita na naman akong mga imahe ng mga batang babae, ngunit nakapagtatakang hindi sumasakit ang aking ulo, nakatulala lamang ako at medyo nahihilo. Parehong-pareho ang sinasabi ng mga bata sa mga sinasabi namen ngayon ngunit naputol eto ng kalabitin ako ni Anitha.

"Nakikinig ka ba, prinsesa?"

"Ha? Ano iyon?"

"Ang sabi ni Agatha. Doon na kami nagkita-kita sa kaharian nila Charisse para hindi na maglakbay pa ng malayo ang iyong ama" Paliwanga ni Anitha.

"Ahh" tanging nasagot ko na lamang.

"Ohh andito na sila" Sabi ni Charisse kaya napalingon ako sa aking likuran at tumaas agad ang aking kaliwang kilay ng makita si Alexander.

"Bakit andito 'yan?" Tanong ko sabay turo kay Alexander.

"Ahh kasi prinsesa, nandoon siya sa silid nina Prinsipe Simon at Harold kaya pinasama ko na lang rin ho" Paliwanag ni Deltha

"Bakit ayaw mo bang nadirito ako mahal kong, prinsesa?" Pagda-drama niya.

"Wag ka ngang mag-drama jan. Maupo ka na nga lang" Pagsusungit ko sakanya.

"Hahahahahahaha" tawa nung lima.

Ehh? Anong nakakatawa? Nang tumigil sila nagpakilala yung dalawang prinsipe saaken.

"Ako nga pala si Simon Ken Lopera. Kapatid ko etong si Anitha" Sabi niya kaya tinignan ko si Anitha at masasabi kong marami nga silang pagkakapareho kaya napatango-tango ako.

"Ako naman si Harold Wade Champ, prinsesa" Sabi niya at kinuha ang kamay ko upang halikan sana ngunit mabilis na hinigit ni Alexander ang kamay niya at humarang siya sa harapan namen. "Problema mo?" Tanong niya.

"Taas ng bakod ahh" Sabi ni Simon.

Ano raw?

"Wag mong halikan ang kamay niyan, baka... baka mamaya nasa kabaong ka na" Sabi niya.

"Ayy oo tama, pag nawala ka wala ng halili sa ama mo sige ka" Dagdag ni Simon.

Lumayo naman saaken si Harold na ipinagtaka ko kaya sinamaan ko ng tingin si Alexander.

Our Princess, His Queen Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin