Wattpad Original
There are 7 more free parts

Chapter 1

26.8K 822 281
                                    


FHERGUS lifted his gaze from the magazine he was reading and sighed. He placed the magazine down on his lap. His friends, Axton Casanova, Logan D’Souza, Damon Tavarez, and Romulus Saldivar were busy on their phones as they lounged on the couches.

He raised his hand, pulling the sleeve of his suit to reveal his wristwatch. It was exactly eight o’clock.

“Romi, aren’t you done?” he shouted, loud enough to hear from her room.

“I’m done, Uncle Fhergus! Five minutes!” Romi shouted back.

Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasang magazine.

Ang five minutes ay naging ten minutes bago lumabas si Romi ng silid.

“Do I look good in this gown?”

“No!” sabay-sabay na sagot ng lahat na may disgustong ekspresyon sa mukha habang nakatitig kay Romi.

“Your dress is revealing, Romi. Change.” Matigas ang tono ni Romulus, ang kapatid ni Romi.

“What!?” Niyuko ni Romi ang sarili. Romi was wearing a nude gown with a deep plunging neckline. May mga tali iyon sa harapang dibdib, para marahil hindi bumuka at hindi sumilip ang hindi dapat. Napailing si Fhergus. Women’s clothing was complicated. Bakit hindi na lang tinakpan ang harapan? Bakit kailangan may malalim ba hukab pa? Pati ang ibabang bahagi ay may slit pa. Women were unbelievable.

“Uncle Logan, hindi ba maganda ang suot ko?”

“Ha?” Itinikom ni Logan ang bibig na medyo nakaawang. Parang wala ito sa sariling nakatulala.

“Hindi ba maganda?” ulit na tanong ni Romi.

“Maganda naman kaso malaswa nga.”

Humalukipkip si Romi. Sumimangot ito.

Tumayo si Fhergus. “Let’s go. Okay na ‘yan. Kapag pinagpalit n’yo pa ‘yan mga dalawang oras na naman ‘yan aabutin.”

Malapad na napangiti si Romi sa sinabi ni Fhergus. Lumapit si Romi sa kanya at ikinawit ang braso sa braso ni Fhergus.

“Kaya ikaw ang favorite ko sa lahat, e.” Pinangunutan niya ito ng noo. Marahang natawa si Romi.

Sakay ng limousine ay dumating sila sa isang hotel kung saan gaganapin ang birthday party ng kaibigan ni Romi na anak ng isang senador. Umibis ng sasakyan ang lahat maliban kay Romi. Sinilip ni Fhergus ang dalaga sa loob ng sasakyan nang hindi ito kumilos. Nakahalukipkip lang ito habang nakasimangot.

“Romi?”

Mas lalong tumulis ang nguso nito.

“Sige. Uwi na lang tayo.”

“NOOO!”

Napangiwi si Fhergus sa pagtili nito. Padabog itong lumabas.

“Ano ba ang problema mong bata ka?” Tinabig ni Romi ang kamay ni Axton na pumisil sa pisngi nito.

“Ayoko nito!” Pumadyak si Romi habang sinusuri ang sariling suot.

“Okay naman ang suot mo, ah?” Inabot ni Fhergus ang zipper ng leather jacket na siya mismo ang nagpatong sa suot ni Romi at itinaas pang lalo iyon hanggang sa hindi na nakita ang leeg.

“Perfect!” ani Romulus.

“You are all so annoying!” She stomped into the hotel entrance. The glass door automatically opened. Sumunod ang limang lalaki kay Romi na natatawa. Hindi naman talaga sila imbetadong lahat. Ang pamilya Salvidar lang, ang pamilya ni Romulus at Romi. Hindi makakapunta ang mga magulang ni Romi kaya silang lima ang sumama para maging bodyguard ni Romi.

But the kid was annoyed.

Pagpasok nila sa isang function hall kung saan nagaganap ang engrandeng pagtitipon, at agad na sumalubong kay Romi ang dalawang kaibigan nito. Nagyakapan at maarteng nag-beso na may tunog pa ang halik sa hangin.

“What fashion style is that?” maarteng tanong ng kaibigan nito habang pinapasadahan si Romi ng tingin.

“My old-fashioned brother and uncles are with me. They are so pakialamero!” Lumagpas ang tingin ng dalawang babae kay Romi para tingnan sila. Namilog ang mga mata ng dalawa at pigil na tumili. They even grabbed Romi by both arms and shook her.

“O. M. Gosh! They are so gwapo in person. Ipakilala mo kami, Romi.”

“The grey-haired is such a cutie! The type of guy that I fall for.”

