VIII

995 39 0
                                    

"Please, Rowan, tulungan mo naman ako. Ikaw lang ang tanging alam ko na maaari kong lapitan. Please!" pagmamakaawa ni Klyde sa'kin sa phone.

Napakamot ako sa aking batok.

"Wala naman akong alam kung ano ba yung pwede kong gawin para matulungan kita. Wala naman akong alam na apartment sa paligid malapit sa bahay ko. Hindi naman kasi ako madalas lumalabas ng bahay, e."

"E, paano 'yan? Bukas na kasi yung araw na papalayasin ako dito. Please, ayaw kong matulog sa kalsada bukas."

"Ano ba kasing ginawa mo at bakit pinapaalis ka na diyan ng landlady mo?"

"Tatlong buwan na kasi akong hindi nagbabayad ng renta, e. Paano matumal ngayon ang kita sa supermarket kaya mababa lang yung natatanggap kong sweldo. Kakatanggal ko pa sa trabaho, e, paano nagbawas na ng mga tauhan yung may-ari. Tipid na nga ako ngayon sa pagkain para ipunin yung pambayad sa utang ko, pero hindi pa rin sapat para bayaran yung kabuuan."

Naaawa ako sa kalagayan niya, sa totoo lang, pero kahit gustong-gusto ko pa siyang tulungan ay wala akong magawa.

"Paano kung sa inyo muna ako tumira?"

"Huh?! Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?"

"Eh, yun nalang yung naiisip kong paraan. Wala naman akong kamag-anak dito sa siyudad na maaari kong lapitan para matuluyan. Ikaw lang yung kilala ko. Ano, okay lang sa'yo?"

Napahilot ako sa aking noo.

"Sige, sige. Susubukan kong kausapin si Bryan tungkol diyan, mamaya. Hindi ako sigurado kung papayag siya, pero kung ako ang tatanungin, okay lang naman sa akin."

"Hay, salamat talaga, Rowan! Hayaan mo, babawi talaga ako sa'yo kapag nakahanap na ako ng trabaho. Ililibre kita sa plaza, isama mo pa si Bryan," aniya.

"Bahala ka, pero hindi naman ako humihingi ng kapalit."

"Basta! Hindi mo 'ko mapipigilan na bumawi sa'yo. Kanina pa kaya ako balisa rito, alam mo ba? Hindi ko alam kung saan ako pupunta para manghingi ng tulong. Mabuti nalang at nahingi ko nga pala yung phone number mo. Jusko, Lord!"

Pinutol na namin ang tawag.

...

Sumapit na ang hapon at hinihintay ko ang pag-uwi ni Bryan. Muli nanaman akong nagbabasa ng panibagong nobela habang nakadungaw sa bintana kung saan matatanaw ang magandang kahel na sunset.

It is possible to break a diamond, despite of being the hardest of the hardests. Everything breaks in such ways.

Bigla kong sinarado ang hawak kong aklat nung narinig ko ang sunod-sunod na katok ni Bryan sa pinto. Masigla akong tumungo roon at pinagbuksan siya tulad ng madalas kong ginagawa sa kaniyang pag-uwi.

Akma ko siyang dadaluhan ng isang halik ngunit napansin ko ang pinaghalong pangamba at inis sa kaniyang mukha. Mukhang hindi maganda ang mood niya sa sandaling ito.

"Anong problema, Hon'?" tanong ko sa kaniyan na iniwasan niya lang. Walang-kibo niya akong nilagpasan at nagmamadaling umupo sa sala.

Sumunod ako sa kaniya at tumabi na rin sa sofa.

"Bakit? May nangyari bang masama?" nag-aalala kong tanong. Makikita ang pagkapraning sa kaniyang mukha. Pawis na pawis siya at hindi mawari ang kaniyang ekspresyon. Huminga ako ng malalim sinubukan kong haplusin ang kaniyang likod upang pagaanin ang loob niya.

Ngunit napalundag ako sa aking kinauupuan nang sumigaw siya sa hindi ko inaasahan.

"Huwag mo kong kausapin!"

Bigla akong napatayo at napaatras palayo. Natakot sa biglaan niyang panggagalaiti. Nang makita niya ang aking reaksyon ay bigla niyang sinubukang pakalmahin ang kaniyang sarili.

"Sorry... sorry. Hindi ko sinasadya," bigo niyang sabi. Napasabunot siya sa kaniyang sarili.

Ngumiti lang ako ng mapait.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman," sabi ko at huminga ng malalim. "Timplahan kita ng kape?"

Yun lang ang tangi kong paraan para mahimasmasan siya.

"Sige," malungkot niyang tugon.

Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng isang mariing halik sa pisngi bago tumungo sa kusina.

Nang natapos na akong magtimpla ay binigay ko na ito sa kaniya. Maligamgam lang ang tubig na ginamit ko para madali niya itong inumin.

"Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin yung problema mo kung ayaw mo talagang sabihin," sabi ko sa kaniya at tumabi sa kaniya ulit. "Pero kung naghahanap ka talaga ng pwede mong masabihan niyan, andito ako. Palagi akong makikinig."

Nag-ipon siya ng hangin bago tumugon.

"Hindi na ako ulit papasok sa trabaho, Hon'," aniya.

Kahit hindi madali sa'kin na tanggapin ang balitang 'yon, buong puso ko pa ring tatanggapin. Kung ito talaga ang gusto niya, ayos lang, basta dapat ay maghahanap pa rin kami ng income sa araw-araw.

Ngunit nakapagtataka lang. Akala ko ba maganda ang sitwasyon niya sa kaniyang trabaho? Ano kayang nangyari at naisipan niyang huminto?

Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Sige, magpahinga ka na muna. Baka sakaling kumalma ka," ani ko at pinahiga siya sa sofa. Binuksan ko ang air conditioner para lumamig ang paligid at mawala ang init sa ulo ni Bryan.

Gusto ko sanang sabihin ang tungkol kay Klyde, pero mukhang hindi pa 'to ang tamang oras.

Lumipas ang gabi ng walang kumikibo sa pagitan namin. Kahit sa hapunan ay hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang naging dahilan ng kaniyang galit at pangamba. Mukhang wala siyang balak na ibahagi sa'kin.

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)Where stories live. Discover now