"We can still buy more time to know each other even if we're already in a relationship, Curns. What's the difference does it makes?" ang sabi niya.

Tumitig ako sa platong nasa harapan niya at hindi nakapagsalita—tila nawalan ng pag asang ipaintindi sa kanya ang gusto kong mangyari.

Nang mapagtanto niyang hindi ako sasagot sa sinabi niya ay tumikhim ito.

"Are you done?" he asked.

Tumango lang ako. Hindi na siya nagsalita ulit at tinawag na ang waiter para sa bayad.

Agad rin kaming bumalik sa school dahil malapit na rin ang afternoon class namin. Tahimik lang kami pareho sa sasakyan niya at pinapakiramdaman ko lang siya.

I know he's not in the mood already.

He's focusing on the road while he's gripping the steering wheel so tight. Madilim rin ang mukha at madalas rin ang paggalaw ng panga niya.

Since when did tita Aina let him drive?

Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o manahimik na lang ako. In the end, I just shut my mouth. Para tuloy akong nabibingi sa katahimikan.

"Thank you for the lunch." marahan kong sabi nang bumaba ako sa sasakyan niya. Pagbubuksan niya sana ako pero hindi ko na hinayaan pa.

"You're welcome."

Malamig ang pagkakasabi niya roon kaya naman ay alanganin ang pagngiti ko.

I understand that he's reacting that way, umamin ako sa kanya na mahal ko siya at ngayong gumagawa siya ng hakbang dahil ganoon rin siya ay parang umaayaw ako.

Umaayaw naman talaga ako pero hindi ko alam kung paano iyon sasabihin sa kanya kaya naman ginagawa ko ang mga bagay na alam kong makakatulong sa problema ko.

Alam kong nalalabuan at naguguluhan siya sa mga pinapakita ko pero kasi, sa loob ng higit dalawang buwan na hindi kami nag usap ay maraming nagbago.

Isa na ro'n ang nararamdaman ko para sa kanya. And I am scared, and I don't know where I should start.

"Uh, susunduin mo ba ako mamaya?" I tried to lighten the mood.

Kumunot ang noo niya.

"Why? May gagawin kayo ng mga kaibigan mo? Got somewhere to go?" he asked.

Umiling ako.

"Wala naman. Natanong ko lang." nagkibit balikat ako sa kanya.

Hindi na ulit siya nagsalita. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hinihintay ko pa siya.

"Hatid na kita sa class mo." he said, hinawakan niya ang baywang ko at agad naman akong napatalon.

Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya napalayo ako ng kaunti.

"Sorry..." sabi ko agad nang makita ang pagdaan ng iritasiyon sa kanya.

"No, I'm sorry. I should take it slow. I'll be more cautious next time." He said.

Sabay kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom ko, kung saan kaklase ko si Nikhaule.

Humarap ako sa kanya nang nasa tapa na kami ng pintuan.

"Thank you. Ah, see you later." Sabi ko.

"Okay." Saka siya naglakad papalayo, pinagmasdan ko siya palayo at halos manlaki ang mata ko nang may mabangga siya.

Hindi ko rinig ang sinabi niya pero alam kong humingi siya ng pasensiya.

Parang wala ulit siya sa sariling naglakad.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now