Chapter 16

26 7 1
                                        

Chapter 16





How dare them to think so low of me? Ganun ba nila tingnan ang nararamdaman ko? Mababaw? Anong akala nila sa akin? A woman who jumps from one guy to another? Or worst, baka ang iniisip nila ngayon sa akin ay babaeng nanggagamit ng iba para lang makalimutan ang sariling sakit? Are they thinking of me like that?

Kung oo? At kung hindi? Anong gagawin ko?

Isa pa, hindi naman sila ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman ko ngayon! They're not on my shoes, they can't just judge me because of some piece of wrong action I took!

Ano? They all think that I am using Ryan to forget about Conrad. Is that what are they trying to tell by those accusations? At ano ang sinasabi nilang nagugustuhan ko na rin siya? That's absurd! Impossible!

Or maybe... oh please, iniisip na nilang gusto ko si Ryan kaya ko pinakilala sa kanila!

I hate how they jumped into conclusions in just a couple of minutes. Alam nilang lahat na mahal ko si Conrad at ngayong nagpakilala lang ako ng ibang lalaki sa kanila ay iniisip na nilang hindi ko na gusto si Conrad? Ganun ba nila tingnan ang nararamdaman ko? And worst, baka kung hindi nila iniisip na gusto ko si Ryan—which is naisip na nila—ay baka ang isipin nila ay ginagamit ko siya para sa pansariling advantage!

Are they even my real friends? Bakit ganun sila kung humusga sa akin? Bakit ang dali lang sa kanilang saktan ako? Bakit ang dali lang sa kanilang pagsalitaan ng ganun? Kaibigan ba talaga nila ako? Bakit parang sa nangyari, parang hindi naman? Parang wala nga silang tiwala sa akin e.

"Manong, dito na lang po. Salamat." I gave the driver my fare fee.

Nang makauwi ay hindi na ako nag-abala pa para hanapin ang magulang ko. I only went down when they called me for dinner. Agad rin akong umakyat pabalik para magshower. Pagkatapos kong mag aral at nang hindi pa makaramdam ng antok ay napagpasiyahan kong lumabas.

There are so many things clouding my mind tonight: Conrad...my feelings...my fight with my friends...and Ryan Emmanuel...at lahat ng iyon ay hindi ko gustong isipin sa ngayon.

I want my inner peace!

Nang malanghap ko ang simoy ng malamig na hangin ay agad akong napayakap sa sarili. This cold breeze of November is giving me calmness and peace. Malamig iyon na nagpapakalma sa sistema kong nagkakagulo na. I miss the warmth of this place. For the first time after how many days, napagpasiyahan kong lumabas sa veranda.

Napagpasiyahan kong tapakan ulit ang paborito kong lugar.

I looked at the other side only to see that it was empty. Sa nakalipas na araw...ganun rin ba yun? Is it empty? Hindi rin ba siya lumalabas kagaya ko?

I once look at it before turning my back and decided to sit in the chair. Wala akong ginawa kung hindi ang magscroll sa facebook, twitter, Instagram at iba pa.

Kanina pa hindi matigil sa pagtunog ang gc naming magkakaibigan kahit pa nakamute ito dahil sa sunod sunod nilang mention.

Masama ang loob ko sa kanila kaya hindi ko binasa kahit ang isang message lang at agad itong nilagay sa ignored messages. I also put my friends on the same place dahil isa isa rin silang nagchachat maliban kay Yngrid.

Nang matapos ako sa isa isang pag iignore ay agad akong nakahinga.

There's slight faint of peace.

I chuckled at what I thought. Sometimes, blocking, ignoring, unfriending someone is also an act of self-love and self-preservation.

Siguro ay iiwasan ko na lang muna sila para hindi ako tuluyang masira. There is always a right time for talking and reconciliation.

Hindi pa ako nagtatagal ay biglang nagnotif sa akin ang facebook.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now