CHAPTER 25

24 8 0
                                    

Iniwan ko muna sila Ure sa canteen. Hindi naman sila nagtanong kung saan ako pupunta.

Tinakbo ko ang bagong hideout ni prof.

"Sammy, bakit ka-" hindi ko na siya pinatapos at maingat na inilapag ang asul na likido sa mesa niya.

"Ipatest mo."

"Ano 'to? Gatorade?" Umupo ako sa upuan niya. Hiningal pa ako ng dahil lang diyan.

"Hindi. Akala mo simpleng likido lang yan."

"May hinala na ako, juice 'to?" Isa pa'tong siraulong matanda na'to.

"Subukan mo kayang inumin ng malaman mo." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Yan ang hirap sa matandang katulad niya.

"Nevermind baka malason pa ako."

"Katulad niyan ang nakita ko don sa warehouse na sinabi mo." Sumeryos ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"May nakuha akong impormaston pero hindi ganon kahalaga. Pinangalanan nila yang Z, narinig ko silang nag-uusap na
'Maganda ang magiging resulta pag-uminom ka ng Z. Bibilis ang pag-iisip mo, kumbaga kung hindi ka matalino ay tatalino ka na lang bigla. Pero malaking epekto nito kapag nasobrahan.' Mabuti na lang at naalala ko pa ang sinabi nong lalaki.

"Tama nga ang hinala ko." Napataas ako ng tingin at napatitig kay tanda.

"Kung tama ang hinala ko, narinig kong may kausap kanina si Dean." Napakunot ang noo ko dahil sinabi niya.

"At anong ginagawa mo sa university?"

"Nilipat ako don para magturo."

"Kailan pa?"

"Nong isang linggo pa." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Wala talagang balak na sabihin samin ng matandang 'to na nandon siya sa university nagtuturo.

"Ipapatest ko'to bukas."

"Bakit hindi ngayon?"

"May date pa ako." Sabi ni tanda at nilayasan ako. Hayop!

At nagawa pa talagang makipagdate samantalang kami namomoblema kong anong susunod na plano sa misyon.
•••

Iritado akong naglakad papasok sa university. Nang may ambulansyang nakapark sa harapan ng building namjn. Anong nangyayari?

"Excuse." Nakikisiksik ako sa mga estudyanteng naroon.
Nakita ko na lang na isinakay na sa ambulansya sina Ure kasama na rin ang anim. What happened?

"Anong nangyari?"

"Samantha!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Kabado akong tumakbo papunta sa direksiyon ni Prof. T. Akala ko may date siya.

"Anong nangyari sa kanila?"

"May nakakita sa kanila sa banyo na nakahandusay habang bumubula ang bibig."
"Base sa examination ng asul na likidong binigay mo, may hinalong drugs sa inuming yun. At hindi lang basta-bastang drugs sobrang lakas nito na kapag na overdose ka maaari mo iyong ikamatay."

"Posibleng yun ang nangyari kina Ure. Nong nasa mathematics class kami. Pinaiinom kami nong babaeng apat ang mata ng likidong yun. Hindi ko lang alam kung ilang ulit niyang pinainom sina Ure ng likidong yun.

Kailangan kong puntahan sina Ure.
•••

Sumugod kaagad ako sa hospital kung saan sila dinala. Nagtanong pa ako sa counte kung anong room number nila.

"Thank you." Sabi ko sa nurse at tinakbo ang hallway, nagpalinga-linga ako sa bawat room number.

"Bakit ba kasi nasa magkaibang kwarto pa sila hindi na lang pinag-isa?" Napasuklay ako ng aking buhok at pumasok sa kwarto ni Ure.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now