Natigil silang lahat sa pag-uusap. Hindi na ito nakasuot ng uniform. Nagchange outfit pa siya ha?

Nakasuot ito ngayon ng jeans at croptop shirt with matching black leather jacket.
At nakaboots pa.

Huli ko siyang nakitang nakasuot ng ganyan nong sumugod kami sa isang gang group. Astig niya pagnakasuot ng ganyang style. Para kasing nanghahamon ng away.

Pag ito talaga nagsuntukan, bibili na ako ng popcorn agad-agad.

"Anong ginagawa niya?"
•••
《Sammy Pov》

"Sorry po." Paghingi nito ng paumanhin ng matapunan niya ng juice ang uniform na sinusuot ko.

"It's ok." Takbo ka kasi nang takbo. Ito ang napala mo. What now? Hindi naman ako pwedeng tumakbo ng nakaganito?

"Sorry po talaga."

"Dhena Santiago, right?"

"Kilala niyo po ako?" Inosenteng tanong nito. Pero sa likod ng maaamong mukha may lihim na tinatago.

"Yes. Can I talk to you?" Kumunot pa ang noo nito pero pumayag rin kinalaunan. Wala kang magagawa kung hindi ang sumama sa'kin.

"Ano po palang pag-uusapan na'tin?"

Dinala ko siya sa field na kaming dalawa lang.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kilala mo si Athena Imperial hindi ba?"

"Opo, kaklase ko siya nong 3rd year." Diretsong sagot niya.

"I know."
"Kayo ang huli niyang kasama bago siya nawala. Di ba?"

"Teka po, kilala niyo ba si Athena?"

"Let's say na kilala ko siya." Tumango-tango pa ito, pasimple itong tumalikod at humarap ulit sa'kin bago ako tinakasan. The heck!

May kinalaman talaga ang babaeng yun. Humanda ka sa'kin. Sa ngayon, magbibihis muna ako. Bwesit na juice yan!

Ilang oras ang tinagal ko sa banyo. Pinusod ko ang aking buhok.

Gusto niyong makipaglaro a. Sige, ako ang taya at kayo ang mga huhulihin ko. Nakangisi akong nakaharap sa salamin.

Sinulyapan ko isang beses ang aking sarili bago lumabas ng banyo.

Let the game begin, bitch!

Sinundan ko kung asan siya tumakbo kanina. Kahit kailan hindi pa ako natatakasan ng kahit sino man. Ikaw pa lang ang naglakas ng loob babae ka.

Pero kahit anong gawin mong pagtatago hindi ka makakatakas sa paningin ko.

Huminto ako sa harap ng mga estudyanteng masayang nag-uusap.

Basi sa name plate nila.

Swerte ko naman, nandito na pala ang mga taong hinahanap ko.

"Hi guys." Bati ko sa kanila. I don't care kung feeling close ako. Ginagawa ko lang ang trabaho ko.

"Hi, Dhena." Bati ko sa babaeng may binulong pa sa katabi niya.

"Sino ka?"

"Hindi ako sino ka, inire ako." Self, nagawa mo pa talagang magbiro.

Napaatras ako nang kaunti ng tumayo ang tatlong lalaki. Sa pagkakaalala ko. Itong maangas ang itsura si Atticus, itong may katabaan si Anton at ang panghuli si Benidict.

"Anong kailangan mo?" Ayaw ko sa pananalita ng lalaking 'to. Naghahamon ng away? Game ako.

"Alam mo bang pwede kitang ireport sa principal's office?"

"At bakit naman?"

"Sinabi ba sa inyo na "respect your senior"?" Pinakita ko sa kanila ang id ko.

"Samantha Imperial 4th year."

"Kaano-ano mo si Athena?"

"Kilala mo pala siya?"

Base sa eskpresyon ng mga mukha nila. May namutla at may hindi makapaniwala.

"Hindi ba pwedeng ka-apelyido ko lang siya."

"Oo nga naman." Natatawang sabi nito na alam kong pilit niyang tinatago ang kabang nararamdaman niya. Wrong move.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ng babaeng nagngangalang Nica. Sa tono ng pananalita niya may pagkasarkastiko ang babaeng ito. And I hate it.

"Alam ko naman na kilala niyo si Athena Imperial na kaapelyido ko."
"At kayo ang pinaghihinalaan ng pagkawala niya."

"Huh?" Sabay nilang sabi.

"Pinagbibintangan mo ba kami a? May ebedinsya ka ba?" Maangas na tanong ni Atticus.

"Sabihin na na'ting meron."

Lumapit ito sa'kin na parang naghahamon ng gulo. Wag mong patulan yan Samantha, mga bata pa yan.

Pero umaaway ako ng bata.

Buti na lang at nailagan ko ang suntok niya.

Away pala ang gusto mo a. Tumayo ako sa ibabaw ng mesa.

"Yan lang ba ang kaya mo, Atticus Ramos?" Kita ko ang paglaki ng butas ng ilong nito.

"Sino ka bang babae ka?!" Bumaba ako ulit at hinarap siya.

"Sinabi ko na kung ano ang pangalan ko."

"Wala kaming kinalaman sa pagkawala niya."

"At sa tingin mo mapapaniwala mo ako ng ganon-ganon lang?"

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now