Special Chapter 2

Start from the beginning
                                    

Hinalikan ko siya sa may bandang tenga, nakita iyon ni Gianneri kaya nag-ingay siya. Natawa kami ni Gertie kaya naman hinalikan ko sa pisngi ang anak namin.

"I'm not grumpy" laban ko sa kanya.

Humaba nanaman ang nguso niya. "Ang sungit mo, nakita ko kanina ang sama ng tingin mo sa laptop" sabi niya na mas lalo kong ikinatawa. Akala ko kanina hindi talaga nila ako pinansin, nakita pa pala niya iyon. She is so observant when it comes to me. Kahit noo pa, alam ko dahil lahat naman ng nakikita niya, she voice it out.

Bago pa man ako makasagot ay nakarinig na kami ng pagkatok. Sumama ang tingin ko sa pinto at sa ulo ni Junie na lumawit mula doon.

"Ma'm Gertie, nandito na po mag-ina ko" proud na sabi nito.

Kumunot ang noo ko, lalo ng kaagad na kinuha ni Gertie si Gianneri sa akin.

"Saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Pupuntahan namin ang bagong friend ni Gianneri na si Jacobus" excited na sabi nito kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"Gertrude" madiing tawag ko sa kanya.

"Why?" inosenteng tanong niya sa akin. Nanghina ako dahil doon.

"Masyado pang bata ang anak natin para makipagkaibigan" giit ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, nakatayo na siya sa harapan ko habang karga si Gianneri, hindi na talaga magpapapigil.

"Friends lang Daddy Eroz, you are so malisyoso" pangaasar niya sa akin kaya naman napapikit ako ng mariin. Napahilot ako sa aking sintido.

"Gertie..." tawag ko sa kanya ng nagdirediretso sila palabas ng aking office. They seem so excited, pati ang anak ko. Mukhang maaga kong proproblemahin ang mga kaibigan ni Gianneri.

"Drink your chocolate drink, Eroz" she said bago tuluyang sumara ang pintuan at iniwan nila akong dalawa.

Pagod akong napasandal sa aking swivel chair. I want them only for me, pero hindi ganoon ang totoong pag mamahal, naiintindihan ko kung bakit sa maagang edad ay gusto ni Gertie na magkaroon ng kaibigan ang anak namin. 

Pero wag muna lalaki, damn it!

Dahan dahang lumipad ang utak ko patungo sa nakaraan habang nakapikit at dinadama ko ang dilim.

"Sigurado ka na ba dito, Eroz?" tanong ni Mang Henry sa akin.

Ibibenta ko ang buong factory sa kanya. Mas kaya kong mawala iyon sa akin, kesa naman si Gertrude ang mawala.

Hindi ako nakasagot, lumilipad pa din ang isip ko sa kung ano ang dapat kong gawin pagkatapos nito.

"Eroz" tawag ni Mang Henry sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat kaya naman bumalik ako sa wisyo.

"Pagisipan mo muna ulit"

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking magkabilang palad. Hindi ko na alam, hindi ako makapagisip ng maayos.

"Matagal mong pinaghirapan ito. Pangarap mo ang ricemill factory na ito" paalala niya sa akin.

Marahan akong tumango. "Pero pangarap ko din po si Gertrude. Kaya kong mawala ang factory sa akin dahil alam kong sa mabuting kamay mapupunta, sa inyo. Pero si Gertie, pag nawala sa akin..."

Napabuntong hininga ako. "Pag si Gertie nawala sa akin...ayoko ko. Ayokong mapunta sa iba, ayokong may mag alagang iba. Gusto ko ako lang" laban ko.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now