Chapter 9 (3/19/15)

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm just right on time," sabi naman ni William.

Nilingon ko si Will, "thanks. You're a savior! Hindi ko ma-take na tignan o kausapin man lang ang babaeng 'yan."

Will gave me a sad smile, "I know. Sige una na ako Timi. See you!"

"See you."

At tuluyan na ring umalis si William.

Napa-hinga ako nang malalim.

So magkasama pa rin pala ang dalawang yun huh?

Tsk.

Kumikirot ang puso ko.

Maaga akong umalis sa restaurant at dumiretso ako sa mall para mag released ng stress. Paano kasi, may hang over na nga ako, nakita ko pa ulit yung demonyitang si Erin. Buti na lang talaga napigilan ko ang sarili ko. Nung huling beses kasi naming pagkikita five years ago, gustong-gusto kong sakalin ang babaeng yan.

Pero kung iisipin, parang ang laki nang nagbago sa itsura ni Erin. Nangayayat siya at mas nagmukhang haggard.

Siguro stressed yun sa kakaisip baka pag dumating ako agawin ko sa kanya si Ice! Asa siya!

Alam kong may nararamdaman pa ako kay Ice. Pero pagpapakatanga na ang pag agaw ko sa kanya. Hinding-hindi ko gagawin yun.

At kahit pa sabihin ni Ice na ako na ang gusto niya, parang hindi ko na kayang makipag relasyon sa kanya.

Ang tiwala, once na nasira na, ang hirap nang ibalik.

Nakakatakot.

Nagikot-ikot ako sa mall at tumingin ng mga damit. I called Rika a while ago kaya lang may work siya kaya naman solo flight ako ngayon sa pag sho-shopping.

"Miss Timi?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at may nakita akong isang familiar girl na nakatingin sa akin. Petit, may auburn brown hair, maganda. Teka saan ko na nga ba nakilala ang isang 'to.

"Ah Mia po. Naalala niyo po ba ako?"

Oh. Siya yung sinungit-sungitan ni Ayen.

"Mia! Yung singer!" masigla kong sabi sa kanya.

Nginitian niya ako, "a-ako nga po."

"What are you doing here? Shopping? May kasama ka ba?"

Umiling siya, "wala eh. Mag isa lang. Solo flight."

"What? Eh paano kung pagkaguluhan ka ng mga fans mo rito? Edi patay na?"

"Eh hindi naman ako sikat!" natatawa-tawa niyang sabi. "Wala pa naman masyadong nakakakilala sa akin."

"Ay sus. Alam ko soon magiging sobrang sikat mo na!"

At hindi ako nambobola doon. Naalala ko na naman ang boses niya. Sobrang ganda. Plus yung sinulat pa ni Ayen na kanta eh tagos sa puso. For sure magiging hit yun.

"Kayo po? Mag-isa lang?"

Tumango ako, "yep. Solo flight din. Shopping shopping lang."

"Oh I see. Nag hahanap ako ng gift para kay Sir Ayen."

"Gift? Teka, hindi naman niya birthday ah? Oh nakalimutan ko na ang birthday ng isang yun?"

"Ay hindi, hindi. Pang thank you gift lang. Ang gaganda kasi ng mga songs talaga na ginawa niya eh. Kaso hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko. Uhmm may idea ka po ba kung ano ang pwede?"

Nginitian ko si Mia, "alam ko kung ano!"

At hinila ko siya papasok sa isang bookstore.

~*~

"Timi, sure ka ba talagang magugustuhan niya yung gagawin ko?" sabi ni Mia habang nakatingin doon sa apat na recipe books na binili namin.

Nandito kami ngayon sa Starbucks at nagpapahinga. After kasi namin bumili ng recipe books, nagpasama naman ako kay Mia na tumingin ng sapatos at ngayon ay drained na ang energy ko.

"Oo naman Mia!" sabi ko sabay sip ng Iced vanilla latte na iniinom ko. "Promise ko sa'yo, kahit baked mac lang yan o pesto naku, sasambahin ka nung lalaking yun."

Napangiti si Mia, "sana nga. Tsaka para hindi na rin siya mag sungit sa akin. Timi, ganun ba talaga si Sir Ayen sa umpisa? Masungit?"

Naibaba ko yung kape na iniinom ko, "actually, hindi talaga masungit ang isang yun eh. Nagulat din ako. May nangyari ba?"

Umiling si Mia, "as far as I know, wala po. Unang pagkikita pa lang namin, ang sungit na niya sa akin. Yung pagka tinitignan niya ako, parang may malaki akong kasalanan sa kanya. At hindi ko alam kung ano. Kung bakit..."

Hmm..

Weird.

Ano kayang problema nang isang yun at ganun makaasta kay Mia? Makausap nga ang mokong na yun.

Mga bandang 8pm, nagpaalam na si Mia sa akin na uuna na siya ng uwi. May pupuntahan pa pala siya na show bukas at kailangan niyang magpahinga.

Ako naman, nag-ikot-ikot muna saglit sa mall.

Kaya lang, sa kalagitnaan ng pagiikot ko, nakarinig ako ng kaguluhan.

"Oh my god, he is soooo hot!" dinig kong sabi ng isang babae sa kaibigan niya na nagmamadaling lumabas.

Bakit parang kinakabahan ako?

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang grupo ng mga babae na nagpapapicture sa isang celebrity.

Kay Ice.

What the fudge--?!

Tumalikod ulit ako. Shet.

Ba't nandito ang isang yan?!

Nagsimula na akong mag lakad. Preoccupied naman siya eh. Malabong makita niya ako. At kung makita man niya ako, eh ano ngayon? Hindi niya pagaari 'tong mall! May karapatan akong dedmahin siya!

"Uy Timi!"

Kill me now.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko ang mga nanlilisik na mata ng mga babaeng nakatingin sa akin.

"Hey!"

Naramdaman kong may tumapik sa likod ko at nilingon ko ito.

Sino pa nga ba kundi yung yelo?!

"Kanina ka pa ba? Sorry I'm late."

I gave him a 'what-the-freakin-hell-are-you-talking-about. I-badly-want-to-kick-your-egg-so-leave-me-alone' look.

"Let's go?"

At inakbayan niya ako.

Nakarinig ako ng pag capture ng picture sa isang phone. Sa gilid ko eh may nakita akong mga bystanders na pare-parehong nakataas ang cellphone at kinukuhanan kami.

WHAT THE HELL?!

Ice leaned forward.

I heared the crowd gasps.

"Wag kang mag tataray, mas malaking eskandalo yun, sige ka."

Hindi ako nagsalita pero nagngingit-ngit ako sa inis.

Nginitian niya ako.

Yung ngiting tagumpay.

"Let's go."

At sabay kaming naglakad dalawa patungo sa I don't know where.

ANAK NG--!!!

To be continued...

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon