Chapter 15
"What's your plan? Drink all of that?" masungit na tanong ni Emmanuel, as what he wants me to call him.
Tiningnan ko ang plastic bag ng alak na binili niya para sa akin.
"Oo..." sabi ko, umupo ako sa tabi niya. Andito kami kung saan niya ako nakitang umiiyak.
I heard him tss.
"Balak mo bang sunugin ang baga mo?" tanong niya. Hindi niya nga pala alam na hindi naman talaga ako sanay uminom. Na ito pa lang ang pangalawang beses na titikim ako ng alak. Tumawa ako sa tanong niya.
"You're confusing. Ayaw mo akong uminom ng alak, pero heto ka at binilhan mo ako ng iba't ibang klase ng alak." I looked at the different variety of drinks.
"Because it looks like you really need that. You're like a lost child. You look so lonely. Sino ba naman ako para ipagkait sayo ang bagay na gusto mo?" nagsusungit pa ring sabi niya.
"Kaya rin ba pumayag kang iangkas ako? Kasi malungkot ako?"
Is he only doing this because he finds me lonely? Am I nagging him too much?
Nag iwas siya ng tingin. "At...gusto rin kitang...samahan." he said.
My heart skipped a beat for a second. Hindi ko alam kung para saan 'yun. Kung bakit ganon kung magreact ang puso ko sa simpleng salitang binitawan niya. Pinagsawalang bahala ko iyon.
"Sinasabi mo lang 'yan para di na ako malungkot, e..." sabi ko saka nag umpisang buksan ang soju.
"Gusto nga kitang samahan...makasama..." dagdag niya nang hindi ako sumagot.
Bigla kong naitungga ang bote ng soju sa narinig pero agad ring binaba nang malasahan ang alak.
"Putang ina! Ang pait!" I cursed underneath my breathe.
Natawa siya.
"'Wag ka na lang uminom." sabi niya at nagtangkang bawiin ang bote pero iniwas ko 'yon. I shook my hand in front of him and chugged the bottle.
He sighed and just let me be.
Hindi ko alam kung paano ko naubos ang tatlong bote ng soju sa loob lang ng isang oras na wala man lang chaser. Hindi ko alam kung paano ko nakaya ang pait non.
My head is starting to spin fast. Pinilit kong buksan ang susunod na iinumin, pero inilayo sa akin ni Emmanuel ang bote ng isang hard drink.
"Tama na..." ang sabi niya bago pinulot ang mga bote ng hindi pa nabubuksang alak at inilipat sa isang tabi niya kung saan malayo sa akin.
"Ano ba?! Bakit kahit ikaw pinapatigil rin ako sa bagay na gusto ko?" I whined and tried to snatch the alcohol beside him pero hinarangan niya lang ako.
"Hindi mo na kaya... you're drunk,"
"Ikwento mo sa kaibigan mong nalalasing sa soju." I said.
"Anong ikekwento ko sayo?" sabi niya. I glared at him.
"Hindi pa nga ako lasing!" I said and hit his face.
"Tss, paanong hindi ka malalasing? You continuously drank those three-fucking bottle in almost an hour! At traydor ang Soju!" pagalit niyang sabi.
Hindi ako nagsalita. "Isa na lang, pambigyan mo na ako. Kalahati lang." Pagmamakaawa ko.
He sighed and poured a small amount of black label in the bottle of soju. "I can only allow you to drink this." Ipinakita niya ang laman ng bote. I nodded even if I wanted more.
YOU ARE READING
The Only Exception
RomanceFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
