I would laugh with him but that's just it. Nakikipagtawanan ako sa kanya dahil masaya akong bumalik na kami sa dati pero hindi na ako umaasang magiging higit pa ang relasyon namin bilang magkaibigan.

I learned that no matter what I do, even if I try convincing myself to try loving Conrad again, I will always come back to zero because I can't get over Ryan.

Ilang beses kong pinilit maging masaya para sa sarili pero may kulang. Palagi akong bumabalik sa mga ala-alang binigay niya. At palagi ko lang rin nakikita ang sariling nagsisisi at nagagalit sa sarili tuwing gabi.

I would always blame myself before going to sleep.

"Bakit?" his eyes darkened a bit, and his brows starts to furrow.

Kita ko na rin ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko.

I bit my lip and pinched my arm, sa paghawak ko sa braso ko ay naramdaman ko ang bracelet na nasa braso ko. Tumitig ako roon at hindi namalayang ngumiti na pala ako habang hinihimas iyon.

Muli na namang pumasok sa isipan ko si Ryan.

The recent days, I always try to block him on my mind pero palaging nakalusot. Kapag gabi ay hindi ko namamalayan na inuubos ko na pala ang oras ko sa kakaisip sa kanya at sa lahat ng oras na magkasama kami. Palaging ubos ang oras kakaisip sa mga panghihinayang ko.

I would always end up smiling like crazy. Kagaya ngayon.

"Curns?" muling bumalik ang utak ko sa reyalidad.

I suddenly felt guilty for spacing out. Tumikhim ako at inayos ang sarili.

"Hindi kasi magandang tingnan na...magkasama tayo palagi at...uh...hindi naman tayo." mahinang sambit ko.

Ngumiti siya sa narinig. Parang nagustuhan ang salitang huling sinabi ko. Damn! He misunderstood my words.

"Kaya nga nililigawan kita para maging tayo, 'di ba?" he said with a smile on his face.

My lips fell.

"No, what I mean is, pwede naman tayong kumain dito ulit as long as may kasama tayong ibang tao. Mga kaibigan natin." I said trying to change the topic. Hindi rin pinansin ang sinabi niya.

"Kakain tayo pero bakit kailangan kasama sila? This is our time together at nililigawan kita..." he said.

Umiling ako.

"We'll take things slowly, right? At sinabi ko na rin sayo noon Conrad, huwag munang ligaw." I whispered hoping he'd understand.

Dumaan ang sakit sa mga mata niya pero hindi rin nagtagal iyon.

"Bakit? Ayaw mong ligawan kita?" tanong niya, his voice was dripping like acid.

Gusto kong tumango, gusto kong sabihin na kahit ligawan niya ako ay hindi ko rin naman siya masasagot at baka nga...mas masaktan ko lang siya pero hindi ko rin magawang umiling, at sabihin na ayos lang kung liligawan niya ako. I don't want to break it to him.

"No, it's not like that." I said.

Nag isip ako ng pwedeng sabihin para hindi siya mag isip nang ganoon.

"Gusto ko lang na...maging magkaibigan lang muna tayo...para ano...mas makilala pa ang isa't isa." I added.

He stared at me. Nag iwas naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay mababasa niya ang lahat ng iniisip ko.

"I mean," I bit my lips again. "Let's buy more time!" pilit kong pinasigla ang boses para hindi niya maramdamang kinakabahan ako.

Ngumiti siya pero hindi yun umabot sa mga mata niya.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now