Prologue

664 19 1
                                    

Ayaw ko man pasukin ang mundo ng modeling industry pero wala naman akong choice. Kailangan kong panindigan ang mga naging desisyon ko.

Nakakapagod pero masaya ako. Masaya ako sa mga bagay na nabibili ko gamit ang sarili kong pera. Masaya ako sa mga achievement ko dahil alam kong pinaghirapan ko 'yon. Alam kong deserve ko 'yon. Hindi dahil anak ako nila Mommy, hindi dahil mayaman ang pamilya ko.

"Sabay na tayo." Sabi ng lalaking nasa likod ko. Kailan ba niya ako titigilan sa mga paganyan niya?

"Hindi na, sanay naman akong mag-commute. At isa pa, ayaw ko nang issue, sobrang toxic ng mga fans. Ayaw kong nabubulabog ang buhay ko." Ngiting ganti ko. Kaya nga ako nagpumilit na bumukod dahil gusto ko nang tahimik na buhay. Tama na yung stress ko sa modeling. Trabaho yun. And as much as possible ayaw ko ma-involve sa kung sino man lalaki na nasa showbiz. Kuya is enough, understandable pa dahil magkapatid kami. Pero sa iba, ayaw ko. Masyadong magulo. Toxic fans are everywhere.

"Why do you keep on avoiding me?" Tanong niya, ilang beses ko na ba siyang iniiwasan? Hindi ko na rin mabilang.

"Dahil yun ang tama. Kung gusto mong maging maayos ang takbo nang buhay mo sa showbiz industry, tigilan mo ako. Tigilan mo yung pagsasabi mo na gusto mo ako....yung loveteam mo na lang. O kaya yung kapwa artista mo....

"You're the girl that I want, why do you keep on pushing me?! Ikaw ang gusto ko Skypiea!" May bahid na inis na sabi nito. Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Hindi mo ako pwedeng gustuhin Dylan Antonio! Malinaw naman diba na ayaw ko na magkaroon ng involvement sa showbiz. Alam ko ang takbo ng mundo na mayroon kayo! Ayaw ko nang tinatago ako, ayaw ko na kailangang mag-disguise para maka-date ka sa labas. Hindi ganun ang gusto ko! Gusto ko nang malaya, yung walang mga paparazzi na maghahabol o maglalabas na kung anu-anong article! At ayaw ko na masampal, mabato, mapagsabihan ng mga salitang hindi ko deserve. Alin pa ba ang hindi malinaw?! Ipapaliwanag ko nang paulit ulit para maintindihan mo!" Galit na sigaw ko, umalingawngaw ang boses ko sa kahabaan ng hallway sa condo. Kita ko ang sakit sa mga mata ni Dylan, pero ito ang tama. Naglakad ako sa elevator at agad na pinindot ngunit naabutan niya pa din.

Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Nagmamadali akong maglakad nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at iniharap sa kanya.

"Bitiwan mo ako!" asik ko.

"What do you want me to do?"

"Bitiwan mo ako! Nakakakuha na tayo ng atensyon. Ayaw ko na may lumabas na picture at pagpyestahan sa social media!" Inis na sabi ko.

"I'll do the things that can make you mine. I can quit showbiz Skypiea, I'll make you mine, whatever it cost." Seryosong sabi nito habang nakatitig sa aking mga mata. Akala ko tapos na, ngunit halos maestatwa ako nang dumampi ang mga labi niya sa aking labi.

Tunog ng camera at bulungan ng mga tao ang nagpamulat sa aking mga mata. Bakit kailangan mapunta ako sa ganitong sitwasyon. Sitwasyong pinipilit kong iwasan.

Make You MineWhere stories live. Discover now