Kabanata 33

4 1 0
                                    


Kabanata 33

No One





I was like a prisoner in my own home. Hindi nga ako pinalabas ng buong linggo sa aking silid. I'm locked in my room at sa tuwing kakain ay dinadalhan lang ako ng katulong. I tried to seek help from them but they were all ignoring me. Pati si Yaya Betty at Ate Carmen na medyo close ko ay napapaluha nalang dahil hindi ako pwedeng makausap.

Isang linggo akong lumiban sa klase. I'm sure my mom already solved that problem. Baka nga pagpasok ko ay maging top student pa ako pagkat paniguradong sinuhulan na naman ni Mom ang school. How powerful money is...

Sa loob rin ng isang linggong iyon ay sinubukan kong tumakas. I even tried to jump off the window but the guards immediately came. Kaya mula noon ay ni-lock na ang bintana sa aking silid. May isang pagkakataon pa na sinubukan kong takasan ang mga tauhan sa harap ng pintuan ngunit hindi ko nga lang inakalang may mga tauhan rin pala sa baba ng hagdan kaya nahuli rin ako.

I'm desperate! Hindi ako tumitigil sa pagtakas sa kagustuhang makausap si Radly. Siguro ay nagtataka na iyon kung bakit hindi ako tumatawag sa kaniya. My mother made her men confiscate my phone that's why I can't call anyone.

"Please, let me out..." nanghihina kong sambit kay Mom nang minsang pasukin niya ako sa aking silid.

Seryoso lang ang kaniyang mukha. "And then what? Makikipagkita ka sa batang iyon? You probably know what I can do!" nagbabanta niyang wika.

Hindi ako umimik. Iyon talaga ang plano ko. Ang makausap si Radly. Pasalamat ko nalang na wala pang ginagawa si Mom sa kaniya. Alam ko dahil kung may ginawa na siya, sasabihin niya iyon at ipagmamalaki.

"At dahil sa ginawa mo, alam mo bang may nakaalam tungkol sa 'yo kaya marami na muling nagtatangka?!"

Wala pa rin akong imik nang punasan ko ang luha sa pisngi. So what? Ano pang pakialam ko gayong sarili ko na mismong ina ang nananakit sa akin?

"You could've obeyed me! Edi sana'y hindi nangyari ang mga ito, Samantha."

"If I obeyed you, I probably would've missed a life,"

Umangat ang gilid ng kaniyang labi, sarkastiko. "A life where people is after you?"

"No. A life where I can feel how lovable and worthy I am." walang emosyon kong sabi sabay tingin sa kaniya.

Hindi nawala ang sarkasmo sa kaniya. "And you really believe the boy's words huh?"

"Why? Am I not, Mom?" I asked.

Hindi siya sumagot. I laughed dryly.

"Siguro ay nagsisisi kayo. Na sana ay hindi nalang ako naging babae. Na sana lalaki nalang ako para hindi maging pabigat. And you know what? I think you're right. I am not lovable and worthy enough para pagbigyan ako sa gusto ko,"

"Hindi lahat ng gusto ay dapat ibigay, Sam!" giit ni Mom.

"Lahat ng gusto ko ay hindi naibigay." natigilan siya. "All I ever wished is to be visible for you to see my existence, Mom." malungkot kong wika.

Nag-iwas siya ng tingin.

"Mayaman ba talaga ako? Kasi minsan nagmumukha akong pulubi dahil sa panlilimos ng atensyon niyo, 'e. Ni hindi mo man lang napansin ang mga sugat ko nang makauwi ako."

Napalingon siya sa akin.

"Ni hindi mo man lang ako kinumusta kung ayos lang ako. Kung anong nararamdaman ko sa tuwing papasok ako o uuwi. Kung anong nararamdaman ko sa tuwing lalaitin ako ng mga kamag-anak natin. Ni minsan hindi mo ako tinanong kung ayos pa ba ako. O kaya ko pa ba. Tapos ngayon na masaya ako, haharangin mo pa? Kay Radly na nga lang ako sumasaya, pinipigilan mo pa. Akala ko ba pinoprotektahan mo ako, e ba't sinasaktan mo ako ngayon?" mahaba kong salita.

Her Inscrutable Venom (Imperfect Series #1)Where stories live. Discover now