Nakasimangot si Romi na nilinga si Logan na siyang tinutukoy ng babae. Umirap si Romi at ibinalik ang atensiyon sa kaibigan.

“He’s not your type. He has a small dick.” Bago pa man makapagreak si Logan ay hinila na ni Romi ang mga kaibigan.

“What about the blue-eyed man? Malaki ba siya?” tanong ng isa habang papalayo.

“Mga kabataan talaga ngayon! Iba ang standard sa lalaki. Ang taas,” reak ni Damon. Tinapik ni Fhergus ang balikat ni Romulus saka nagpatiuna para tuluyang pumasok sa function hall.

“Fuck!” mahinang palatak ni Fhergus nang mapansin ang pagtingin sa kanila ng mga tao lalo ng mga kababaihan. Naroon ang paghanga sa mukha nito habang nasa mukha naman ng ibang kalalakihan ang insikyuridad.

They were used to women openly ogling at them, but they avoided it as much as they could. They didn’t want themselves to be exposed, except for Romulus who loved the attention of every woman he crossed. He was the most popular of them, at patunay na lang ang paglapit ng isang sikat na artista ngayon dito.

“Hey, Romulus!”

“Catya!”

Lumayo na si Fhergus dito at hinanap si Romi. Kumuha siya ng alak sa sommelier na dumaan sa kanya, pero sa halip na si Romi ang makita ay si Octavia ang nakabangga niya, ang kanyang kapatid.

“Kuya!”

“Octavia? What are you doing here?”

“What are you doing here?” balik nitong tanong.

“We just accompanied Romi.”

“Oh, God! Stop babysitting her. Malaki na siya. Masyado n’yo siyang hinihigpitan.”

“Yes. Listen to Octavia!”
Lumingon si Fhergus, at naroon na si Romi na may iritasyon pa rin sa mukha. Si Octavia ay napatawa dahil sa suot ni Romi.

“I don’t understand! I’m of legal age, twenty-one to be exact. Same age as Octavia. Pero ako hinihigpitan n’yo, e, bakit si Octavia hindi?”

Nilapitan ni Romulus si Octavia mula sa likod at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

“Octavia is more responsible than you—choosing clothes, friends, boyfriends. Dapat ganitong suot ni Octavia ang isinusuot mo.”

“Kuya Romulus, hindi sa pananamit masasabi kung responsible ang isang tao. Can you guys let Romi decide for herself?” Nilapitan ni Octavia si Romi, inabot ang zipper ng leather jacket at binuksan iyon.

“Oh, the gown is too beautiful to hide.” Hinubad ni Octavia ang jacket mula kay Romi.

“Wow! You look sensational in this elegant gown. Go and show what you’ve got, girl.” Kinindatan ni Octavia si Romi.

Romi mouthed, “Thank you,” before rushing away. Hindi na sila nabigyan ng pagkakataon para pigilan ito.

Romi and Octavia were of the same age, but Octavia was more mature than Romi. Romi was a little—no, she was indeed a spoiled brat. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga aksiyon nito.

Ikinawit ni Octavia ang braso kay Fhergus. Mabagal na naglakad ang dalawa. Umabot si Octavia ng wine sa nagdaang sommelier, pero agad iyong inagaw ni Fhergus ay inamoy.

“Safe.” Napatawa si Octavia na binawi ang wine glass mula kay Fhergus at sumimsim.

“Octavia!” bati ng isang babae sa kapatid.

“Oh, hi, Melissa!”

“Who’s that?”

Humigpit ang kapit ng kamay ni Octavia kay sa braso ni Fhergus. “My boyfriend.”

“Oh! Lucky biatch!”

“I know right!” Nagpaalam din ito agad.

“If I told her that you’re my brother, mangungulit ‘yon.” Muling sumimsim si Octavia ng wine. Octavia was a bit mysterious. Sobrang private na kahit sila na pamilya nito ay hindi kilala ng mga kaibigan at kilala. Kilala lang ito na kapatid at anak ng isa sa may-ari ng Lua Azul, ang sikat na kumpanya ng alak.

“Anyway, Kuya, hindi ka sasama sa akin si Portugal?” Tumigil sila sa isang tabi, at bumitaw si Octavia sa pagkakahawak sa kanyang braso at humarap rito. Ang kanyang mga kaibigan ay tinungo na ang mesa na laan para sa Salvidar.

“Susunod na lang ako. May tinatapos lang akong trabaho. Or if you want, hinatayin mo na lang ako.”

