CHAPTER 31

35 8 1
                                    

《Wave》

Hinintay ko ang pagtama sa'kin ng bala. Alam kong ito na ang katapusan ko. Pero ilang segundo pa ang nakalipas isang mainit na yakap ang naramdaman ko sa aking katawan.

"Sammy/Ate." Sabay na sigaw nina Ure at Athena na siyang dahilan ng pagdilat ko.

"S-sam." Napatitig ako sa kanya habang mahigpit akong niyakap.

Napaangat ang tingin ko sa aking kamay ng may bahid ito ng dugo mula sa kanyang likuran.

"S-sam."

"Hayop ka!" Sigaw ni Roy at hinampas ng baseball bat si Dean nakasunod sa kanya pulis kasama si Prof. T.

Nilapitan niya kami at mabilis niyang binuhat si Sammy. Sumunod naman si Greek na buhat din si Gi.

"May warrant of arrest kami para sayo." Sabi ng isa sa mga pulis.

"Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamiting pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman..." yun ang huli kong narinig sa mga pulis bago sumunod sa kanila.

•••

Mabilis na isinugod si Sammy at Gi sa hospital sila lang ang may pinakamalalang natamo.

"Hindi po kayo pwede sa loob." Pinigilan ko si Ure na sasama sana sa loob. Natapos nga namin ang misyon pero kapalit naman iyon ng buhay ni Sammy at Gi. Sana lang talaga walang mangyaring masama sa kanila.

May kunting bali rin sina Roy at Greek dahil nakalaban nila ang iba pang miyembro ng mga ulupong ni Dean. Nahuli rin sina Capm at Hiking. Noon palang malakas na ang kutob ni Sammy na kasapi sila ni Dean.

"Anong nangyari?" Sabay kaming napalingon kay Luna. Sobrang dumi ng uniform nito.

"Wag niyo kong, tingnan. Nahulog lang ako sa kanal." Gusto kong matawa pero naisip ko ang kalagayan nila Sammy.

"Kamusta ang ate ko?" Kararating lang din ni Athena kasama si Henz.

"Nasa loob pa sila." Nakaramdam ako ng kaba ng bigla na lang magkagulo sa loob.

"Revive the patient!" Sigawan sa loob.

"Clear!"

Mas lalong napahagulgol si Ure habang nakatingin sa pintuan ng operating room.

"Sana ayos lang sila."

"Wala ka talagang kwenta! Puro katarantaduhan ang mga pinanggagagawa mo sa buhay!" My grandfather shouted at me.

Nakayuko lang ako at naramdaman ang pagdapo ng kanyang palad sa aking mukha.

"Kung hindi ko lang kinausap ang Dean niyo matagal ka ng wala sa paaralang yun!"
"Hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan ng ina mo!" Napakuyom ako ng aking kamao. I don't want to hurt him. Kahit papaano lolo ko parin siya at siya ang nagpalaki sa'kin nong iniwan ako ni mama.

"Bukas kakausapin ko na naman yang Dean niyo dahil sa mga kalokohan mo!"
"Lintik!" Naglakad ito papunta sa kanyang kwarto.

Yan ang dahilan kong ba't ako nasali sa grupo ni Dean alam din ni lolo ang mga ginagawang kabalastugan ni Dean sa university na pinapasukan ko. Ayaw na niyang makialam dahil baka madamay pa siya.

Siya ang rin ang dahilan kong bakit ako sumapi kina Dean, malaki ang utang na loob sa kanya ni lolo. Bilang kabayaran pilit niya akong pinapasali sa grupo.

Kahit ayaw ko man wala na akong magagawa. Wala na akong ginawa kundi bigyan ng sakit ng ulo si lolo. Pero gusto kong kumalas dahil alam kong hindi na tama ang mga ginagawa nila.

Ngayon na nakilala ko si Samantha, nagbago ang lahat.

Nagbago ang mga pananaw ko. She's strong.

Lahat kinakaya niya. Alam kong lalaban siya. She's a fighter.

She can survive.

........

《Sammy》

"Pa." Mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwalang makakasama ko ulit siya.

"Don't cry." Sabi nito at marahang pinunasan ang aking mata dahil sa luhang rumaragasa. He's here.

Matagal ko na'tong pinapangarap na makita siya muli. And now, nandito na siya sa harapan ko.

"I miss you."

"I miss you too, SM." Yan ang tawag sa'kin palagi ni papa.

Abot tainga ang kanyang ngiti habang nakaharap sa'kin. Wala siyang pinagbago. Gano'n parin.

Hinawakan niya ang kamay ko. Gusto ko pang makasama si papa ng matagal. Ayaw ko ng mawalay pa sa kanya.

"Can I stay with you?" Tanong ko sa kanya ayaw ko ng mawalay kay papa. Ilang minuto siyang napatitig sa'kin bago magsalita. Halatang hindi makasagot sa sinabi ko.

"Are you sure?" Tango lang tanging sagot ko habang humihikbi. Gusto kong makasama si papa.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now