Part 5

0 0 0
                                    

Aeryel's pov

Maaga akong naka rating sa school at diretsong pumunta sa kakahuyan. Nabadtrip talaga ako kahapon kaya naman hindi ko na nagawang kibuin pa silang lahat pagkatapos ng game. Ewan ko ba pero parang may iba akong nararamdaman ngayong mga nakaraang araw

"Hey" bati ni Jed na kararating lang

"Yow"

"Siguro naman good mood kana ngayong araw" tumango naman ako dito bilang pagsang-ayon " Mabuti"

Ngumiti lang ako at binuklat na ang librong nilabas ko"Ano yang binabasa mo?"tanong nito

"Story about wolf" sagot ko dito habang tutok ang mga sa binabasa

"Hmmm" tanging sabi nito

Maya-maya lang ay sabay-sabay na nagdatingan ang mga kaibigan namin kaya naman umingay na bigla

"Guys I have a good news" masayang salubong ni Kyla

"Ano yun?" mabilis na tanong ni Chad

"Walang klase"

"Talaga? Yes!!" malakas na sigaw ni Chad

"Ano ba makasigaw to mas malakas pa kaysa babae" reklamo ni Gail kaya naman natawa kami dito

"Pasensya na medyo naexcite lang hahaha" tatawa tawang sabi nito

"Pero kailangan nating pumunta sa mansyon ng Alpha dumating na daw kasi ang Anak nito at ipapakilala niya siya"naeexcite na sabi nito

" Kilala naman natin siya diba? Alam naman natin ang pangalan niya"prangkang sabi ko dito" Itsura lang ang hindi natin alam sa kanya"

"Oo nga Aer kaya nga ipapakilala siya ngayon para makita nanatin ang itsura niya" dugtong na sabi nito

"Hmmm kayo nalang magpapahinga nalang ako dito sa kakahuyan" walang ganon sagot ko

"Pero lahat daw tayo ay kailangan dumalo"-Kyla

" May plus point ba yan sa report card?"

"Wala pero--"

"Kayo nalang" pagpuputol ko dito at tinuon nalang ang buong atensyon ko sa pagbabasa

Nag-uusap parin sila patungkol sa pagpunta sa mansyon ng Alpha. Maya-maya lang ay nagpaalam na sina Kyla na pupunta na sa mansyon ng Alpha kaya naman tumango nalang ako at hinintay sila na makaalis. Nang mawala na sila sa paningin ko ay nahiga na ako sa bato na palagi kong hinihigaan

"Hindi kaba sasama?" nagulat ako ng biglang magsalita si jed kaya agad akong napatingin sa kanya

"Anjan ka pa pala" naka upo siya sa sangga sa puno na nasa bandang ulohan lang ng batong kinahihigaan ko" Hindi ayoko tinatamad ako"diretsong sagot ko dito

Bumaba naman siya sangga at humarap sa akin"Ganun ba? Okay! Aalis narin ako kailangan kong pumunta utos ni Dad"

"Sige ingat"sabi ko at nagbasa na ulit

"Ikaw din" huling sabi nito at mabilis na tumakbo paalis

Binaba ko ang librong binabasa ko at pumikit ninanamnam ang sariwang hangin

"Hay! Ang sarap talaga ng tahimik na buhay"

Maya-maya lang ay naka ramdam ako ng antok kaya naman pumikit ako at hinayaang kainin ako ng antok

Gail's pov

Sabay-sabay kaming pumunta nina Kyla at Jenny dito sa mansyon ng Alpha. Si Jenny naka suot ng itim na dress na may mga makinang na crystal na may kapares na pouch napaka ganda dahil hubog na hubog ang katawan niya dito at nakikita ko rin ang malaking dibdib niya, Si Kyla naman ay naka suot ng kulay pulang dress na may design na kulay puting rosas na kaparehas ng kulay pula nitong gloves at ako naman ay naka suot g asul na dress na lampas lang ng tuhod hindi gaya ng dress nilang dalawa na natatakpan ang paa plane lang na asul ang suot kong dress at tama lang ang pagkakakurba ng tela nito sa bewang kaya naman hindi ako naiirita.

"Ang daming tao" wala sa sariling sabi ko ng pumasok kami sa Gate

"Baka nakakalimutan mo buong bayan ang inimbita" paalala ni Jenny

Pumasok kami sa loob at tumingin tingin muna sa paligid para maghanap ng mapupwestuhan nang may makita kaming pwesto sa kanan ay mabilis kaming pumunta sa table at umupo

"Nakita mo naba ang mga boys?" tanong ni Kyla

"Hindi wala pa akong nakita kahit isa sa kanila" agad na sagot ni Jenny

Naghintay lang kami at nagpakuha ng maiinom sa waiter na dumaan

Bigla namang lumapit ang Dad ni Kyla sa table namin kaya naman agad kaming napatayong tatlo" Oh no no sige umupo lang kayo"utos nito kaya naman agad din kaming naupo

"Mabuti at nakarating kayo" masayang sabi nito

"Hindi namin palalampasin ang mga ganitong okasyon Beta" masayang sagot ni Jenny

"Mabuti naman haha" tumatawang sabi nito"Asan ang ibang kasama niyo?"dugtong na tanong nito

"Ah papunta palang sila Dad"-Kyla

"That's good" masayang sabi nito"Did you eat already?"

"Mamaya na Dad"

"Ok basta kung nagugutom kayo pwedw kayong pumunta sa cater natin ok?"

"Ok"

Nagpaalam na ito sa amin at nakipag-usap na sa mga dumadating pa na mga bisita. Nagdatingan na isa-isa si Chad,Larry at Jed at mukhang hindi talaga pupunta si Aeryel. Nagkukwentuhan kami ng biglang mag salita ang announcer sa harapan

"Good morning to everyone we would like to thank all of you for coming today" paunang sabi nito kaya naman nagpalakpakan ang lahat" This is a special day for the Zelvia family since the first ang only son of the 18th Alpha has finally back in his home town so I would like to call Mr. Gabrielle Dale Zelvia The Alpha"

Nagpalakpakan naman ang mga tao habang naglalakad ito papunta tabi ng announcer"Maraming salamat"nagagalak na sabi nito" Natutuwa ako dahil kayong lahat ay dumalo dahil ang araw na ito ay talaga namang napaka halaga"

"Ngayon na nagbalik na ang aking anak nais kong ipakilala sa inyo ang susunod na mamumuno sa bayan na ito Garielle Zin Zelvia"saad nito tinuro ang isang matipunong lalake na nakatayo kasama ng Asawa ng Alpha

Matangkad siyang lalake at matipuno makikita mo ang pagiging maotoridad nito sa way palang ng paglalakad nito. Matangos ang ilong seryoso ang mukha pero lalabas na labas ang gwapong itsura nito mapupula din ang kanyang at ang mata singkit at meron din siyang tamang kapal ng kilay

"Wow" biglang sabi ni Kyla" Napaka gwapo niya grabe"kinikilig pang dugtong nito

Well sino ba naman hindi magkakagusto sa ganyang itsura hindi ba?

MateWhere stories live. Discover now