"Not really. Fraternal twins." 

"Astigin ka Madwoman! HAHAHA!"

Ayan na naman ang pangalan na yan =_= Nakita siguro ni Jayvee ang reaksyon ko kaya tawa sya nang tawa. I glared at him pero parang wala ng bisa sa kanya. Ghad!

"Anyway, why the heck are you calling me with that stinky name?" I raised an eyebrow para halatang mataray.

"Haha! Si chang ang nagpauso dun!" sabi ni Dustin.

 Speaking of which, bigla na din syang dumating.

“Hoy Maddison, may reklamo ka? Ang ganda kaya ng naisip kong tawag sayo.. Hinalo ko sa pangalan mo.” Parang proud na sabi ni Aling Sonia.

I groaned. “Please stop calling me Maddison.”

Umakbay sa akin si Jayvee. “Bakit nga ba ayaw mong tinatawag sa pangalan na yun? Brianna Maddison nga pangalan mo diba” He asked.

I gave him a look. “I just don’t.”

“Woah name mo din yun?? Ang cool!” – Justin

“Oo nga Ate! Ganda ng name mo..” – Irish

Maganda talaga ang pangalan ko. Syempre mana sa may-ari.

“Pero parang familiar.. saan ko nga ba narinig yung Brianna Maddison?” Sabi ni Dustin habang nag-iisip. “Ah! Kapangalan mo yung nasa Casanova Sisters ng SAHU na si Brianna Maddison Hermosa! Diba bro?”

“Oo nga noh!” Sabi naman ni Justin. “Teka, yung uniform mo taga-SAHU ka din?!”

“Mga boplaks kayo mga kuya! Ngayon nyo pa lang napansin na pereho sila ng school ni Kuya Jayvee?” Natatawang sabi ni Irish.

“Sino yung kapangalan ni Madman?” Nagtatakang tanong naman ni Aling Sonia. Obvious na hindi maka-relate sa usapang bagets.

Bigla naman humalakhak kakatawa si Jayvee. Yung halos lahat ng mga customers eh tumangin na sa kanya.

“Ang eengot nyo!” He said, laughing. Actually I think nawawalan na sya ng hininga kakatawa. Take note na ung tinatawanan nya ay hindi naman talaga nakakatawa -__-. “Etong girlfriend ko..” sabay akbay ulit. “Sya lang naman ang sikat na sikat na si Brianna Maddison Hermosa ng SAHU.” He said and winked at me.

Natulala naman yung tatlo. Tapos yung mga ibang students na customers halatang gulat din.

“Di ngaaa?!” Magkasabay na sabi ng kambal.

“Waah totoo?! Halaaa nakausap ko si Brianna ng Casanova Sisters!! Wahaha may ipagmamalaki na naman nyan ako kay Rose!” Nagtitili naman etong si Irish.

Biglang nilabas ni Justin ang phone nya at binigay ito kay Dustin. “Papicture Brianna!”  Akmang yayakapin na sana nya ako, tinapal ni Jayvee ang mukha ni Justin gamit ang kamay nya at tinulak palayo. “Magsilayo nga kayo. Manyakin nyo pa itong Labidabs ko.”

Ako? Wala. Tameme lang. They’re so weird.

“Kabataan talaga ngayon hirap intindihin.” Aling Sonia said while shooking her head. “Hoy kayo umayos na kayo para makakain na ng hapunan.”

Eh? Dinner time na pala.. exact 7:30 pm. Habang nag-aayos na si Aling Sonia ng makakainan, sumunod din sa kanya si Irish para tumulong. Yung kambal naman ay nakatingin pa din sa akin in amazement. All of a sudden, I remembered the last time I went here at kumain. That was the time nung kumain ako ng…… ng…. blood *shudder*

The Casanova SistersWhere stories live. Discover now