Chapter 9

14 2 0
                                    

Chapter 9: Saved

Sabay kaming umuwi ni mama galing sa Gmall. Dumaan pala siya dun para mag-grocery at nakita niya ako na kasama si Rux. Grabe ang kabang naramdaman ko matapos niya akong makita d'on, pero nagpaliwanag ako sa kaniya nang makarating kami sa bahay.

Ikweninto ko sa kaniya ang nangyari sa'kin n'ong exam at kung paano ako nagkautang na loob kay Rux. Nakinig siya sa paliwanag ko kaya pinagsabihan niya lang akong hindi na magsisinungaling pa.

At pinapangako kong last na talaga 'yon.

Dahil mas kinabahan talaga ako n'ong nakita niya akong may kasamang lalaki sa mall kumpara sa mga recitations sa school.

The weekend came the same as the other weekends, but unlike before, I was texting with Rux today -- debating with him on text, to be exact.

Nangamusta ang lalaki sa'kin pero imbes na sagutin siya ay sinabi ko lang na babayaran ko na lang siya sa Lunes. Hindi siya pumayag pero mas lalo namang hindi ako pumayag kaya ang ending ay naging mahaba ang pagte-text namin dahil lang d'on.

But at the end, I partly won. Hinayaan niya akong bayaran siya sa Lunes pero kalahati lang din, kagaya ng ginawa ko n'ong sa pagkain namin.

Napatingin ako sa may pintuan ng classroom namin, umaga n'ong Lunes. Nakita ko ang pagpasok ni Rux kasama si Khesma sa loob, at sinundan ko siya ng tingin ngunit nang magtama ang mga mata namin ay agad akong nag-iwas.

Nilapitan ko siya nang makaupo na ito sa upuan niya. I'm holding the money that I am about to pay to him.

"Rux,"  pagkuha ko ng atensyon sa lalaki. He looked up to me and I held myself together to prevent myself from being impassive.

"Hmm?" He sexily hummed as if he just woke up.

Damn that 'sexily'.

"Uh, here's my payment.." Ani ko at inilahad ang pera sa kaniya.

Kunot-noo niyang tinanggap ang pera, tila labag sa loob niyang binayaran ko pa siya. Hindi niya ito binilang at ibinulsa na lang kaagad ang pera.

"Thanks, ulit," I said almost whispering and was about to turn my back when he called my name. "Yes?"

"Pinagalitan ka?" Out of context nitong tanong.

"Pinagsabihan lang," I shrugged.

Tumango ang lalaki. "Sorry.."

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya kaya tinanguan ko lang siya at bumalik na sa upuan ko. Khesma looked at me with his malicious eyes when I return, and I just roll my eyes on him.

Ginisa ako ng tanong ng mga kaibigan ko nang magbreak-time kaya napilitan akong ikwento sa kanila ang nangyari sa'min ni Rux. Sa araw na iyon ay nagchecking lang kami sa mga test papers namin at ang ilang guro ay may ipinapabahol pang mga requirements.

And as expected, Rux got lower score than me in Pre-calculus. And I did not feel satisfied that time because I know it's because of me. I got 47 while he got 39. He still got the passing score but it's lower than what he could've got if it weren't for me. Kaya hindi na din ako nagtaka nang tanungin siya ng guro namin kung bakit mababa ang score niya.

He lied and said that he forgot to bring his calculator kaya hindi din siya nakatapos.

And I just bowed my head because of so much guilt.

"From the top!" Sigaw ng nagle-lead sa'min ng sayaw ngayon, si Roseanne.

Kasalukuyan kaming nag-eensayo ngayon ng sayaw para sa paparating na Intramurals. Tatlo silang nagtuturo sa'min ngayon ng steps at kanina pa kami pabalik-balik. Marami ding taga ibang sections ang nagpa-practice kaya ang ilan sa mga kaklase ko'y napapatingin sa ibang sumasayaw, kaya nababadtrip din ang nagtuturo sa'min.

Debating with His Heart [STEM Series #1]On viuen les histories. Descobreix ara