Chapter 1

63 24 2
                                    

Chapter 1
Lianne's POV

"Wala ka talagang kwentang bata ka anoh!" Agad na bungad sakin ni Tiya Lorein,kagagaling ko lang sa pinagtratrabahuhan ko,part time "bakit hindi mo tuluran yung pinsan mo!tignan mo ngayon isa ng nurse!ayy napaka walang silbi." Bulyaw na naman nya sakin.

Tsk tsk, napailing-iling na lang ako sanay na ako kay tiya sermon lang ang laging alam.

Hindi ko na sya pinansin at dumiretsyo na ako papasok sa aking kwarto.

"Bastos ka talagang bata ka!" rinig ko pang sigaw nya muli.

Agad akong nahiga sa aking papag at ibinato na lang kung saan ang aking sling bag.

Hayst pagod na galing trabaho tapos sermon pa yung bubungad pag uwi.

Ewan ko ba HAHAHA basta alam ko sa sarili ko ay ginagawa ko yung best ko,nakakapagod rin.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng tumunog ang cellphone ko.

Ring!Ring!-

"Hello?"sagot ko tinignan ko ang screen,si Melody bff ko.

" Yani!sama ka sa amin?"

"Saan?" tanong ko.

"Sama ka sa amin magsimba?ala sais yon mamaya sunduin ka namin."Aniya pa.

" OK."walang ganang sagot ko!

"Hayst alam mo Yani magsimba ka kasi para mabawasbawasan mo yang problema mo-

"Shatapp Mel kakasermon lang sakin ni tiya,wag ka ng dumagdag." putol ko.

"Wag kang magalala ipagadadasal ko na sana e mawala na yung problema mo." nangaasar ang tono ng kanyang boses.

"Marami akong problema-

"Si tita Lorein lang ang problema mo baks."

"Sige sige na sunduin nyo na lang ako matulog lang ako sandali." pagkatapos nun ay pinatay ko na ang linya't ipinikit ang mga mata hanggang sa Hindi ko na Malayan na nakatulog na ako.

"Ate?"rinig kong may tumawag sakin, " ate?"pagkatapos ay niyugyug nya na ang katawan ko, iminulat ko ang mata pagkatapos ay tinignan ko sya, si Rain anak ni tiya
"Ate nandyan po si ate Melody,sabi nya may pupuntahan daw po kayo." aniya pa.

Fall On CallWhere stories live. Discover now