Oo nga pala, she's got a long-time boyfriend. Si Christian. Going strong for three or four years? I don't know exactly, on and off naman silang dalawa.

Nailing ako nang maalala ang biro ng mga kaibigan namin tungkol kay Christian.

"Niloloko ka lang niyan. Once a cheater, always a cheater." I joked too.

Sinamaan niya ako. "Pati ba naman you?" she pouted. "He's already changed. He's consistent na nga e." ang sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"He cheated on you?!" Bulong ko nang nakasigaw.

She covered my mouth in an instant.

"Shut up lang, baka may makagossip and it might reach Leesha." sabi niya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa bunganga ko.

"He cheated on you?" ulit ko.This time, ay mahina na ang pagkakasabi ko. "When?"

That, asshole! Ang ganda ng kaibigan ko at nagawa pang magloko? I suddenly want to beat him up!

"Recently lang.." bulong niya.

Oh, Jesus!

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Alanganin siyang ngumiti sa akin.

"Well, I saw him with a girl... and uh... he said that girl is her classmate lang." parang normal lang sa kanya ang pagkakasabi.

"I don't want to be that jealous and clingy girlfriend because he doesn't like that so uh, I told him na its fine, na hindi niya need iexplain what I saw."

"I can't believe you!" sabi ko. She pouted.

Pero parang hindi ako nakuntento sa narinig, like she's keeping more.

"Ilang beses na siyang nagloko?" I asked.

She gulped first and showed me her three fingers.

Oh my goodness! I didn't know that she can be this in love with that cheater!

"At lahat ng iyon, pinalagpas mo?" I asked hindi na talaga napigilan pa ang pagtaas ng boses.

"Yes." marahang sagot niya. Na sa sobrang hina ay halos hindi na marinig.

"What the fuck, Nikhaule Alexis!" nasabi ko na buong pangalan niya sa sobrang gulat sa nalaman.

Saglit na napatigil ang mga kaklase namin sa ginagawa at nagbaling ng tingin sa amin.

"What are you looking at?" mataray na tanong ni Nikhaule.

Agad naman silang nagsibalikan sa ginagawa.

"Hindi ka na marupok lang! Alam mo kung ano ka na? Martyr!" I said.

"He promised me he will change naman. And he's being consistent naman e." pagdadahilan niya.

"Not because he's being consistent doesn't mean he won't cheat on you! Mas magaling na siyang magtago ng kabulastugan niya ngayon kaya hindi mo na mahuli. Akala mo lang consistent na, pero mas gumaling lang 'yang magtago!" sabi ko.

"No, he's a changed man now."

Naiiling na lang ako sa kaibigan. Tumahimik kaming dalawa dahil dumating na ang prof.

"Please keep it as our secret." ang sabi niya nang nasa kalagitnaan na ng pagtuturo ang prof.

"We promised we won't keep secrets anymore, right?" I asked.

Hindi siya nilingon dahil baka mapagalitan kami.

"Yes, but, Leesha will get mad at me, and he will tell this to dad. You know dad." ang sabi niya.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now