Part 4

0 0 0
                                    


Lorie's pov

Nagising ako sa pagkakaidlip ng makaramdam ako ng parang isang malaking bagay na tumama sa aking kanang braso kaya agad akong napa bangod at napa hawak dito

"Arghh" mahinang daing ko

"Aeryel are you ok?" nag-aalalang tanong ni Jed napalingon naman ang iba pang kasama namin sa akin

"Para kasing may mabigat na bagay ang tumama sa balikat ko"

Agad naman kaming lumapit kay Aeryel at nagtatakang tiningnan ito

"Pero wala namang tumama sayo na kahit na ano Aer" natatawang sabi ni Larry

"Akala ko lang yata yun" pag-iiba ko at tipid na ngumiti

Nagyaya na akong bumalik sa campus dahil 20 minutes nalang ay mag-uumpisa na ang susunod naming klase. Pagpasok namin ay sabay-sabay naman na nagdatingan ang iba pa naming klase pati narin ang lecturer

Discuss..

Discuss

"Aeryel" paalis na ang lecturer namin ng bigla ko nanaman marinig ang boses na iyon kaya agad akong napalingon sa paligid

Pagtingin ko sa pinto ay may nakita akong isang lalake na seryosong naka tingin sa akin kaya naman agad akong napatayo sa inuupuan ko at mabilis na naglakad papunta sa pinto

"Aeryel san ka pupunta? Dadating na si Mr. Ford maya-maya" agad naman akong napatingin kay Chad nang sumigaw ito

"Magbabanyo lang ako" palusot ko dito at binalik na ang tingin sa kinatatayuan ng lalake kanina pero wala na ito

Lumabas ako at pumunta sa pwesto niya kanina at nilingon lingon ang paligid at nagbabaka sakaling makikita pa siya pero nabigo ako

Hayst! Kainis!!

Bumalik ako sa room at tahimik na naupo sa upuan ko. Sakto naman ang pagdating ni Mr. Ford

****

Nang matapos ang klase ay sabay-sabay kaming nagpunta sa field at nadatnan namin ang pack nila Fritzy na nagiistreatching kaya naman nagtanggal na kami isa-isa nang bag pero nagpaalam muna kaming mga babae para makapag palit ng pang p.e. Pagkatapos namin magbihis ay agad kaming bumalik sa field at nag warm up

"Ready na ba kayong maging defeated seven?" nang-aasar na sabi ni Fritzy

"Hindi kasi hindi naman mangyayari yun" natatawang sabi ni Kyla" Ikaw ready ka nabang maging alalay ko?"asar din ni Kyla dito

"In your dream" sabay tirik ng mata

"Well tingnan nalang natin"-Kyla

Nang matapos kaming mag warm up ay mabilis na kaming luminya sa gitna at pumwesto na magkatapat kaming dalawa ni Fritzy dahil kaming dalawa ang pinuno ng mga pack namin. Iba ang way ng paglalaro namin ng rugby

(Kung di niyo alam ang rugby isa yung laro na magaagawan kayo sa bola and then tatakbo papunta sa dulo o opposite side para umiskor) nagets niyo? Kung hindi search niyo nalang sa google ^_^

So ang original na paglalaro ng rugby ay kailangan 15 kayo pero since 7 lang kami sa grupo pito lang din silang lalaban samin pero kung sampu sila sa grupo pwede silang makipag palit sa kagrupo nila kung pagod na sila

So nasa tapat na namin ni Fritzy ang bola at talaga naka ngiti ito ng todo-todo

" Wala bang good luck manlang jan?"nang-aasar na sabi nito

"Sampolan mo nga ng goodluck yan Aer hahaha" tumatawang sabi ni Larry

Nang pumito si Phil coach namin sa P.E ay mabilis kong nakuha ang bola at tumakbo papunta sa gilid ni Fritzy. Tumatakbo ako kaya naman humahabol ito at akmang hihilahin niya ang damit ko sa tagiliran ng bigla akong tumigil agad naman din siyang napatigil kaya hinarap ko ito

"Good luck Fritzy" binangga ko siya nang pagkalakas lakas kaya agad siyang tumilapon sa kabilang dulo ng field" Oops napalakas"pahabol na sabi ko pa

"Hahahaha" tawa ng mga kaibigan ko

Agad namang nagsipag takbo sa direksyon ko ang iba pang kasama ni Fritzy kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa line at boom

1 point

"How dare you!" galit na sabi nito ng mabilis siyang nakalapit sa harap ko

"Hmm you ask for this" pang-aasar ko pa dito

Pumwesto na uli kami at pumito na uli si Phil nakuha ni Fritzy ang bola at agad na naibato sa isang kasama niya na agad namang hinabol ni Kyla

"Ooops that is mine" sabi ni Kyla at pinatid ang may hawak ng bola kaya agad niyang nakuha ang bola

Mabilis naman akong tumakbo papunta sa score line ng bigla akong itinulak ni Fritzy buti nalang at nakontrol ko ang balanse ko at hindi natumba

"Naka tyamba ka lang kanina" mayabang na sabi nito

Agad naman akong tumakbo padiretso sa kanya kaya bigla siyang umiwas pero hindi niya alam na kasama lamang iyon sa aking plano ng gumilid siya ay hindi niya napansin si Gail kaya napatid siya nito at patlikod na bumagsak. Tumakbo naman ako at mabilis na sumenyas kay Kyla na ipasa sa akin ang bola at kaya agad niya naman itong binato. Nang masalo ko ang bola ay bigla nalang may sumipa sa aking likuran kaya padapa akong bumagsak bigla namang pumito si Phil

"Hoy bawal yun ha!!" malakas na sigaw ni Jed

"Sorry" sabi ng lalake na sumipa sa akin

"Anong pangalan mo?" tanong ko dito

"Hank" sagot nito

Tumayo ako at tinapik ito sa braso"You mess with the wrong person Hank!"hindi ko pinahalata ang inis ko dito

Kyla's pov

Pagkatapos ng pagkakatumba ni Aeryel ay nag-umpisa na uli kami napansin ko na bigla nalang naging kulay dilaw ang mata ni Aeryel halatang nainis ito sa pagkakasipa nung lalake naka salamin sa kanya

Pumito si Phil at agad na nakuha ni Aeryel ang bola at mabilis na tumakbo papunta sa score line pero hinarang siya ng apat akala ko naman ay ipapasa niya ang bola pero nagulat ako ng bigla niyang banggain ang mga ito

"Shit! Mukhang nabadtrip si Aeryel" kumakamot sa batok na sabi ni Chad ng makalapit sa akin

"Bayaan mo kasalanan nung lalakeng sumipa kay Aeryel yan"

2points

Patuloy parin kami sa game at talaga namang si Aeryel nalang ang halos naglalaro sa field. Sa inis niya ay halos bugbog ni lahat ng kagrupo ni Fritzy kasama narin siya

15-0

"Round 2" naka ngising sabi ni Aeryel habang hawak ang bola at naka tingin sa pack ni Fritzy

Hinihingal at pare-pareho naman mukhang takot ang grupo ni Fritzy kaya lumapit ako kay Aeryel at hinawakan ito sa braso

"Tara na wala nang ibubuga ang mga yan"yaya ko dito

Binitiwan niya naman ang bola at tinalikuran ang mga ito. Hindi kumikibo si Aeryel hanggang sa makapag palit kami ng damit. Hindi na kami nagyaya pang pumunta sa kakahuyan dahil alam naming wala sa mood si Aeryel kaya naman nagpasya nalang kaming umuwi na

MateWhere stories live. Discover now