CHAPTER 12

32 13 3
                                    

Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon.
Walang nangyari sa pagpuslit namin sa university. Hindi parin ako tumitigil hangga't walang kasagutan sa mga tanong ko. Nanghihinala na ako sa Dean pero wala pa akong sapat na ebedinsya para mapatuyan kong kasabwat ba talaga siya sa mga nangyayaring krimen dito sa school.

"Paano yan? Mas lalo dumami ang security ng university. Utos siguro ni Dean. Tapos may mga ssg pa na inutusan din niya na manmanan tayo."

"Hindi naman niya ito iuutos kong wala siyang tinatago."

"Hoy, dean parin natin yun."

"Ano naman ngayon? Kung may ginagawa siyang kababalaghan dito sa university. Hindi ko na siya kilalanin na dean na'tin kahit siya pa ang may-ari ng university na'to." Nagtatalo na naman silang dalawa.

"Tama si Ure, hindi naman pahihigpitan ni Dean ang security kung wala silang tinatago." Pag-sang ayon naman ni Greek kay Ure.

Kagabi nong papunta palang ako sa faculty may mga taong nakamaskara ang nakita ko.

Ganon din ang suot ng nakalaban nong nakaraang gabi.

Gusto ko man silang sundan hindi ko pwedeng iwan ang grupo.

May tinatago talaga ang university na'to. Hindi na ako magtataka kung malaya silang nakakagalaw sa loob ng campus.

May malaking tao ang nagtatago sa likod nito. Wala pang sapat na ebidensya ang makakapagturo sa kung sino ang nagpasimuno ng lahat ng ito.

Sa ngayon kailangan namin si Prof. T. Siya lang ang taong may alam sa mga ganitong bagay. Siya ang mas may maraming karanasan kaysa sa amin.

"Sammy, anong gagawin na'tin?"

"Sa ngayon, papalamigin muna na'tin ang sitwasyon. Alam kong mainit na tayo sa mga mata ni Dean lalo pa't nahuli kayo."
"Hintayin na'ting kumalma ang lahat. Bago ulit tayo gumawa ng panibagong hakbang." Mahabang salaysay ko habang nakatingin sa malayo.

"Kailan naman yun?"

Pakiramdam ko nauubusan na kami ng panahon at oras. Hindi pa namin nareresolba ang paghahanap kay Athena at ngayon tungkol naman sa univerity.

Paano nalang kung konektado ang lahat ng ito?

Paano kung isa lang ang taong nagpasimuno ng lahat ng ito?

"Kasalanan kasi ni Greek ang lahat. Nagdala-dala pa kasi ng cellphone tapos biglang tumunog ayon huli kaming lahat." Paninisi ni Gi kay Greek.

"Eh, si Ure rin naman a. Sobrang ingay." Paninisi naman ni Roy kay Ure.

Dumagdag pa sa problema ko ang mga 'to.

"Anong gagawin na'tin dito sa hideout? Wala namang pasok ngayon."

"Tapos bukas may event sa school. Magiging busy na naman bukas." Pagmamaktol ni Ure.

May event pala bukas?

"Hindi mo alam, Sammy noh? Hindi ka kasi nakikinig sa prof na'tin e. Ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Gusto mong itarak ko'tong dagger sa bibig mo?" Pananakot ko sa kanya para tumahimik.
•••
Plan B. Napag-usapan na namin ito kagabi. Ayaw ko ng mag-aksaya ng panahon at oras.

"Kung may nakita kayong isa sa mga estudyante na may kahina-hinalang kilos. Sundan niyo agad pero wag kayong magpapahalata."
"Manmanan niyo rin yung 3rd year student." Sabi ko sa kanila habang nasa locker room kami. Wala namang tao dito dahil lahat ng estudyante nasa auditorium na.

"Sino?"

"Yung mga pangalang ibinigay ko sa inyo." Sabi ko sa kanila. Tumayo sa tabi ko si Wave habang ang iba naman ay nakaupo lang sa kani-kanilang upuan.

"Nakabalik na sila. Isa sila sa mga estudyanteng may kahina-hinalang kilos. Nong nawala sila wala man lang bali-balita, ngayon na nandito na sila ulit wag niyo na silang papakawalan."

"At isa pa. Maaring may mga estudyante silang ginagamit para gumawa ng kabalastugan dito sa university. Hindi imposible na involve ang dean dito."

Ito na ang pagkakataon namin para makakuha ng kasagutan. Ayaw ko ng patagalin pa ang misyong 'to.

"Roy, yung mga inimbento mo. Pwede ba naming gamitin?" Nagtaas ng tingin si Roy sa'min.

"Sure, wala namang gumagamit non."

"Eh, bakit ka nag-iimbento ng mga ganoong bagay kung wala namang gumagamit?" Tanong ni Gi sa kanya.

"In case of emergency." Kibiit -balikat na sagot nito.

"Back to the plan." Umayos sila ng upo habang seryosong nakatingin sa'kin at kay Wave.

"Siguraduhin niyong hindi kayo magpapahuli at sa oras na magpapahuli kayo. Sira na ang plano."

"It's time."

••

"Nandito na kami sa event."

"Magmasid lang kayo." Sabi ko kay Greek. Pinasuot ko sa kanila ang inimbento ni Roy pero hindi ito ordinaryong gamit lang. Hindi na kami mahihirapang makipagcommunicate sa isa't isa dahil dito.

"Wala namang kahina-hinala sa galaw ng mga estudyante dito."

"Magbantay lang kayo."

Kasama ko si Roy habang siya naman palaging nakamonitor sa laptop niya. Kinabitan ko din ng mga camera ang isa sa kanila para kita ko ang bawat galaw ng nakapaligid sa kanila. Mahirap ng maisahan.

"Wag kayong aalis diyan habang wala kayong napapansin na kakaiba."

"Sammy." Tawag sa'kin ni Roy. Agad akong tumabi sa kanya.
"Tingnan mo' to." Turo niya sa screen.

"Kanina ko pa napapansin ang isang 'to." Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaki. Nagpalinga-linga ito na nagmamasid na baka may sumusunod sa kanya.

"Wag mong alisin ang tingin mo sa kanya."

"Sino sa kanila ang mas malapit sa kanya?" Tanong ko kay Roy.

"Malayo ito sa event kung nasan sila Ure. Si Wave."

"Wave?"

"Why?"

"May nakikita ka bang lalaki diya na kanina pa palinga-linga?"

"Nasa may bandang kaliwa mo."

"I see." Sagot naman nito sa kabila.

"Sundan mo siya at wag na wag mong alisin ang paningin mo sa kanya."

"Copy."

Napahinto ako ng may maramdaman akong tao sa likuran ko.

"Roy." Tawag ko sa kanya. Alam naman niya ang gustong iparating ko.

Kinuha nito ang gamit at umalis.

Hinarap ko ang taong nasa aking likuran.

"Bakit wala ka sa event, Ms. Imperial?"

"May inutos lang sa'kin, Dean. Babalik na po ako sa event." Tumango lang ito.

Pagtalikod ko kaagad kong kinausap si Roy. Limitado na lang ang bawat galaw namin. Damn!

"Ano na?"

"Muntik na tayo don." Nilingon ko ulit si Dean na nakatingin sa'kin. Alam kong may tinatago ka hindi ko pa alam sa ngayon pero malalaman ko rin.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng may makabangga ako.

"Sorry, Ms." Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sugat niya sa kaliwang mukha.

Bumalik na naman sa alaala ko nong gabing yun.

Bago ko pa makausap tumakbo na ito palayo. Marami na sila.

"Sammy, come here."

"Where are you?" Tanong ko dito.

The Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon