Part 8

0 0 0
                                    

Aeryel's pov

Nandito ako ngayon sa kakahuyan habang nagbabasa ng libro wala pa ang ibang mga kasama ko dahil maaga akong pumupunta sa school para maka tambay ng mas maaga dito sa kakahuyan.

Our love is like the sun and moon
Both in the sky
Both so high
Sun give light
Moon give night
Always in the sky
But both always apart

Basa ko sa isang maliit na part sa libro"Wooh napaka lalim mo naman"bulong ko sa sarili

"Sino?" halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita s Kyla na kararating lang

Tiningnan ko siya at nginitian"Itong binabasa kong libro"sagot ko

"Bakit ano bang sabi?" tanong ulit nito

"Hmm 'Our love is like the moon and sun'

Both in the sky
Both so high
Sun give light
Moon give night
Always in the sky
But both always apart' yan yung nakalagay"

"Hmmm malalim nga" tatango tangong pagsang-ayon niya

"Oo"

Binalik ko na ang tingin sa libro tumabi naman siya sa akin at inamoy ang buhok ko"Bat ba ang hilig niying amoyin ang buhok ko? haha"tatawa tawang asar ko

"Gusto ko lang ang amoy ng buhok mo" paliwanag nito"ano nga palang nangyari sa noo mo bat may malaking band aid yan?"biglang tanong nito

Napahawak ako sa noo ko"Ah ito ba nahampasa kahapon"diretsong sagot ko

"Nahampas ng ano? Tyaka sinong gumawa niyan?"galit na tanong ni Kyla at biglang tumayo" sabihin mo sakin at hahampasin ko rin siya sa noo"medyo natawa naman ako sa inasal niya

"Ano ba ! Bat ba ang OA mo hindi naman malaki tong sugat ko haha"natatawang sabi ko dito

"Anong OA ka jan" naka kunot ang noong sabi nito"sino sabing gumawa niyan?"biglang sumeryoso ang itsura niya kaya naman napahinto ako sa pagtawa

"Si Hank" diretsong sagot ko

"Hank? Sinong hank?"

"Yung kasama sa grupo ni Fritzy"

"Sino dun?"

"Yung lalakeng naka salamin siya yung sumipa sa likuran ko nun sa field"

"Ay g*go pala yun ha" inis na sabi nito"pano ka napalo nun sa ulo eh patpatin lang katawan nun ha"

"Tatlo sila nun at tyaka naka tyamba lang siya kaya niya ako nahampas"

"T*rantado!! Iisang babae pinagtulongan pa nila" galit na sabi ni Kyla at kinuyom ang kamao"namukaan mo ba yung dalawang kasama niya?"

"Hindi! Wala sila sa grupo nila Fritzy nung naglaro tayo tyaka ngayon ko lang sila nakita" pag-alala ko sa itsura ng mga kasama ni Hank

Bigla siyang tumalikod at mabilis na tumakbo papalabas ng kakahuyan"Kyla! San ka pupunta?"malakas na sigaw ko pero di niya ako pinansin nagpatuloy siyang tumakbo hanggang diko na siya makita

Hinayaan ko nalang siya kaya binalik ko nalang ang paningin ko sa aking binabasa. Habang patuloy ako sa pagbabasa bigla akong naka rinig ng kaluskos kaya naalerto agad ako

"Sino yan?" tanong ko at may kumaluskos uli sa bandang ulohan ko kaya naman agad akong napatingin"hangin lang pala"

Napatingin naman ako sa relo sa kaliwang kamay ko at napansing alas syete na pala"Bakit hindi sila pumunta dito?"ang tinutukoy ko ay ang mga kaibigan ko dahil nakasanayan na naming dito muna magpunta bago pumasok

MateWhere stories live. Discover now