Part 6: First incounter

0 0 0
                                    

Aeryel's pov

Hindi ko namalayang napahaba ang tulog ko dahil medyo hapon na ng magising ako kaya naman umupo ako at isinilid na ang libro sa aking bag tatayo na sana ako ng biglang may kumaluskos sa damuhan sa bandang likuran ko kaya naman agad akong napalingon dito. Pinakiramdaman ko muna at dahan-dahang tumayo sa aking inuupuan

"Lumabas ka jan" walang takot na sabi ko alam kong may tao sa matataas na damo

Maya-maya lang ay biglang lumabas ang lalake sa damuhan agad ko naman siyang namukhaan siya yung isa sa mga kasama ni Fritzy nung naglaban kami ng rugby

"Anong kailangan mo?" agad na tanong ko dito

"Wala naman" sagot nito pero nagtaka ako ng bigla itong ngumisi " Hindi pa kasi ako nakakalimut sa laro natin kahapon"

"So anong gusto mong sabihin ko?"walang ganang tanong ko dito

" Sorry?"

"At bakit ko naman gagawin yun? Hindi ko na kasalanan kung masyado kayong mahihina kay-" natigil ako sa sasabihin ko ng may akmang hahampas sa aking tagiliran pero bigla nalang akong napahiga sa lakas ng pagkakahampas sa aking noo

Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya naman hindi agad ako naka bangon maya-maya lang ay naka ramdam ako na may paang umapak sa ulo ko" Ano di ka makabangon? Hahaha"tumatawa sabi ni Hank habang naka apak ang kanang paa nito sa aking ulo

"Mukhang nahilo ata boss hahaha" tumatawa ding sabi ng kasama nitong isa

Tinanggal niya ang pagkakaapak niya sa kamay ko at bumaba nang kaonte at sinabunutan ako naka ramdam naman ako ng sobrang sakit sa anit dahil dun"Masyado na kasing mahaba sungay mo kaya naisip kong putulin na"naka ngiti at nang-aasar na sabi nito

"Ha! Ha ha ha ha ha" malakas na tawa ko

"Anong nakakatawa ha?" galit na sigaw ni Hank

"Akala mo ba mapuputol mo ang sungay ko? Sino kaba sa akala mo?" seryosong sabi ko dito habang titig na tinitingnan ito

"Aba ang yaban--" hindi na natuloy ni Hank ang sasabihin niya ng bigla nalang may dumaklot sa leeg niya"Si..sino ka?"agad na tanong nito

*Grrowwwwwwwllll*galit na singal nang lalake na minsan ko nang nakita

Biglang tumakbo ang isang lalake sa tabi niya at akma siyang hahampasin ng kahoy ng agad niya itong masalo kaya naman sinipa niya ang lalake at tumilapon agad ito"You mess with the wrong wolf"galit na sabi nito kay Hank at sinapak ng paulit-ulit sa mukha hanggang sa tuloyan itong lumipasay sa sahig

Nang hindi na gumagalaw si Hank ay napalingon naman siya sa isa pang lalake na nanunuod lang sa gilid pero halata ang takot nito

Nakaramdam naman ako ng sakit sa parte kung saan ako pinalo at bigla nalang nag diliim ang aking paligid

Zin's pov

Lalapitan ko na sana ang isa pang lalake kaso lang bigla na itong tumakbo kaya naman nilingon ko nalang si Aeryel agad ko siyang iniangat paharap sa akin

"Aeryel!" tawag ko dito habang tinatapik ang kanyang pisngi "Aeryel wake up!" tawag ko uli at dahan-dahan siyang nagmulat ng mata

Bigla siyang naalerto ng makita ako at napabangon "Sino ka?"biglang tanong niya

Medyo lumayo ako ng kaunti sa kanya bago nagsalita"Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan"paniniguro ko sa kanya

"Alam ko!" agad na saad nito"hindi mo naman siguro ako niligtas para saktan din diba?"prangkang dugtong pa niya

Medyo natawa naman ako dahil sa inasal niya"Bakit ko naman gagawin yun? at isa pa hindi ako nananakit ng babae"naka ngising sabi ko

"Ganun ba! Tsk!" sarkastik na sabi nito"sino kaba?hindi ka tiga rito tama?"sunod-sunod na tanong niya

"Ako si-"

"Ayoko sa lahat ng nagsisinungaling! Nakita na kita minsan sa labas ng room namin anong kailangan mo?"putol nito ng sabi sa sasabihin ko

"Ako si Gabrielle Zin Zelvia"pagpapakilala ko sa kanya"at tungkol naman dun sa nakita moko sa tapat ng room niyo nagkataon lang yun na nakatingin ako sa room niyo nung tumingin ka sa akin"mahabang paliwanag ko ayokong sabihin sa kanya kung ano ba talagang dahilan kung bakit ako nandun nung araw na yun

"Correction napa tingin! Hindi kita tiningnan napatingin lang ako sayo"naka kunot ang noo na sabi nito

"Ok napatingin"tumatango-tango kong sabat

"San ka naka tira? bat ngayon lang kita nakita dito?"seryosong tanong nito

"Kakabalik ko lang dito pero pinanganak din ako dito naka tira ako malapit sa bayan" paliwanag ko

Naglakad siya papunta sa malaking bato at doon naupo"Ok!"tanging sagot niya at hinawakan ang noo niyang dumudugo

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

"Close ba tayo para tanungin moko?" seryosong tanong niya"Tyaka mukha ba akong ok? Ikaw kaya ang paluin ko sa ulo tingnan natin kung maging ok ka"sarkastik ulit na sabi nito

"Bakit ba ang sungit mo? nagtatanong lang naman ako"

"Hindi ko din alam" walang alinlangan na sagot niya nagtaka naman ako"naiinis ako sayo pero diko alam kung bakit"diretsong saad niya at binuksan ang bag na nasa tabi niya

"Bakit naman?" curious na tanong ko

"Hindi mo ba ako narinig?" naka kunot ang noo niya ng lumingon sa akin"ang sabi ko diko nga alam! tsk!"

Nanahimik naman ako habang pinapanuod siyang na nagkakalikot ng bag"Asan na ba yun?"inis na sabi nito"palagi naman akong may dalang panyo bat ngayon wala!"

Kinapa ko naman ang bulsa ko sa likod kung nandun ang panyo ko at meron"Ito gamitin mo muna"pag-aabot ko nang panyo na agad niya namang kinuha

"Salamat"tipid na sabi nito

" Kahit masungit ka marunong ka palang magpasalamat"pang-aasar ko dito

"Pinalaki kasi akong mapagpasalamat ng mga magulang ko" sagot nito at tinirikan ako ng mata

Napa tawa naman ako dahil sa inasal niya kaya tiningnan niya ako ng masama at tumayo sa pagkakaupo"Oh san ka pupunta?"agad na tanong ko

"Uuwi na" tanging sagot nito

"Uuwi? Pano yang sugat mo?"

"Sa bahay ko na gagamutin"

"Hindi kailangan magamot na yan ngayon!" hinawakan ko ang kanang pulsohan niya at ginaya siya palabas ng kakahuyan

Habang naglalakad kami palabas ng kakahuyan ay di manlang siya umangal o tumanggi manlang kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang hawak ang pulsuhan niya. Nang makarating na kami sa labas ng kakahuyan ay bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya naman napahinto din ako at napalingon sa kanya

"Bakit may problem-" natigil ako sa pagsasalita ng pabagsak siyang tumumba sa akin na agad kong nasalo"Sh*t!"mura ko

Binuhat ko siya at patakbong pumunta nang clinic sakto namang papalabas ang nurse na naka juty"Nurse patulong"hingi ko nang saklolo

"Anong nangyari? Bilis ipasok mo siya dito sa loob"sabi nito at ini awang ng malaki ang pinto ng clinic

" May humampas sa kanya sa kakahuyan"sagot ko sa nurse at inihiga si Aeryel sa nasa unahang kama

"Kilala mo ba kung sino?" tanong pa nito

"Hindi! Bago lang ako dito kaya hindi ko alam kung sino ang mga yun" sagot ko napatingin naman siya sa akin

"Kaya pala ngayon lang kita nakita" tatango-tangong sabi nito

Di na ako umimik ganun din naman ang nurse na agad ginamot si Aeryel

MateWhere stories live. Discover now