Part 7 : Meet the Zin's

0 0 0
                                    

Zin's pov

Kanina pa tapos ang nurse na gamutin ang sugat ni Aeryel pero hindi parin siya nagigising kaya naman nandito ako naka upo sa tabi ng kama niya at nasa nurse desk naman ang nurse na gumamot sa kanya.Malapit nang magdilim kaya naman tinapik ko si Aeryel para subukang gisingin

"Ah bayaan mo muna siyang magpahinga" biglang sabi ng nurse

Wala akong nagawa kundi umupo nalang at hintayin siyang magising

*one message*biglang tumunog ang phone ko

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext at nakita ko ang message galing kay Dad

Dad
Gabrielle asan kana? Bakit bigla ka nalang umalis?

Compose message to Dad...
Sorry dad may emergency lang

Sent

Humarap ako kay Aeryel na sakto namang nagmulat nang mata"Arggh!"daing nito sabay hawak sa noo

Agad kong hinawakan ang kamay niya at inilayo ito sa noo niya"Wag mong hawakan para hindi lalong sumakit"suway ko sa kanya

"Zin"mahinang bulong nito sa pangalan ko" nasan ako?"agad na tanong niya

"Nandito ka sa clinic nang school" sagot ko

"Ah" tatango-tangong sabi nito at upo mula sa pagkakahiga"bat kapa andito?"napa kunot naman ako ng noo dahil sa tanong niya

"Wala manlang bang'salamat sa pagdala sakin sa clinic' ha?" tanong ko with pa pinchy voice parang sa maarteng babae

"Edi salamat sa pagdala sakin dito sa clinic" wala manlang emosyon na sabi nito

"Ganyan! Marunong ka na-"

"Oh bakit nga nandito ka parin?" pagpuputol na tanong niya

"Alangan naman iwan kita dito pagkatapos ng nangyari kanina" diretsong sagot ko

Natahimik na man siya dahil sa sinabi ko. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumayo nagpaalam muna siya sa nurse at lumabas kaya naman mabilis akong pumunta sa nurse desk na nag paalam tyaka humabol sa kanya pero paglabas ko ng pinto ay may nakita akong kasama niyang isang lalake na may kulay brown na buhok kaya naman di na ako lumapit. Pinapanuod ko lang sila habang mukhang pinagsasabihan ng lalake si Aeryel pero bakas ang pag-aalala sa mukha nito maya-maya pa ay biglang tumalikod ang lalake at pumasan sa likod niya si Aeryel

"Tsk!" inis na singhal ko

Nang maka-alis na sila ay tyaka naman ako naglakad narin papalabas ng campus

"Hindi nga pala ako nakapagdala ng sasakyan kamamadali" bulong ko sa sarili

Pumara ako ng mga dumadaang taxi tyamba namang may humintong na walang pasahero kaya agad akong umupo sa likuran

"San po tayo?" tanong ng driver habang naka tingin sa daan

"Zelvia mansyon" tipid na sagot ko

Agad niya tinahak ang daan pauwi sa mansyon na tyamba pa namang nadaanan namin sina Aeryel na pauwi

"Tsk! Talaga naman!" inis na bulong ko ng malampasan namin sila

***

Nang makababa ako ng taxi ay nasalubong ko ang ibang mga bisita na palabas na ng mansyon

"Oh look si Gabrielle Zin Zelvia" kinikilig na turo nang babae na naka pink na gown

"Tara lapitan natin" dinig kong sabi pa nang isang babae

MateWhere stories live. Discover now