Kabanata 5

8 3 0
                                    


Chapter 05

Outing




What is the importance of being open to somebody? Will it make you feel lighter? Or is it even necessary to open to someone?

Hindi na ako natuloy pa sa pag-alis, medyo nawalan na kasi ako ng gana. Pinapasok ko nalang sa garahe ang sasakyan kay Manong. Umakyat nalang ako ng kwarto at hindi nalang lumabas pa doon. Doon ko inisip lahat ng mga sinabi ng mga pinsan ko sa akin. Do they really think I would steal and take over all the businesses I didn't even build? 

Mabilis ang araw, basta't natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad na naman papasok ng school. Pero 'di gaya dati na komportable ang paglalakad ko, ngayon ay hindi. Hindi ako mapakali sa atensyong nasa sa akin ngayon.

"The hell? Siya ba talaga 'yun?"

"Yeah, can't believe? Same."

"Omg, her looks! It doesn't even look a face! Why did Radly kissed that cheap?"

"Ang pangit naman niyan, kadiri!"

Napalunok ako at mas binilisan nalang ang lakad. Kahit na hindi ko iangat ang tingin ay alam kong nakasunod ang mapanlait at mapanuri nilang mga mata.

I suddenly remember about the kiss. Kinalimutan ko na 'yun, 'e! After I slapped him for doing that in front of all, tumakbo ako palabas. Mabuti nga at hindi niya ako hinabol. At saka bakit naman niya ako hahabulin? Asa ako.

Gaya nga ng sabi ko, mabuti na rin iyon. Sana nga lang ay hindi na niya ulitin iyon, at hindi na kami magkita. I am living my usual life here, why does he needs to ruin it?

Nakarating ako sa classroom ng hinihingal dahil halos lakad-takbo ang ginawa ko. I sighed before make a step to enter but as soon as I opened the door, may tumapong likido sa aking ulo kasabay ng pagbagsak ng timba na sumakto sa ulo ko.

Nanlamig ang buo kong katawan habang pinakikinggan ang kanilang tawanan. Dahan-dahan at sa nilalabanang kaba ay inalis ko ang timba na nakasuot sa aking ulo. Mas lalong umugong ang tawanan nila nang makita ang mukha ko.

"Omg, I should've record it. That's hilarious!"

"Suits her better. Stop seducing Radly, Samantha! Lintang pangit!"

"Nilalandi mo ang pagmamay-ari ni Yvonne!"

"Shoo, you stinky dog!"

Ganyan ang mga sinabi nila sa akin sabay bato ng chalks sa akin na inilagan ko naman. May isang nagbato sa akin ng eraser na tumama sa aking mukha kaya napapikit ako dahil mukhang may pumasok sa mata ko na kung ano. Nang may maramdaman akong tumamang tambo sa ulo ko ay roon palang ako natigilan.

Napaawang ang labi ko, nagsimula na namang manginig ang katawan ko. My eyes fixed on the ground and later on... 

May tumulong luha sa mga mata ko na sinundan ng hikbi. Natahimik sila at pinanood akong umiyak. 

Yvonne walk towards me. "Oh no! She's crying!" nataranta siya pero ngumisi rin ng nakakaloko. "Pity bitch," and my eyes suddenly widened nang itulak niya ako ng malakas dahilan para madikitan ko ng dumi ang lecturer naming papasok na sa room!

Agad silang nagsibalikan sa upuan na parang walang nangyari habang ako naman ay dali-daling humingi ng tawad sa guro.

"Ms. Socorro! Ano bang ginawa mo?!"

"S-S-Sorry p-po! H-Hindi ko po sinasadya, Miss—"

"Sinadya o hindi, nadumihan mo ako! Kung gusto mong dumumi, 'wag kang mandamay! Ang baho-baho mo, bagay sa hitsura mo!"

Her Inscrutable Venom (Imperfect Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant