Napabuntong hininga na lang ako.
"Okay, fine." I said.
"Promise mo." she said. Sumulyap ako saglit sa kanya saka tumingin siya masama sa kanya.
"Kidding, I trust your words." she chuckled.
Mabuti na lang at nagturo lang ang prof namin at hindi na nagbigay ng quiz.
Naghiwalay rin kami sa next subject. This time ay nakita kong naghihintay sa labas si Conrad. Magkaklase kami sa next subject kaya simula nang magkaayos kami ay araw araw na niya akong hinhintay sa subject na 'to.
"How's your class?" He asked.
"Ayos lang naman. Hindi mabigat." I said.
"Let me carry your bag." He offered.
Umiling ako. "No, I can manage."
"I insist."
"Kaya ko na, tsaka nakakahiya." I said.
"Why don't you let me do these things for you?" nakakunot na ulit niyang sabi.
"It's not really necessary, Conrad. Isa pa malapit lang ang next classroom natin." I even pointed our next room.
Wala na siyang nagawa. Tahimik kaming pumasok at naghintay sa pagdating ng teacher pero isang estudiyante ang dumating sa amin.
Ryan Emmanuel in his Engineering senior uniform entered our room with a paper in his hands. Seryoso ito at madilim ang mukha.
Natahimik ang mga kaklase ko at may ilan pang tumili nang magawi ang tingin sa nakatayong si Ryan.
Pinasadahan niya ng tingin ang buong room at nang saglit na magtama ang tingin niya sa akin ay halos magwala ang puso ko.
Nakilala niya ang nag mamay ari sa kanya.
I silently cleared my throat at palihim na humawak sa dibdib para pakalmahin ang nagwawalang puso.
Oo na, tigil na. Namimiss ko na siya.
Mapait akong ngumiti at hindi na tumingin sa gawi niya. Inabala ko ang sarili sa pagbuklat ng papel sa may harapan ko.
"I am here to announce something..." halos magdugo na ang labi ko sa pagkakagat.
Gusto ko mang lumingon sa gawi niya ay hindi ko sinubukan dahil alam kong nakatingin si Conrad ngayon sa akin.
Muling nagsalita si Ryan. "On January 27, all freshman students are required to attend the Welcome Ball along with the Sophomore ball of the second year-students. Napagdesisyonan nilang isali kayo dahil sa susunod na taon ay hindi sila magsasagawa ng Sophomore Ball." ang sabi niya.
Agad na nag ingay ang mga kaklase ko. Tuwang tuwa sa narinig habang. Tumahimik lang nang sinuway sila ng ilan sa classmates namin.
"Anyone interested to join the yearly cotilion dance, raise your hand." seryosong sambit niya. Nagtaasan ng kamay ang ilan sa kanila.
"Names?" He asked. Agad namang sinabi ng mga nagtaas ng kamay ang mga pangalan nila.
"Noemi Diaz, 09214583955. Call me, daddy." sabi niya sa pinakamalandi niyang boses at umindat pa siya kay Ryan pero kinunutan lang siya ng noo ni Ryan at sinulat ang pangalan niya.
Inulan ng asar si Noemi kay Ryan habang si Ryannaman ay natatawa na rin at nakangisi pa na parang nagugustuhan ang pang aasar sa kanya.
Sige lang, Emmanuel! Hindi ko alam na may pagkamalandi ka rin pala! Gustong gusto mo pa talaga!
Sinukyapan ko ulit siya at parang may kung anong dumaan sa puso ko lalo na nang makita ang pagtawa at ngiti ni Ryan na parang gustong gusto ang narinig.
YOU ARE READING
The Only Exception
RomanceFor every rule, there is always an exception, and to be someone's exception is the sweetest thing you'd ever be, but what if, the one who became your only exception doesn't want to be one? Will you stop? or will you still continue? Curns Jasmine , w...
Chapter 22
Start from the beginning
