Chapter 7

13 2 0
                                    

Chapter 7: Calculator

Inayos ko ang ID na nakasabit sa leeg ko. Inilagay ko sa kabilang kamay ang payong na panangga ko sa init ng araw bago pumara ng masasakyang tricycle papunta sa school.

Alas-12 ng tanghali ngayon, kaya tirik na tirik ang araw. And today is the first day of our first quarter exam, at afternoon ang schedule ng exam namin.

Ayoko talaga 'pag afternoon kami kasi  sobrang hassle, hindi ako mahahatid ni papa sa school dahil nasa trabaho siya at ang init din kapag mag-commute.

May humintong tricycle sa'kin kaya sumakay ako dito. Tiningnan ko ang oras sa relos ko at nakitang 12:20 na pala. Ala-una ang start ng exam, pero kung maaga ang lahat ng kaklase ko ay magsisimula kami even before 1 o'clock.

After less than ten minutes, nakarating na ako ng school. Umakyat ako kaagad papuntang room namin, not minding some of my batchmates who are having their reviews. May mga estudyante akong nadadaanan na nakaupo sa hagdan dahil nag-aaral, at ang lalakas ng mga boses nila kung magmemorize.

"Holistic Thinking is a big picture mentality in which a person recognizes the interconnectedness of various elements that form larger system, patterns, and objects." Bulong ko sa sarili habang papasok ng classroom. Tinuloy ko ang pagmememorize sa Philosophy, "A perspective that considers large-scale patterns in systems."

"Tanya!" Narinig kong sigaw ni Emily mula sa upuan ko kaya napakunot ang noo ko. "Tanya, nalilito ako sa pag-derive sa standard form of equation ng Hyperbola. Pwede ako pacheck sa'yo?" Tanong nito bago inilahad sa akin ang isang papel na naglalaman ng solutions.

Umupo ako sa upuan ko habang lumipat naman si Em sa upuan ni Khesma dahil wala pa naman ang lalaki. Tiningnan ko ang solutions niya at nalamang may mga mali nga ito. I corrected it and gave it back to her. Tumango-tango ang babae habang iniintindi ito, at 'di nagtagal ay na-gets na rin niya. Nagpasalamat siya sa'kin at nagpatuloy naman ako sa pagbubulong ng mga lessons namin na inaral ko.

Ilang minuto ay napansin ko ang pagpasok nina Khesma at Rux. Si Rux ay may hawak-hawak na isang bond paper habang si Khesma ay nakatungo sa binabasang notebook. Everyone seems so stressed and sleepless right now. Halos lahat kami ay nagrereview at kahit 'yong mga kaklase kong puro chismis ang lumalabas sa bibig, formulas na ang sinasabi.

"Saksakin niyo na lang ako, please." Stress na sabi ni Khesma habang umuupo sa tabi ko. Nakita ko ang hawak niyang notebook, at notebook iyon ni Rux sa calculus. "Hindi ako sanay na hindi mga babae ang iniisip."

Natawa ako sa kaniyang ibinulong. Hindi nagtagal ay pumasok ang striktong guro namin sa pre-cal na may hawak-hawak na test papers.

"Don't tell me, proctor natin 'yan," mahinang utal ni Khesma.

"Mukhang ganun na nga, Khes.."

Mahinang napamura si Khesma nang sabihin ko iyon. Muli siyang tumingin sa notebook para mag-review, at ganoon din ang ginawa ko habang inihahanda pa ng proctor namin ang mga test papers sa lamesa.

I got my small bag and prepared my things that are needed in the exam. Alam kong Pre-cal ang uunahin ng proctor namin dahil subject niya ito at nakasanayan na ding inuuna ang math subject tuwing exam. Nagsimula akong kabahan nang mailabas ko na ang papel, ballpen, lapis, at eraser pero ang calculator ay hindi ko mahanap sa loob ng bag. 

Bigla akong nataranta.

"Ayos ka lang, Tanya?" Pansin ni Khesma sa'kin.

Naramdaman ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo. "Hindi ko mahanap ang calcu ko," kinakabahan kong sabi.

Debating with His Heart [STEM Series #1]Where stories live. Discover now