“Naka-schedule na ang flight ko. Sumunod ka na lang. Saka nami-miss ko na si papa. Magtatampo na ‘yon.”

Fhergus gave a curt nod in agreement. “Tara, doon tayo sa mesa. There is a designated table for the Salvidar family.”

As he turned, Fhergus bumped into someone—a middle-aged man.

“I’m sorry, Sir.”

Tipid itong tumango at nilagpasan siya. Natigilan naman bigla si Fhergus nang may marinig na bumagsak na bagay sa sahig. Maingay ang function hall pero rinig niya ang pagbagsak ng bagay na iyon. Ngunit hindi iyon ang totoong dahilan sa pagkakatigil niya—ang amoy ng isang nilalang na ilang dekadang taon na niyang hindi nakakatagpo.

Mangkukulam!

Nilinga niya ang lalaking nakabangga na ngayon ay kausap ang dalawang babae. Niyuko niya ang sahig. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang isang brooch na panlalaki sa sahig. Dinampot niya iyon at may kuryusidad na sinuri iyon. It was a vintage collar brooch, but it looked more like an amulet to him—an oval shaped amulet with a black stone in the middle.

“What’s that?” tanong ni Octavia. Ikinuyom niya ang palad.

“Ibabalik ko lang sa lalaki. Nahulog niya.” Ibinigay niya ang baso ng alak kay Octavia. Nilapitan niya ang lalaki. Tumiim ang kanyang mukha habang papalapit dito. Malakas na kapangyarihan ang nararamdaman niyang nagmumula rito.

Ngayon lang niya naalala kung sino ang lalaking ito—Maximiano Navarro, the chairman of Moon Lust, the leading jewelry company in the country.

“Excuse me, Sir,” he caught his attention politely.

The man turned to him. “Yes?”

Itinaas niya ang kamay para ipakita ang brooch. “Nahulog n’yo.”

“Oh, thank you!” Agad na kinuha ng lalaki ang brooch mula sa kanya na kinuha naman ng babae, si Felicia Navarro, ang asawa nito.

“Ikaw talaga!” Ito ang nagkabit sa collar nito. Agad na nawala ang malakas na kapangyarihan na nararamdaman niya mula rito. Tama nga. Amulet iyon na siyang nagtatago sa totoong katauhan ng mga ito.

“Thank you,” baling muli sa kanya ng lalaki. “This brooch has a sentimental value. My mother gifted this to me.”

“No worries, Sir. Excuse me!” Bago siya tuluyang tumalikod ay tinitigan niya ang isa sa babaeng kausap nito, ang mas bata. Si Aurora Navarro, ang anak ng mga Navarra at CEO ng Moon Lust.

Bumalik siya sa kinaroroonan ni Octavia at mga kaibigan. Naupo siya sa tabi ni Axton. Napansin niyang nakatitig ito sa direksiyon kung saan naroon ang pamilya Navarro. Nakakunot ang noo at may confusion sa mukha nito.

“Nandito sila,” matigas niyang sabi. Agad na kumalat ang galit sa kanyang dibdib na malamang nandito rin si Pilipinas ang mga masasamang nilalang.

“Sino?” Bagamat nagtatanong ay hindi iniiwan ni Axton ng tingin ang direksiyon.

“Ang mga Paganus.”

Marahas na napabaling sa kanya si Axton.

“Tama nga na posibleng dito rin sa Pilipinas nagtungo ang mga ito


***

IKINALAT ni Fhergus ang lahat ng larawan sa mahabang mesa. Kumuha ng tag-iisang larawan si Logan, Damon, Romulus, at Axton at tinitigan ang mga iyon.

“Maximiano and Felicia Navarro are the owners of Moon Lust Incorporated, the leading jewelry company in the country. Kilala rin maging sa ibang bansa,” simulang paliwanag ni Fhergus habang nanatili siyang nakatayo sa dulo ng mesa. “Aurora Navarro is the twenty-nine-year-old CEO of the company, and Maximiano is still the chairman. She’s the eldest. Dalawang magkapatid pero wala akong makuhang larawan ng bunsong anak ng mga Navarro maliban sa pangalan—Lucienne Nariah.”

Hinila ni Fhergus ang silya at naupo roon. “Ipinaalam ko sa konseho ang tungkol sa bagay na ito at lahat sila ay nababahala. May masamang ibig sabihin ito. Babala marahil na nalalapit nang maganap ang propesiya.”

“May malilipol na lahi sa darating na digmaan,” usal ni Damon, at naroon ang kaba at humalo ang matinding galit doon dahilan para mag-iba ang kulay ng mga mata nito—from black to neon yellow.

