"Curns, hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." sita ni Mama habang nakatulala ako.

Agad akong napabalik sa isip nang marinig ang sitang iyon ni mama. Agad kong inayos ang sarili at kumuha ng pagkain sa plato.

"Sorry po..."

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy sa pagsasalita.

"I'm glad na okay na kayo ni Conrad." bigla siyang nagsalita sa gitna ng pananahimik namin.

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain saka tumingin sa kanya bago tipid na ngumiti sa kanya.

"Ako rin po, ma!" masaya kong sabi.

"Hmm, ano bang pinag awayan niyo?" she asked.

Bigla akong naubo sa tanong niya. Inabutan niya ako agad ng tubig.

"Dahan dahan lang kasi." sita niya.

"Sorry po," sabi ko saka ininom ang inabot niyang tubig.

"You okay now?"

Tumango ako.

"Bakit kayo nag away noon? It's a little bit unusual that you fight that long. Kahit si Aina ay nagtataka nga rin noon. Akala nga niya dahil sa—nevermind." sabi niya saka sumubo ng pagkain.

"Akala ni tita ano?" I asked. Kuryoso sa sinabi niya.

"Wala, bakit mo ako tinatanong? Ako ang nagtatanong ah. Kumain ka na nga lang diyan." parang naiinis na sambit niya. Natawa akong nagpatuloy sa pagkain dahil alam kong ayaw niyang magsabi.

Hindi pa nga ako tapos sa pagnguya sa karne ay nagtanong na ulit siya.

"Pero, bakit nga kayo nag away ni Conrad?" tanong niya ulit.

Tumawa na ako ng malakas sa pagtanong niya.

"Wala nga, ma, nagkatampuhan lang kami. Nagkasakitan, ayun." I said.

Hindi sinabi ang totoong rason. She seems not convinced with my answer.

"Ah, akala ko kung nabasted siya." bulong niya pero narinig ko pa rin.

"Hindi siya nanliligaw, ma, kaya paano mababasted?" sabi ko saka tumawa.

"Hindi pa ba siya nanliligaw? I thought he's already courting you?" napalunok ako dahil bakas na ang kaseryosohan sa boses niya.

Tumikhim ako. Nagyuko, saglit kong pinasadahan ng tingin ang bracelet ko sa kaliwang kamay.

I smiled while looking at it.

"Ngumingiti ka diyan, anak. Kinikilig ka ba?" tukso ni Mama.

Natawa ako sa narinig. "Hindi, mama." tanggi ko dahil ayaw kong magkaroon sila ng maling ideya tungkol sa amin ni Conrad.

"Kinikilig ka kay Conrad? Gusto mo na ba siya?"

"Hindi nga, mama." ulit ko saka natatawang nag iling ng ulo.

"Halata ka masiyado, anak. Nangingiti ka habang nakatingin sa bracelet mo, teka! Kailan ka pa nagkaroon ni'yan? Bigay ba niya 'yan?"

"Hindi rin, mama."

"Puro ka hindi!"

"Hindi naman, mama." Loko ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Kung ganoon, bakit hindi pa rin nanliligaw si Conrad? He said that once you settled your fight, ay liligawan ka na niya...at sino ang nagbigay ng bracelet mo kung ganoon? Wala ka namang sinabi sa amin na bibili ka niyan." nginuso niya ang bracelet ko.

Napatigil ako sa narinig. Alam rin ba nila? Totoong nang magkabati kami ay gusto na niya akong ligawan ulit, pero hindi ko iyon gusto dahil mas aasa lang siya sa akin.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now