Nahawak ako sa pisnge ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko, sobrang daya ng dibdib ko at hindi ko alam saan ilalagay ang kasiyahan na ito.

"Cana Annalis Smith gising!" Napamulat ako ng aking mga mata ay tumambad ang mukha ng kaibigan kong si Darlene sa aking harapan na mukhang nag-aalala.

"Diana?" Tanong ko sa kaniya at hindi ko alam bakit sa saglit na sandali na iyon ay sumagi sa isipan ko ang mukha ng ibang babaeng may dilaw na buhok at asul na mata.

"Anong Diana? Darlene ang pangalan ko huy ano ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya at kinapa ko naman ang mga pisnge ko na naramdaman na basa nga ang mga ito.

"Kanina pa kita hinahanap, malapit na matapos ang break time pero di ka pa rin kumakain, kailangan na natin bumalik sa room at malapit na ang finals," sabi niya at mukhang alalang-alala sa akin.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Binabasa mo na naman ba ang librong itim na yun?" Tanong niya at napatingin sa yakap-yakap kong libro habang nakaupo ako sa paborito kong pwesto rito sa loob ng library.

"Anong libro yan? Bago ba yan?" Tanong niya at napatingin din ako rito dahil ang hawak kong libro ay isang librong kulay puti na may desenyong kulay ginto.

Tinignan ko ang pabalat ninto at nakita ang nakaukit na maliit na pangalan sa bandang ibaba ng libro.

"Kiera Deidamia Romulus," basa ko sa pangalan na iyon at kumunot naman ang noo ko nung makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Binuklat ko ang libro at natatarantang sinuri ito dahi hindi ko alam bakit parang may importante akong bagay na nakakalimutan.

Bakit ganito? Parang gusto kong umiyak habang binubuklat ko ang laman ng librong puti na ito at nababasa ang magagandang history tungkol sa babaeng nag ngangalang Kiera.

"Ayos ka lang ba Cana?" Tanong ni Darlene at hindi ko mapigilan maluha.

"Darlene, pakiramdam ko may kulang sa akin," tugon ko sa kaniya at halata ang pag-aalala niya saka niya ko niyakap nang mahigpit.

"Kung ano man iyan, sigurado akong mahahanap mo rin iyon sa takdang panahon, kumalma ka muna at kumain ng pananghalian," sagot niya at patuloy na hinahod ang likuran ko.

Sinunod ko ang sinabi ni Darlene at sinuli ang magandang librong puti sa pwesto ninto sa dulong bahagi ng bookshelf dito sa library.

Lumabas kami at patuloy ko lang kinukwento kay Darlene ang nararamdaman ko habang pinapakalma niya ko at pinapakain.

Nung araw na 'yun, hindi na mawala sa isipan ko ang pakiramdam na parang may nakakaligtaan ako o may kulang sa pagkatao ko.

Hindi ko alam kung ano Myun at wala rin naman akong oras para isipin iyon at intindihin dahil malapit na ang finals namin at pagtatapos sa semestre na ito.

Mabilis na lumipas ang araw at patuloy ko kang nararamdaman ang pagkakulang na iyon sa puso ko, para mawala iyon ay araw-araw akong bumabalik sa library at binabasa ang magandang history tungkol sa duchess ng Pollux sa border ng Lumire Empire.

Hindi ako na kuntento doon at lalo akong nahumaling sa history at pangyayari tungkol sa Duchess ng Pollux na si Duchess Kiera Deidamia Romulus.

Araw-araw kong binabasa ang tungkol sa kaniya at ang mga nagawa niya para sa empire, tuwing nababasa ko iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti at maging masaya para sa Duchess.

Tuwing uwian din ay parati akong dumadaan sa Liverpool para magpahinga at mawala ang stress ko sa katawan dahil sa final exams.

Tuwing pupunta ako sa lugar na iyon tuwing uwian ay nakikita ko ang isang lalaking may ash grey na buhok na patuloy lang nakaupo sa iisang pwesto araw-araw sa ilim ng puno na nakatayo sa burol.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now