"Hindi ko alam, ayoko munang magpakita ni-isa sa kanila." aniya.

"Kung ano yung desisyon mo, basta't alam mong makakabuti sayo. Suportado kita!" sabi ko at itinaas pa ang kamao.

Ngumiti siya. "Salamat, Idalia." aniya.

"Wala yon," nakangiting ani ko.
"Oo nga pala, sabi nung isang lalaki na inutusan mo maghatid ng papel sakin noon. Ang sabi niya ay may kasama kang babae." sabi ko, ngumiti si Seven at parang may naalala.

"Ay, ayon? she's Anika," aniya at ngumiti.

Something fishy...

Hindi ko naman gustong pilitan siya tungkol sa status niya at nung si Anika. Siguro hihintayin ko na lang hanggang sa i-open niya sakin ang bagay na 'yon.

"At yung about sa sulat, gusto kong sabihin saiyo ang lahat dahil alam ko na sarado ang utak mo. Si Anika ay malapit sa Montanier kasi kaibigan ng ina ni Sygred ang mommy ni Anika, sinasabi sakanya ng mommy ni Sygred ang lahat lahat. Dahil malapit nga siya doon ay pinagkakatiwalaan siya. Sinabi sakin ni Anika ang lahat, She's nice, nadala lang siya ng emosyon niya kaya nagkaganun siya." Aniya.

Magkaibigan pala si Tita Lucille at ang mom ni Anika. Small world nga naman.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Seven.

“Oh, really? they are friends? yes, i know. We're okay now. Nag bago na din ang tingin ko kay Tita Lucille, naging mabuti din ang turing niya sakin.” nakangiting sabu ko. napangiti si Seven dahil don.

Hindi pa din talaga ako makapaniwala na lalaking-lalaki na talaga si Seven, is it because of Anika? siya na ata talaga ang nagpapasaya sa puso ni Seven. Alam ko yon, kahit hindi inamin ni Seven. Sa ngitian palang niya alam na alam ko na.

---

Nakahiga na ako ngayon dito sa kwarto namin, Hindi ko maiwasang napangiti habang inalala yung kanina nang may pumitik sa noo ko.

"Saan ka galing? Anong nginingiti-ngiti mo?" kunot noong tanong nomi Sygred na hindi ko alam na gising pala, bumango pa ito.

"Ano?" ulit na tanong pa niya.

"Diyan lang." sagot ko at nag iwas ng tingin sakanya.

"Saan?" Tanong pa niya.

"Sagutin mo ako, saan ka talaga nagpunta? I'm asleeep, Idalia” nanlaki ang mata ko.

He—what?

Stay calm, Idalia. It's not like you're cheating or what?

“Nagising ako nung tumunog yung pinto. Hindi lang ako bumaba kasi baka magising si Izak at umiyak dahil makitang wala siyang kasama. Saan ka galing?" seryosong sabi nito

Bumangon na din ako at inayos ang buhok ko, bago tumingin sakanya.

"Okay, sa labas ako galing at nakausap ko si Seven." sabi ko.

Hindi makapaniwala ang reaksyon ng mukha nito at kung makatingin ay parang isa akong baliw.

Grabe naman 'yan!

"Are you serious, Idalia? how did you talk to ghost?" tanong nito, doon ko lang naisip ang sinabi ko.

"Ah, no...he's alive," sabi ko at mahinang kinewento sakanya ang tungkol kay Seven.

"Ah, so. lalaki na siya ngayon? how?" tila naguguluhan at kunong noong tanong nito.

"he met Anika you know Anika, right?" tanong ko, lalong kumunot ang noo nito.

"Anika Zaraga?" tanong nito, nag kibit balikat ako.

"Maybe? I don't know her surname." sagot ko.

"She's Anika, she's a brat but siguro mabait din naman. Hindi kami close. She's annoying sometimes." aniya.

Ah, annoying kaya pala noong una ay ayaw na ayaw sakanya ni Seven.

"Siya ang nakapag pabago kay Seven." sabi ko.

"Yeah, pero ikaw..."

Napangiti ako.

"Anong ako? Hmm?" tanong ko at inayos na ang unan ko at ang comforter na naka patong kay Izak.

"Hindi ang nakapag palambot sa yelo kong puso." anito, napailing ako. pero deep inside kinikilig naman.

"Corny mo," sabi ko, ngumuso ito habang pinipigilang mapangiti. Kala niyo mga babae lang gumagawa niyan? Mga lalaki din.

Tumawa ako at inabot siya upang halikan siya sa labi, nang mahalikan ko siya ay pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko pero agad ko din namang kinalas.

"Matulog na tayo, anong oras na oh!" Sabi ko at tumingin pa sa orasan.

Tumawa naman ito at muli pang nag nakaw ng halik bago kami nahiga sa magkabilang gilid ni Izak.

Baliw na ata ako dahil matutulog na lang ay kinikilig pa, hindi ko matanggal ang ngiti sa mga labi ko.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon