28: SVT Performance

Start from the beginning
                                    

"Hindi ikaw si Mom kaya wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin." giit niya pa.

Napabuntong hininga na lang ako.

'Hindi ko alam na may ganitong ugali pala si Nathalie...'

Nilapitan ko si Lisa. "Halika na. Baka ma-late ka sa class ninyo---"

"It's okay ate. May meeting naman kaya ayos lang" bulong niya pabalik.

Hinawakan ko ang kamay niya para sabay kaming maglakad paalis. "Halika na---"

"Hep hep! Saan kayo pupunta?" pagharang nila sa dadaanan namin.

"Aalis na kami---"

"Hindi ka aalis hangga't hindi ka nakita ni Mommy. And---"

"Nathalie, nag-volunteer ako para ayusin 'yung gym---"

"Imposible! Alam kong hindi ikaw ang nag-ayos nun. Napaka-imposible na natapos mo 'yun ng mag-isa. Kaya, hindi ikaw ang may gawa---"

"That's not true!" biglang sumigaw si Lisa.

"A-huh. Ikaw'ng bata ka..." lalapitan niya sana si Lisa kaya pumagitna ako.

"Huwag mo siyang awayin o saktan. Dahil kapag ginawa mo 'yun---"

"Kakalabanin mo'ko? Ganyan ka na ba ka-feeling? Tingin mo ba, natatakot ako?" mariing tanong niya sa'kin.

"Nathalie, hindi ko gusto na maging ganito tayo. Magkapatid tayo diba?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Binalewala niya lang ang sinabi ko.

"Anna, please baka kausap ng Mom mo si Mommy. Pakisabi, nandito na ang hinahanap niya." tumingin siya sakin habang nakangiti.

Lalapitan sana siya ni Lisa kaya lang, bigla ko siyang pinigilan. "Hayaan mo na"

"Pero Ate, sobra na 'yang sister mo ah! Naku, kung hindi mo lang yan kapatid talagang... pinatumba ko na 'yan. Kidding."

Alam kong naiinis na si Lisa kay Nathalie. Hindi ko rin naman siya masisi. Nag-iba na talaga ang ugali ng kapatid ko.

Biglang may lumabas sa may pintuan. At dahan-dahan kong nakita si Mommy.

"Hi Mom." diretsong sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi ka umuwi ka-gabi!?" galit na tanong nito sa'kin bilang pagsalubong niya.

"Eh kasi po.." hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sa biglaang pagsingit ni Nathalie sa usapan.

"Saan kaya si Jenny natulog kagabi?" sarkistong tanong niya habang nakatingin sa'kin.

"Sa bahay ng kaibigan ko. Mommy, alam po ni Nathalie na nag-volunteer ako para ayusin yung gym. Tapos, wala pong tumulong sa'kin. Buti na lang dahil, may kaibigan akong handa akong tulungan---"

"Hindi ko sinabi na, ipaliwanag mo ang mga nangyari. Sinabi na ni Nathalie sakin na, nag-volunteer ka. Wala ka bang utak? Pinag-aral ka ng Daddy mo dito para magkaroon ka ng magandang isip. Tapos ano? Wala! It's useless. Nag-volunteer ka pa talaga? Ang laki ng gym na 'yun." bakas sa boses ni Mommy ang galit niya sakin. "Then what happened? Sino ang tumulong sa'yo? Ha? Mga lalaki? Binenta mo ba yang---"

"Mommy, hindi ako ganun. Hindi ako ganoong tao." giit ko sa kanya.

"Pft, haha!" rinig ko ang tawa ng tatlo.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now