“At tayo ‘yon kung aatake sila sa asul na buwan.” Sabay-sabay na nag-angat ang apat ng tingin mula sa larawan at tumingin kay Fhergus.

“Hinding-hindi ko papayagang mangyari ‘yon. Kailangan nating malaman ang bagay na magpapa-alis sa sumpa natin. Ang mga mangkukulam lang na iyon ang may alam kung paano tayo makakalaya sa sumpa.”

“Anong pinaplano mo?” Si Logan.

“Kidnapin ang anak ng mga Navarro. Si Aurora Navarro kapalit ng pagpapalaya nila sa atin sa sumpa.”

“Sigurado ka rito?” Si Axton na mukhang hindi sang-ayon sa binabalak ni Fhergus.

“Paano kung magmitsa lalo ng gulo?” segundang tanong ni Axton.

“Ang propesiya ay propesiya. Magaganap kung ano ang itinakda, at nalalapit na ‘yon. Kailangan lang natin silang unahan, at maaaring makuha natin ang alpha—kung buhay pa man siya—kung mapagtatagumpayan natin ang plano.”

Tumango si Axton. Isinandal nito ang likod at tinitigan muli ang larawan ni Aurora.

“I got this!” madiin nitong sabi kapagkuwan. “Ako ang magtatrabaho kay Aurora Navarro!” determinado nitong hayag.

Bumukas ang pinto, at agad na iniligpit nina Logan ang mga larawan nang pumasok sa conference room si Octavia.

“Are you guys busy?”

Agad na tumayo si Fhergus at sinalubong ang kapatid. “Hindi naman. May kailangan ka?”

“Maglalambing sana, e.” Yumakap si Octavia sa baywang ni Fhergus. Malapad siyang napangiti. Ipinatong niya ang palad sa ibabaw ng ulo nito.

“Ano ang kailangan ng panget kong kapatid?”

Sumimangot si Octavia. Napatawa naman si Fhergus.

“Fine! Maganda.”

Ang nakasimangot na mukha nito ay umaliwalas. “Date tayo? Gusto kong kumain ng pizza at ice cream.”

“Kaya ka tumataba, e,” tukso niya rito pero iginiya na ito patungo sa pinto.

“Date ko muna ‘to, ah?” paalam niya sa mga kaibigan. Inakbayan niya ang kapatid. Napangiti si Fhergus sa nakikitang katuwaan ng kapatid. Babaw talaga ng kaligayahan.

Nagpunta sila sa isang pizza parlor. Napakatakaw nito, parang hindi nabubusog. Napansin ni Fhergus ang pulang balat ng kapatid sa gilid ng leeg. Hugis puso iyon. Inabot niya iyon at hinaplos.

“Bakit parang lalong namumula ‘yan?”

Hinaplos ni Octavia ang leeg. “Kaya nga, Kuya. Do you know that there are myths about birthmarks? And one interesting myth is that the placement of a birthmark could indicate where one was fatally wounded in a past life. Pero ang sabi ng friend ko, pwede raw iyon maulit lalo kung isinumpa ako sa past life ko. What do you think, Kuya? Masasaksak kaya ako sa leeg? O mababaril? O baka naman mapupugutan ako ng ulo!” Octavia covered her neck with his hands. “Oh my God! I don’t wanna die ugly! My beautiful neck!”

Nagsalubong ang mga kilay ni Fhergus. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kapatid. “Kalokahan! Alam mo, may mas magandang ibig sabihin ng balat na ‘yan. Not death.” Kinuha ni Fhergus ang isang maliit na paper bag sa tabi at inabot kay Octavia.

“What’s this?”

“Open it!”

Excited na kinuha ni Octavia ang kahon sa loob, at nang buksan ay namilog hindi lang ang mga mata nito kundi pati na rin ang bibig.

“See. Iyan ang ibig sabihin ng balat na ‘yan. Makakatanggap ka ng magandang kwintas mula sa pogi mong kuya.”

“Oh my God! This is the former Queen of Portugal’s necklace that was sold at an auction in Lisbon! It costs an arm and a leg!” manghang usal ni Octavia habang hinahaplos ang kwintas na gawa mula sa halos 6000 emerald at diamond. Ang nagsisilbing pendant niyon ay isang rectangular diamond na 163.41 carats.

“Yeah. And you deserve that because you are kuya and papa’s princess.”

“Aw! Kuyaaa! You are making me cry!”

“Don’t you dare! You are not that cute when you are crying.”

Ang pag-iyak ni Octavia ay napigil at napatawa na lang.

Lua Azul Where stories live. Discover now