CHAPTER 25 🌾

76 8 18
                                    



"MY LOVE!" Napabalikwas si Ellaine nang maramdamang tuluyang pumasok si Alex sa banyo. Sa isang sulok ng kaniyang mata ay nakikita niyang may hawak itong bagay sa kanang kamay na 'di masyado niyang naaninag dahil naharangan ng katawan nito dahil naka-side view ito. Nagtahip ang kaniyang dibdib.

"May tawag ka, My Love," direktang saad ng binata nang nasa pintuhan na ito ng paliguan. "Kanina pa kasi 'to tumatawag. Nagba-vibrate sa bag mo. Baka importante kaya kinuha ko na. Kumatok ako ngunit hindi mo yata narinig. Kaya pumasok ako dahil hindi mo naman na-lock ang pintuhan," paliwanag pa nito saka inabot sa kaniya ang kaniyang cellphone at hand towel. "Baka matagalan ka pa kasi matapos sa pagligo."

Tila nabunutan siya ng tinik. "Thank you ha!" nahihiyang turan niya at tinakpan ng braso ang nalalantad niyang dibdib. Naalala niyang umaawit siya kanina, feel na feel niya ang moment; marahil ay iyon ang dahilan kung bakit 'di niya narinig na kumakatok na pala ang nobyo. Nang nasa kamay na niya ang cellphone ay saka naman naputol ang tawag. Naghintay siya nang ilang saglit ngunit hindi na tumawag muli. Napabuga na lang siya ng malalim na hininga. 'Haays sino kaya iyon?' Naglalaro sa kaniyang isipan kung sino ang caller.

Napangiwi siya bago nagsalita. "Ahm, My Love, nawala naman. Pakilagay na lang ulit doon," nakangiting sinuyo niya sa binata na ibinalik sa salas ang kaniyang CP.

Nakita niyang tumango si Alex at pumihit patalikod sa kaniya. Napapikit ulit siya at dinaramdam ang malamig na tubig sabay ng paglubog ng katawan niya sa tub. Ulo lang niya ang pinalitaw. Pakanta-kanta pa siya. Akala niya ay tuluyan nang lumabas ang nobyo.



NAPALUNOK si Alex nang makita ang hubong katawan ni Ellaine pagkapasok niya sa banyo. Kita pa niya ang pagkabigla nito nang tuluyan siyang pumasok.

Mas lalo siyang naapektuhan nang ibinigay na niya ang cellphone dito at malanghap ang mahalimuyak na amoy na nagmula sa bubble bath ng dalaga. Ang makinis na pang-itaas na bahagi ng katawan nito na nasaksihan niya na tuluyang nagpapabuhay ng kaniyang libido. Naninikip ang kaniyang shorts nang titigan ang dalagang nakatuon ang mga mata sa cellphone nito habang naghihintay ng tawag.

"Ahm, My Love, nawala naman. Pakilagay na lang ulit doon." Narinig niyang pakiusap mula sa dalaga. Ngunit sa halip na bumalik sa salas ay maingat na nilagay ang cellphone nito sa lababo sa labas lang ng paliguan na pinaghiwalay lang ng salaming dingding, saka bumalik sa kinaroroonan ni Ellaine.

Hindi napigilan ni Alex na kontrolin ang namamayaning init sa kaniyang katawan. Batid niyang gusto niyang maulit ang mainit na tagpo noong nakaraang gabi sa kanila ng nobya.

Mabilis na dinaluhan niya ang dalaga sa bath tub pagkatapos isa-isang matanggal niya ang kaniyang saplot. Kita niya ang paglaki ng mga mata at paglunok nito dahil sa paglantad ng kaniyang katawan sa harapan nito.

Kitang napapikit si Ellaine nang ilapit niya ang kaniyang bibig dito. Masuyo niyang hinalikan ang mapupulang labi ng dalaga nang pumaibabaw na siya rito. Marahang hinawakan ang magkabilang pisngi at sinakop ang bibig ng dalaga. Sa una'y nahihiya pa itong tumugon ngunit matiyaga siya hanggang sa dahan-dahang tumutugon na rin ang mga labi nito.

"Uhmmmm," mga mumunting halinghing nila sa muling pagsugpong ng kanilang mga katawan.

Mas lalong ginatungan si Alex sa mapagpaubayang labi ng ni Ellaine. Kay sarap pa yakapin ng malambot na katawan nito. Kahit kapwa na babad sila sa tubig ay ramdam ang mainit na katawan dulot ng nagliliyab na pag-ibig. Nagpatuloy ang marubdob nilang halikan hanggang nagsimulang bumaba ang mga palad niya patungo sa matatayog na dibdib ni Ellaine. Hinimas ang dalawang bundok nito habang bumababa sa leeg ang kaniyang mga halik.



PROMDI'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon