Chapter 2

2.4K 132 0
                                    


NAPABUNTONG HININGA si Jake nang sa wakas ay makatulog nang muli si Bea. Hindi niya inaasahan na mapapaga ang paggising nito. Pumasok siya sa silid na palagi nitong ginagamit noon tuwing nagpupunta sila roon upang tingnan lamang kung maayos itong natutulog. Ngunit nabigla siya nang makitang nakatayo ito malapit sa may bintana at nakahawak sa ulo. And when she turned around, different emotions welled up inside him. It was a combination of relief, happiness, sadness, pain and guilt. Dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit ito nasa ganoong sitwasyon.

At dahil nabigla ay muntik na siyang mataranta at hindi masabi rito ng maayos ang sitwasyon. Lalo na nang makita niyang nagpanic ito nang makita siya. It was clear that she could not remember him. Alam naman niya na iyon ang magiging reaksiyon nito kapag nagising ito. Pero hindi pa rin niya naiwasang makaramdam ng sakit na natakot ito sa kaniya. Hindi pa rin niya naiwasang masaktan na hindi siya nito matandaan. Kahit kaunting rekognisyon lang sana. O kaya sinabi man lang sana nito na "pamilyar ka sa akin" ay ayos na sa kaniya. But then she could not remember even her own name right? So, it's just his selfish side talking.

I'd wanna hear you say – I remember you. Sabi nga sa kantang paborito niyang kantahin. Iyon ang kantang gustong-gustong irequest ni Bea sa kaniya na kantahin niya. It was their song. That line was exactly what he felt at that moment.

Dati tuwing naiisip niya ang kantang iyon ay napapangiti siya. But lately, that song that they both love does not fail to make his chest ache. Lalo na ngayon.

Muli siyang napatingin sa nahihimbing na si Bea. She looked like an angel on her sleep. Kahit na pumayat ito, namutla at walang buhok ay maganda pa rin ito sa paningin niya. Maliit lamang ang mukha nito. Her eye lashes were long. At kapag nakadilat ito ay bilog na bilog ang mga mata nito at tila pagmamay-ari ng isang manyika. Ang ilong nito ay maliit at matangos. Ang mga labi nito ay manipis. Just few weeks ago, that face was full of energy and happiness. But the last time he saw her, that same face was full of pain and wet with tears. That same night, he received the scariest phone call he received all his life. A call from a hospital telling him Bea had an accident. He could still remember how his heart stopped beating when he heard that.

Isang linggo na mula ng mangyari ang aksidenteng iyon. Isang linggo na rin itong walang malay. Dalawang araw na ang nakararaan nang binigyan siya ng permiso ng mga doctor nito na maari na niya itong iuwi. Tagumpay naman ang operasyon at wala naman daw nakikita ang mga ito na magiging problema. Pinaalalahanan lamang siya ng mga ito na malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng temporary memory loss. Bagay na nangyari nga.

Muli siyang napabuntong hininga at inayos ang kumot nito. Nakatulog ito pagkatapos magtanong ng kung anu-ano tungkol sa sarili nito at tungkol sa kanila. He answered almost all of her questions carefully. Saglit lamang ay bumakas na sa mukha nito ang pagod. Patunay na hindi pa tuluyang nakakabawi ang katawan nito. He encouraged her to go back to sleep. Hindi lamang para makapagpahinga ito kung hindi para na rin maiwasan niya ang mga tanong na ibabato pa nito. Hindi pa niya maaring sagutin ang lahat ng tanong nito ng isang bagsakan ayon na rin sa doctor nito.

Saglit pa niyang pinagmasdan ito. Pagkatapos ay yumukod siya upang bigyan ito ng magaang na halik sa mga labi. Sleep tight babe. He gave her one last look then went out of the room.

"JAKE, gising na ba si Bea?" salubong ni Yaya Belen nang sumungaw siya sa kusina. Ito ang caretaker ng rest house niya kung nasaan sila. Bata pa lamang siya ay naroon na ito. She has been his ally since he was a child. Ito rin ang saksi sa mga panahong nagpupunta sila ni Bea sa rest house noon kapag bigla-bigla itong nag-aayang lumayo sa kamaynilaan.

Nagbuga siya ng hangin at umupo sa isang silyang hinatak niya. "Nagising siya. Pero nakatulog din kaagad. She was hysterical," kwento niya rito. Naglapag ito ng isang tasa ng umuusok na kape sa harapan niya. "Salamat yaya." Napatingin siya sa bintana nang biglang lumakas ang ulan. Lalong dumilim ang paligid.

"Akala ko noong huli kayong magpunta rito ay sa susunod na papasyal kayo rito ay nakangiti ang batang iyon na babatiin ako. At tulad ng dati ay yayakapin ako ng mahigpit na parang isang bata. Kung magbiro nga naman ang tadhana," malungkot na sabi nito.

Inalis niya ang tingin sa bintana at humarap dito. Bakas ang pag-aalala at lungkot sa mukha nito. He smiled to reassure her. "Don't worry yaya. She will be okay. The fact that she woke up and has energy to get hysterical means she's okay now. Ang kailangan na lang ay makaalala siya. Which I think will be soon. Bea has always been a strong woman. She will recover from what happened and will be the same Bea as before," nakangiting sabi niya.

Bumuntong hininga ito at umupo sa katapat niyang silya. "Alam ko iyon Jake. Noon pa man ay alam ko nang matapang na bata si Bea. Ikaw ang inaalala ko anak," anitong bakas ang simpatya sa mukha.

Napahigpit ang hawak niya sa tasa ng kape at tumitig doon bago sumagot. "I will be okay yaya. I am strong too. Just like her. Everything will be fine. Sa ngayon ang mahalaga sa akin ay matulungan siyang maalala ang nakaraan. I don't want her to forever lose her memories," determinadong sabi niya.

Nakita niya ang pamamasa sa gilid ng mga mata ng matandang babae. "Jake sigurado ka ba talaga sa plano mo? Kung ako ang tatanungin ay mas makabubuti sa iyo kung hindi na lamang niya maalala ang nakaraan. Maari naman siyang magsimula ng panibagong buhay kasama ka. Pwede naman kayong gumawa ulit ng bagong mga alaala," nag-aalalang sabi nito.

Malungkot siyang ngumiti. He reached for her hand and squeezed it. "Sigurado ako yaya. Pinag-isipan ko ito ng mabuti. Kilala ko si Bea. Alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya ang nakaraan. Bea has always been someone who loves to collect memories. Kung makikita niyo lang ang napakarami niyang pictures, ang mga diaries niya at kung anu-ano pang abubot na itinatabi niya.

"Dahil alam kong importante sa kaniya ang mga alaala niya kaya ko ito ginagawa. Besides, I am also part of her memories yaya, almost all of it in fact. I also want her to remember me," paliwanag niya. Huminto siya sa pagsasalita dahil nakaramdam siya ng bikig sa lalamunan.

"Jake," tawag nito sa kaniya na tuluyan nang naluha. Pinunasan nito iyon. Nakaramdam naman siya ng awa para dito. Alam niya na nasasaktan din ito sa mga nangyari.

Muli ay pinisil niya ang kamay nitong hawak niya. "Gusto kong maipaalam sa kaniya ang lahat ng matagal ko ng gustong sabihin pero hindi ko nagawa noon. Gusto kong malaman niya na importante rin sa akin ang lahat ng mga panahong pinagsamahan namin. I want her to know how I feel. I don't want to regret anything anymore yaya. Alam ko na ang nangyari ay pangalawang pagkakataon ibinibigay sa akin ng Diyos para maipakita ko kay Bea kung gaano siya kahalaga sa buhay ko. Whatever the outcome may be I will willingly accept it. Ikaw rin yaya. Kailangan mong maging matatag para kay Bea. Tutulungan natin siyang tuluyang gumaling okay?" aniya rito.

Bantulot itong tumango. "Gusto ko lang namang maging masaya ka Jake."

Ngumiti siya kahit alam niyang hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "I will be. Kapag tuluyan nang gumaling si Bea. Because her happiness is my happiness. That's why I will do anything for her yaya."

I REMEMBER YOU (An Unpublished Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon