Chapter 9
"Baka nga..." bulong ko saka nagkibit balikat na lang.
Siguro dapat ay tigilan ko na ang masiyadong pag iisip ng bagay na iyon
"Maybe..." ulit naman niya.
Pareho kaming nanahimik at patuloy na naglakad ngunit agad rin akong huminto nang mapansing hindi ko na kasabay maglakad si Nikhaule. I looked behind me and saw her rooted in her tracks.
"Bakit ka tumigil? let's hurry so we can go back already." kinunutan ko siya ng noo.
Alanganin siyang ngumiti sa'kin. "Ah, Curns, can you go first na lang? Bigla kasing sumakit ang tummy ko, I need to go to the comfort room to release some shits kasi e." At umakto rin siyang masakit ang tiyan.
Ano ba ang naiisip nito at biglang umaacting na masakit ang tiyan.
"I promise, I'll call someone to help you na lang! Bye!" saka ito kumaripas ng takbo kaya wala na akong nagawa pa.
Naiiling akong naglakad papuntang teacher's office.
Maraming teachers ang naroon dahil naghalo ang mga college teachers at highschool teacher. Sobrang lawak ng loob ng teachers' office kaya matagal bago makarating sa table ng subject teacher namin.
Paglapit ko roon ay agad kong hinanap ang mga quiz notebook ng section namin sa malabundok na iba't ibang notebook na patong patong sa isa't isa.
"Saan na ba kasi 'yong sa amin?" I whispered to myself while looking at our names.
Pilit kong tinitingnan kung nahalo ba iyon sa ibang sections na parang bundok ang taas. Tumingkayad ako kaya naman hindi ko sinasadyang matabig ang isang bundok ng notebook.
"Hala!" I panicked. Nanlulumo akong tumingin sa nahulog na mga notebook. Umupo ako at kinolekta ito, ang iba ay napunta sa tabi ng pares na paa. I looked up and met a pair of eyes.
"Ikaw pala!" sabi ko nang makita ang seryosong tingin ng lalake sa grocery store.
"Hi." sabi nito. Hindi man lang ngumiti. Umupo rin ito saka nag umpisang tulungan akong pulutin ang mga notebook.
Nataranta akong pumulot at mas binilisan pa. "Ako na!" Sabi ko pero hindi ito tumigil o nagsalita man lang. Napapahiya akong nagpatuloy sa pagpulot.
Pagkatapos naming magpulot ng mga nagkalat na notebook ay nahihiya akong nilagay ang buhok sa likod ng tainga ako.
"Thank you sa tulong..." Sabi ko.
He smiled a little. Ngumuti rin ako.
"By the way," may kinuha siyang kung ano sa bulsa niya at inilabas ang leather wallet. Bumunot siya ng limang daan saka iniabot ito sa akin. Kumunot ang noo ko dahil roon. Tiningnan ko ang dilaw na papel saka bumaling sa kanya.
"Para saan 'to?" tanong ko.
Nangiti itong nagkamot ng ulo. Animo'y nahihiya. "Bayad ko roon sa binili ko na binayaran mo..." agad kong naalala iyong nangyari sa loob ng grocery store. "I told you; I'll pay you back..." sabi niya. Winagayway ko ang kamay ko sa harapan niya at natatawa.
"Hindi na kailangan..." inabot ko pabalik ang pera pero umasta itong aalma kaya agad akong nagsalita. "Okay lang, willing naman akong tumulong. I'm sure kung ako ang nasa sitwasyon mo ay ganoon rin ang gagawin mo."
Nginitian ko siya ng malaki saka humarap sa mga notebook at pinagpatuloy ang paghahanap sa mga notebook na kailangan kong kuhanin.
"Anong hinahanap mo?" tanong niya bigla.
CZYTASZ
The Only Exception
RomansFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
