X

1.1K 44 3
                                    

"Sino siya?!"

Hindi siya kumibo.

"Magsalita ka naman. Pakiramdam ko para na akong tanga dito... Sino siya?" pag-uulit ko sa tanong.

Tumikhim siya habang pinipigilan ang sarili na umiyak. Paraan saan ang mga luha niya? Para sa'kin o para doon sa babaeng bigla nalang pumasok sa buhay namin?

"E-Ex-girlfriend ko, Rowan. Siya yung nang-iwan sa'kin after five years, bago ako naglasing noon sa bar at nakilala kita."

May gumuhit na kirot sa aking dibdib. Ayaw ko mang pag-usapan ito, ngunit kailangan ko pa rin ng kapaliwanagan.

"Nagkita kayo ulit?"

"O-Oo. Nagkataon na siya pala yung boss ko sa bago kong trabaho."

Tadhana nga naman.

"Kailan pa may nangyari sa inyo?" diretso kong tanong. "Alam mo naman siguro yung ibig kong sabihin."

Muli, hindi siya nagsalita.

"Ano? Isesekreto mo pa rin ba yung tungkol diyan, e bistado ka na? Wala ka nang dapat na itago sa'kin ngayon, Bryan."

"K-Kumalma ka lang."

"Hindi ako kakalma kung wala akong alam sa mga nangyayari!" sigaw ko. "Sagot," mariin kong utos.

"Two weeks ago pa 'yun. May celebration sa office namin. Mid-day, tinawag niya 'ko sa opisina niya at uminom kami ng wine..."

Hindi niya kinayang ituloy ang pagsasalaysay.

"Nalasing kayo tapos nakaramdam kayo ng init? Tapos---"

"Tama na!"

"Bakit? Masakit bang pakinggan?" mariin kong tanong sa kaniya. "Ako rin, nasasaktan... Kwits lang tayo."

Yumuko siya at hinayaan ang mabibigat niyang mata na bumuhos ang mga luhang nagtitimpi. Sa pag-agos nito'y hindi ko hindi ko maiwasang maramdaman na para ako pa yung masamang tao kahit wala naman akong ginagawang mali.

"Hindi ko sinasadya."

"Sinadya man o hindi, nangyari na, Bryan."

"Hindi ko siya mahal."

"Pero ex mo siya, Bryan. May nakaraan kayo. Hindi ko maiwasang magduda na mahal mo pa siya. Kasi kung hindi na talaga, iiwas ka."

"H-hindi sa gano'n..." iyon lang ang mga salitang tumakas mula sa kaniyang bibig.

"Hindi mo na mababago yung nasa isip ko. Para sa'kin, mahal mo pa siya... Ginawa mo lang akong pangkalimot sa mga sakit na ginawa niya sa'yo."

Napahawak ako sa dibdib ko. Mabigat para sa'kin ang mga sinabi sapagkat yun talaga ang reyalidad. Masakit na reyalidad.

"Pinaglaban kita, Bryan. Sumama ako sa'yo kahit batid kong delikado," mariin kong sinasabi ang salita. Nais kong tumusok ito sa kaniyang puso at magdulot ng kirot. Nais ko siyang sak'tan tulad ng ginagawa niya sa'kin, ngayon. "Pero nagkamali ako. Pinatunayan mo sa'kin kung gaano katama yung mga sinabi sa atin ng mga pamilya nating hindi tayo kayang tanggapin... na hindi tayo pwede... na hindi 'to matatawag na pagmamahal... na kasuklam-suklam yung sitwasyon natin."

"Minahal kita, Rowan. Maniwala ka sa'kin," aniya.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Niyapos-yapos niya ito na para bang isang pinaka-iingatang bagay na pag-aari niya. Hinaplos-haplos na parang rosaryong kaniyang dinadasalan.

"Hindi mo nga nasabi sa'kin kahit isang beses na mahal mo 'ko. Paano pa kaya ako maniniwala?"

"Mahal kita," pagpupumilit niya.

"Huli na," buwelta ko. Napatahimik siya at napayuko. "Wala nang paliwanag na makakakumbinsi sa'kin. 'Tsaka ano pa bang saysay ng pagmamahal mo? Wala na tayong patutunguhan."

"Hindi kita iiwan."

"Dapat mo na 'kong iwan."

"Hindi."

"Oo!" mariin kong sambit sa kaniya. "Kung mature kang mag-isip, alam mo kung gaano kahalaga na iwan ako."

Umiling siya ng bigo.

"Bukas ang loob ko na sumama ka sa kaniya, pero huwag mong asahan na hinding-hindi ako magtatanim ng sama ng loob."

"Hon', ayaw kong sumama sa kaniya."

"Naririnig mo ba 'yung sinasabi mo?!" sigaw ko sa kaniya. "May anak ka na, Bryan. Tatay ka na! Dugo't laman mo 'yon, dapat mo siyang palakihin kasama si Jayne... At ako, kasaysayan lang ako sa buhay mo. Magiging bahagi lang ako ng nakaraan."

Sa sandaling iyon ay lumuhod siya sa harapan ko. Hawak pa rin niya ang aking kamay at hinalik-halikan. Hinila ko ito palayo sapagkat labis lang akong nasusuklam.

"Patawarin mo 'ko, Rowan. Hindi ko ginustong mangyari 'to."

"Pero nangyari na, Bryan. Wala ka nang ibang dapat gawin kun'di pangatawanan kung ano ang dapat pangatawanan. Lalaking mag-isa yung anak mo kapag pinili mo 'ko."

Wala akong kamalay-malay na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nagbibigay sa'kin ng ginhawa ang init na taglay nito. Sa bawat patak ay bawat hinagpis na kumakawala.

"Mahal kita, Rowan."

"Huli na," ulit kong tugon.

...

Nakahiga ako sa aming kama, habang nakatalikod kay Bryan na nag-iimpake na ng mga gamit niya.

"Ipagkakatiwala ko na sa'yo yung bahay," aniya ngunit hindi ako tumugon. Sandali, nakaramdam ako ng guilt. Parehas naming binuo ang tahanang 'to, at hindi ko maitatanggi na kasama siya sa may karapatan at pag-aari dito.

Mag-iiwan siya ng isang malaking bagay, at parang kay dali lang niya itong bitiwan.

Ilang oras ang inabot bago niya naiayos ang lahat ng gamit niya. Gusto ko siyang tulungan sa paglabas ng mga ito, ngunit ayaw ko pa ring makita ang pagmumukha niya kahit ito na ang pinakawakas.

Bago siya nagpa-aalam ay binigyan niya ako ng isang halik sa ulo.

"Mag-iingat ka palagi. Mahal kita. Aalis man ako, pero dadalhin pa rin kita sa puso ko."

Sa paglipas ng panahon ay mapapalitan din ako sa puso niya kaya malabo nang mangyari 'yon.

Pinakinggan ko lang ang mga huli niyang yabag sa sahig ng aming tahanan.

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)Where stories live. Discover now