CHAPTER 29

33 8 0
                                    


Kinapa ko ang device na binigay sa'kin ni Roy para marecord kung ano man ang pinag-uusapan namin ng bruhang 'to.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Sabay taas ng device ni Roy.

"Akala mo ba mauuto mo ako ng ganon-ganon na lang. Hindi ako tanga kagaya mo." Nilapag niya sa sahig ang device bago tapakan hanggang sa mabasag.
"Sa susunod na huhulihin mo'ko sa akto yung hindi ka mahahalata ha?"

"Sa uulitin." Sabi niya at tinapik ang mukha ko. Arghh! Bwesit.

"Narecord niyo ba?"

"Oo." May tanga ka. Akala mo ba hindi ako nagdala ng back up! Bitch!

"Good."

•••

"Anong ginagawa niyo dito? Wala ba kayong pasok?" Bwesit na SSG!

"Wala." Maikling sagot ko bago siya lagpasan. Naglakad lang ako ng mabagal para hindi ako mahalata ni Hiking.

Pumunta ako sa locker kung nasan sila Ure. Hindi muna ako pumasok ng nasa loob si Camp. Bwesit talaga!

"Nagcutting kayo?" Pasimple akong naglakad papunta sa likuran niya. At isang malakas na batok ang natanggap niya sa'kin. Wala itong malay nang nasalo ko. Dahan-dahang ko siyang inihiga sa gilid.

"Astig."

"Let's go."

Lumabas kami ng locker. Pinuntahan namin si Prof. T sa faculty niya pero ni anino wala siya don.

"Aray!" Sigaw nito. Lahat kami napalingon sa ilalim ng mesa. Anong ginagawa niya diyan?

"Tanda."

"Hideout tayo." Sabi ko.

Dumaan kami sa maliit na butas sa may pader papunta sa hideout. Pero laking gulat namin ng nandon sa loob ang mga nakamaskara.

"Tumahimik lang kayo." Sabi ni tanda.

"Drag wala kaming makita."

"Drag." Bulalas ko.

"Tanda."

"Alam ko, Samantha. Pero hindi ang oras para harapin sila. Doon tayo sa bagong hideout." Bulong niya at tumango lang ako.

"May bago pala tayong hideout?"

"Wag ka ng maraming tanong." Napatigil kami ng marinig namin ang kasa ng baril sa aming likuran.

Tch, akala ko talaga makakatas na kami.

"Sammy." Sambit ni Ure sa pangalan ko.

Ngumisi lang ako.

Yumuko ako ng kunti para makuha ang dagger na nakaipit sa tela na nasa aking tuhod.

Isang sipa mula sa likod ang binigay ko sa taong may hawak ng baril. Natumba ito at ito ang kinuha naming chance para makatakbo.

"Takbo!" Sigaw ko.

Putok ng baril ang narinig ko habang patuloy lang kami sa pagtakbo.

Hanggang sa makalayo kami hindi parin humuhupa ang barilan. Kung ganon lang din naman ang makakalaban namin, panahon na ba para humanap kami ng sariling baril.

Hanggang sa makarating kami sa bagong hideout ni tanda.

"Sammy, may tama ka." Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi sa balikat ko.

"Malayo lang 'to sa bituka."

"Wave, ihatid mo muna si Sammy sa hospital." Aangal na sana ako ng akayin ako ni Wave.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now