I guess, I shall tell her the truth.

"Hindi niya ako nililigawan, dahil pinatigil ko siya, mama. At bigay ni Ryan ang bracelet ko noong pumunta kami sa beach resort." I said.

Bahagyang nangunot ang noo niya. "Bakit mo pinatigil?"

Nag iwas ako ng tingin. "pagkakaibigan lang po ang kaya kong ibigay sa kanya."

"And?" She said like she's urging me to tell some more.

"And nothing else, mama."

"What? I thought you love that young man?" She said.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinabi rin ba iyon ni Conrad sa kanila?

"Don't look at me like I don't know you at all, Curns. I'm always watching you." ang sabi niya.

"Alam ko lahat ng nangyayari sa'yo anak. I know you better than you thought." she added.

Napalunok ako sa kanya. She smiled at me again.

"Continue your food." Sabi niya.

Tumikhim ako at nag umpisang sumubo ulit.

"Nga pala, hindi na pumupunta rito si Ryan...since two weeks ago?" she asked me.

Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain. Nag isip ako ng dahilan dahil hindi ko alam kung paano sasabihin na tapos na kami kahit hindi naman naging kami.

"He's quite busy for school now... wala nang oras iyong tao, mama..." ang sabi ko habang nakagat ang labi.

Tumango ito saka nagawi ulit ang tingin sa bracelet ko.

"Ang ganda rin ng bracelet na bigay niya, alam na alam niya talaga ang mga gusto mo, ano?" she chuckled.

Like I said, they grew fond of him. Ngumiti ako sa sinabi ni mama.

"Oo nga po, e! I did not really expect this from him! Nahihiya nga ako, mama, kasi wala man lang akong naibigay in return." kwento ko habang inaalala kung paano ito binigay ni Ryan sa akin.

And the kiss...

Napatitig si mama sa akin. Tumawa ako sa kanya.

"What?" I asked.

She smiled at me. "Bakit ka raw niya binigyan ng bracelet?"

"I don't know! Sabi niya gift raw. Plus, when he saw this, naalala raw niya ako. Isn't that sweet?" nakangiti ko pang tanong.

She chuckled while looking at me. "Yeah..." umiling iling itong namamangha habang nakatingin sa akin.

"Kumain ka na, tapusin mo na iyan saka umakyat ka na."

Ngumiti ako sa kanya ng malapad. "Opo, ma! Ako na po maghugugas mamaya. Alam kong pagod ka rin po." ang sabi ko. Nangingiti pa rin siyang tumikhim.

"Naku, Curns. You're so..." hindi ko narinig ang kasunod ng sinabi niya dahil sa pagtawa nito.

"What?" natatawa ko ring sabi dahil parang tuwang tuwa ito sa nakikita niya sa akin.

Anong nakakatawa?

"Wala, anak. Natutuwa lang ako sayo. Dalaga ka na talaga." makahulugang sambit nito. Nanlambing pa ito bago ako binitawan.

Naiiling akong naghugas ng mga plato. Iniwan niya rin naman ako pagkatapos. Nang matapos sa paghuhugas ay umakyat ako agad para magpalit ng damit.

I slowly walked on our staircase while smiling. Iniisip ang mga nangyari roon sa beach resort. Dahil sa pag uusap namin ni mama ay bumalik ang lahat ng ginawa namin sa Resort kasama ang mga pinsan ni Ryan. At parang nasasaktan ulit ako nang maalala kung paano nila inakalang ginagamit ko nga si Ryan.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now