Kabanata 9

5 2 0
                                    


Chapter 09

Swim







What do you call to a feeling where you can feel butterflies in your stomach?

"You shouldn't stick your nose in our goddamn business."

Natigilan ako sa paghakbang nang kausapin ako ni Tita Janice. Akala ko magsasaya lang kami tulad ng isang normal na pamilya but as expected, walang pahinga sa kanila. Nandito pala kami para sama-samang pag-usapan ang negosyo'ng pinatatakbo ng pamilya.

At papasok na sana ako sa opisina nang pigilan nga ako ni Tita Janice.

I smiled at her. "Good morning, Tita..."

She scoffed. "Do not call me Tita, ang pangit mo! Nakakadiri ang mukha mo, ang dumi!" at pinanlakihan niya ako ng mata kaya napaatras ako. "Humakbang ka sa opisina, makikita mo ang kaya kong gawin, Samantha..." nagbabanta niyang sabi.

Nakangisi siyang pumasok sa opisina at pinagsarhan ako ng pinto. Saka lang ako nakahinga ng tuluy-tuloy nang masara na ang pinto, malalagutan na ako ng hininga sa sobrang takot.

"Sam," someone called my name.

Napatili ako nang may magsalita sa likuran ko. I saw Kuya Brandon looking at me weirdly. Nakahawak sa baywang ang isa niyang kamay na parang kanina niya pa ako pinapanood.

"K-Kuya Brandon!" nagugulat kong bulalas.

He tilted his head a bit and chuckled. "Samantha, what are you doing here? Why don't you go inside?" aniya. He opened the door, "Tara na," he said.

I was about to make a step when I suddenly remembered Tita Janice's words.

"U-Uh, Kuya Brandon... kasi po, ano..." I stuttered.

Kumunot ang noo niya. Bumitaw siya sa pinto at nagtatakang hinarap ako, "Samantha...?" he called.

I pursed my lips and looked away. I heaved a sigh and forced a smile. "Kuya, ayoko muna sanang ma-involve sa negosyo. I... I'm not yet ready," mahina kong sabi at kinagat ang ibabang labi.

That was a half-lie though. Hindi ako papasok dahil binantaan ako ni Tita Janice pero ayoko rin munang maging involve sa anumang negosyo nila. It just makes me realize more na doon ako babagsak.

His face became flat and then he nodded, licking his lips while staring down at the tiles.

"If that is what you want." and looked at me seriously. "But you're a Guerrero, Sam. Ready or not, you will soon face our business." he smiled lightly and tapped my shoulder. Iniwan na niya ako at mag-isang pumasok sa opisina.

Natulala ako.

Huminga ako ng malalim. With the way Kuya Brandon said those words, parang umurong lahat ng uurong sa akin. Biglang natakot ako bigla. I don't know, kasi I should be ready anytime lalo na't kaka-birthday ko lang at sa isang taon ay mag-eighteen na ako. Pero... bakit parang ayaw ko na biglang ipakilala sa lahat? Bakit parang gusto ko nalang na itago nila habang buhay ako?

I sighed again. Ang hirap. Being Samantha means having no option but to go to this path...

Lumabas nalang ako dahil wala naman akong ibang gagawin, lahat sila ay nasa loob at wala naman akong masyadong gagawin. And maglilinis na sana ako kaso napagalitan pa ako ng mayor doma do'n na parang ang laki ng galit sa akin.

My phone vibrated and I saw Kuya Shawn's message.


Kuya Shawn:

Ba't wala ka dito sa loob?


Her Inscrutable Venom (Imperfect Series #1)Where stories live. Discover now