I was about to walk when he called me. Iniabot niya ang box ng ring sa akin.

"I brought this for you, so you must have it. This is the symbol of my love for you, and for me to move on, I must leave the things that holds me back behind."

I was about to take it when something came into my mind.

Masuyo kong hinawakan ang kamay niyang may hawak ng singsing saka inilapit pabalik sa kanya yun.

"You can keep it, I want you to give that ring to the girl you will see your life with. I want you to give that to her, so when you introduce that girl to me, I would know that you're sure with her, and you will marry her at the right time."

"Make me proud, tangi."

"I will."

I started running, kahit na sobrang dami ay pilit kong sinisiksik ang sarili ko para mapuntahan siya.

Ryan Emmanuel de Stefano is here! Shit.

I bumped into a guy.

"Raf!" masaya kong sabi. Hindi pa siya nakakarecover sa pagkabangga ko sa kanya ay nagsalita na ako.

"Have you seen Ryan?" I asked. Nagpapanic at pabalik balik ang tingin kay Rafael at sa entrance hall.

Kunot noo ang ginawa niya sa akin. "Huh? Ryan is here?"

Nasapo ko ang noo nang mapagtantong wala akong makukuhang impormasiyon mula sa kanya.

Shit! Saan ba ako maghahanap?

"Nevermind." ang sabi ko saka siya tinalikuran at nagmamadaling lumabas. I searched for him, but I see no traces of him.

Mabilis na ang pagtibok nang puso ko sa sobrang kaba at excitement.

Nang makalabas ay dumeretso ako sa parking lot ng school.

Nananakit ang paa ko sa pagtakbo kaya inalis ko ang heels na suot ko. Ngayon ay mas komportable na akong tumakbo.

Lakad takbo ang ginawa ko. I was holding my heels on my left hand at sa kabila naman ay ang gown kong sagabal.

"Where are you, Ryan?" I said to myself when I can't see any traces of him.

Kung nandito siya gaya ng sabi ni Conrad, ay malamang hindi pa siya nakakaalis.

And what is he doing here? Third year siya at hanggang second year lang dapat ang mag attend ah? Does that mean he's here for me?

Sa naiisip ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Lumingon ako sa madilim na parking lot.

May mga estudiyanteng nandito pero kakaunti lang.

"Magpakita ka na, please." I whispered when I feel like giving up already. Kinapa ko ang gown ko kung may nadala ba akong cellphone para sana tawagan na lang siya kaso wala! I left it with them.

If he's here, I hope he will listen to me. Sana ay pakinggan niya ang sasabihin ko, it's all right if he will reject me too, hindi ako humihingi ng kapalit ng pagmamahal na ito. I just want to tell him these true feelings I have for him.

Gusto ko lang malaman niya kung ano ang puwang niya sa akin.

That I am deeply in love with him.

Habang tumingin sa paligid ay napansin ko ang pamilyar na likod.

I hurriedly walked near her.

"Yngrid?" hinawakan ko ang balikat niya st nakumpirma kong si Yngrid nga yun.

"Ano'ng ginagawa mo rito sa dilim at...bakit ka umiiyak?!" I panicked when I saw some fresh tears on her face.

Nag iwas siya nang tingin saka pinunasan iyon.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now