Part 3

0 0 0
                                    

Aeryel's pov

Paglabas namin ng kakahuyan ay bigla kaming hinarang ng grupo ni Fritzy kaya napatigil kaming pito sa paglalakad

"Anong kailangan mo Fritzy?" prangkang tanong ko dito

"Ah gusto lang namin kayong makalaro" sarkastik na sabi nito

"Sa tingin mo ba mananalo ka samin?" natatawang sabi ni Kyla

"Well sabihin na nating natalo niyo nga ang ibang pack dito sa school pero hindi niyo pa nasubukan ang pack namin" mayabang na sabi nito

"Ok kung yan ang gusto mo magkita tayo sa field pagkatapos ng klase ng hapon" tanging sagot ko at nilampasan na ito

Nang malampasan namin ang grupo bila Fritzy ay nadaanan namin ang mga grupo ng studyante na nagbubulungan tungkol sa magiging laban mamaya. FYI hindi laban na as in laban ang tinutukoy ni Fritzy ay maglalaban kami ng rugby kung saan magkakaalaman kung kaninong pack ang mas magaling. Maraming grupo na ang natalo ng pack namin kaya ang tawag samin ay ang THE UNDEFEATED SEVEN well hindi ko man gustong ipagmalaki pero lahat nang sumusubok na kalabanin kami ay talaga namang nilalampaso namin minsan hindi namin pinapapuntos o kaya naman pinapahirapan namin sa field.

Pumasoka na kami nang room at umupo sa kanya-kanya naming upuan maya-maya lang ay pumasok na ang lecturer

Habang nagtuturo siya wala akong maintindihan sa kung ano mang mga sinasabi niya hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi may lalakeng boses na paulit-ulit kong naririnig

"Aeryel! Aeryel" tawag ni Jed napalingon naman ako dito

"Hmm?"

"Hindi kaba sasama samin sa canteen para maglunch?" tanong nito

Agada naman akong napalibot ng tingin sa loob ng room at napansin kong kami nalang ang tao"A...aah oo sige"tumayo ako sa aking upuan at kinuha ang bag ko

"Hindi ka nanaman ba naka tulog kagabi? Halatang lutang nanaman ang isip mo" naglalakad na sabi ni Kyla

"Oo di kasi ako masyadong nakatulog kasi meron akong naririnig na boses" diretsong sagot ko dito

"Hindi kaya boses galing sa langit yun?" biro ni Larry

Bigla naman siyang hinampas ni Jed kaya napatingin ito sa kanya"Kung may mauuna mang makukuha satin siguradong ikaw yun"masungit na sabi nito

"Lah grabe naman"

Hindi ko na sila pinansin tuloy-tuloy nalang akong naglakad papunta sa canteen pagpasok namin sa loob ay dumiretso agad ako sa pwesto namin at umupo hindi na muna ako kakain inaantok talaga ako kaya naman pinatong ko ang dalawa kong kamay sa mesa isinandal ang ulo ko dito. Pinikit ko ang mata ko at maya-maya lang ay nahuhugot ko na ang tulog ko ng biglang

"Aeryel" tawag ng boses ng lalake kaya agad akong napatingala

Nagulat naman si Chad ng kakarating lang sa mesa"Ok ka lang ba?"tanong nito

Hinawakan ko ang sintido ko at yumuko nalang"Oo, gusto ko sanang umidlip pero di ako maka idlip"naiinis na sabi ko dito

Nagdatingan na sila at inorderan naman ako ng pagkain ni Jed" Hito kumain ka ayokong matalo tayo sa laban mamaya"sabay abot nito sa pagkain tinanggap ko nalang at sabay-sabay na kaming kumain

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya si Kyla sa kakahuyan wala naman kaming first subject namin ngayong hapon kasi may meeting daw na aattendan kaya dumiretso na kami sa kakahuyan at naisip ko rin na makakaidlip pa ako

Nang makarating kami sa spot namin ay agad kong pinagpag ang malaking bato sa tabi nang puno na pwede mong paghigaan

"Wooh buti nalang wala si Miss Den makakapagrelax tayo kahit papano" masayang sabi ni Jenny habang naka upo sa isang sangga nang puno malapit sa kinauupuan ko

Lumapit sakin si Jed at tinapik ang hita niya"Hmm?'takang tingin ko dito

Tinapik niya uli ang hita niya bago nagsalita"Mag-unan ka sa hita ko para makaidlip ka nang maayos"

Hindi na ako humindi at agad nakong humiga at ginawang unan ang hita ni Jed maya-maya lang ay nakuha ko narin ang tulog ko

Jenny's pov

Nandito kami ngayon sa kakahuyan at nagpapahinga at para makapag pahinga rin si Aeryel at siguradong maaapektuhan ang laro namin mamaya kung hindi manlang siya makakaidlip kahit konte. Sumandal si Jed sa punong nasa tabi at si Larry at Kyla naman ay nagcacard games kasama si Gail ako naman ay nandito naka upo sa sangga ng isang puno at pinapanuod sila habang si Chad naman ay mukhang tulog na sa baba ng punong kinauupuan ko

"Talo ka nanaman" natatawang sabi ni Kyla

"Pati ba naman sa card games talo ka parin hahaha" tatawa-tawang sabi ni Larry

"Eh sabi ko naman kasi sa inyo hindi ako marunong maglaro ng baraha" naka ngusong sagot ni Gail

Linapitan naman ni Larry si Gail at ginulo ang buhok nito" Hayaan mo sa susunod tuturuan na kita"

Minsan nabibilib talaga ako dito kay Larry minsan paiba-iba ang ugali hahaha

"Nga pala Kyla kailan pala dadating ang anak ng Alpha?" biglang tanong ko kaya napatingin silang tatlo na naglalaro ng baraha

"Hmmm ang sabi ni Dad bukas daw kaya magkakaron ng welcome party sa mansyon ng mga Zelvia" sagot nito

"Diba kaedad lang natin ang anak ng Alpha?"

"Uh hu" tumatangong sang ayon nito

"Antagal din niyang nawala dito sa bayan"-Gail

" Sabi ni Dad kinailangan niyang magstay sa Lola niya para daw ihanda na susunod na Alpha"-Kyla

"Isipin mo yun kinailangan pa niyang malayo sa mga magulang niya para maihanda siya na susunod na taga pamuno"-Gail

"Ganon talaga kapag isa kang anak ng Alpha" huling sambit Kyla

Tinuloy na nila ang paglalaro ng baraha at nagpahinga nalang din ako sa aking kinauupuan

MateWhere stories live. Discover now