"Sige lumabas kana magbibihis lang kamo ako."pagkatapos ay lumabas na sya at bumangon narin ako para mag ayos.

Simpleng kulay itim na pantalon lang at kulay pink na blouse ang suot ko tsaka ko pinaresan ng plat shoes at nagpolbo lang.

Agad bumungad sakin si Melody pagkalabas na pagkalabas ko may hawak pa syang coke na in can.

" Tara na."sabi nya.

Nasa simbahan na kami ng lumihis ng pwesto si Melody isa kasi sya sa mga Choir kaya nasa harapan sila samantalang na sa likuran ako.

"Sabi nga ng kaibigan ko noon na ang taong Hindi marunong magpatawad ay mas lalong Hindi marunong magmahal at ang taong nagpapatawad ay ang syang totoong tunay na nagmamahal." sermon nung pari at marami pa syang sinabi.

Natapos na ang misa ng biglang may humatak sa akin, palabas na sana ako ng simbahan,.

Paglingon koy agad Kong nakita si Mel .

"Sandali lang may pupuntahan pa tayo Yani." sabi nya tsaka nya ako binatak papunta sa taas.

"Hi guys eto nga pala yung bff ko si Lianne." pagpapakilala nya sakin sa mga ka choir nya tumango naman ako at nginitian sila,sinuklian din naman nila iyon ngitian din nila ako,pagkatapos ay iginiya nya ako papasok sa parang office yata yun.

"Good evening father." sabay na bati namin.

"Magandang gabi mga hija."

"Ah father." tawag nya kay father Mayong "sya nga po pala yung ikinukwento ko sa inyo si Lianne." napakunot ang noo kong lumingon sa kanya,ngiting aso lang ang binigay nya sakin.

Ano na naman ang trip mo MELODY!

Tumayo bigla si Father at hinawakan kami sa ulo.

"Hija dapat ay Hindi mo isinasarili ang mga problema mo." sa tono ng Bose's nya ay halatang nagpapayo.

"A-ah o-opo." bigla akong nailang .

"Alam kong lahat ng tao ay may sarisariling problema,pero Hindi magandang sinasarili mo ang lahat i-share morin."

"A-ah opo?" Haaaa wala akong masabi yari ka sa akin Melodyyy!

Pagkatapos ay may inabot sakin si father na sticky note.

"Isulat mo ang numero mo riyan hija may kilala akong mapagkakatiwalaan mo." aniya pa, medyo nagdadalawang isip pa akong kunin ang papel ng bahagya akong sikuhin ni Mel, kaya naman ay kinuha ko na ang papel at inabutan naman ako ni Mel ng ballpen.

09508****** isinulat ko ang numero at ibinigay ko na muli kay father.

"Mas magandang magsabi sa taong Hindi mo nakikita't kilala in short tell your story to stranger." sabi pa muli ni father ngunit wala akong naintindihan.

Fall On CallWhere stories live. Discover now