CHAPTER 11 🌾

113 29 89
                                    

"HI FRIEND, kumusta ang date niyo kanina ni Raymond?" kinikilig na pag-uusisa ni Ann, nang makarating si Ellaine sa kanilang apartment.

Tahimik na umupo si Ellaine sa maliit nilang sofa at inilapag ang kanyang sling bag, sabay hubad ng kanyang sandals. Bakas ang lungkot niya sa mukha.

Nababaghan si Ann sa kanyang ikinilos. "Hoy anong ginawa sa'yo ni Raymond, friend? Minolestiya ka ba? Sinaktan ka ba? Magsalita ka?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. "Hindi ako mag-aatubiling isumbong natin siya sa mga pulis kung ganoon," pagbabanta pa nito.

Natigilan siya saglit. "Friend, kalma lang. Hindi naman. Ang bait nga niya eh at sobrang maginoo pa. Napaka-caring niya rin," pagpapakalma niya sa kaibigan na halatang umuusok na ang ilong sa galit.

"So, ano ngayon ang ikinalulungkot mo, aber? At bakit hindi ka yata masaya?" kunot-noong pagtatanong nito sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago pa man nagsalita ulit. "Kasi ganito iyon friend. May ipagtatapat ako sa'yo. Ka—si, kasi 'di ko talaga siya type eh. Parang walang spark. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya."

"Naku mahirap iyan. Hmm pero teka, hindi naman siya imposibleng magustuhan mo. Guwapo, may trabaho at higit sa lahat maalaga, kasasabi mo lang," wika ni Ann. Bahagyang nag-isip bago nagsalita ulit. "Ay, ay aba dahil ba kay Fafa Alex iyan?" Nanunudyo pa ang mukha nito sa mga winika.

Walang salitang lumabas sa bibig niya, tanging matamis na ngiti lang ang itinugon.

"Aray!" daing ni Ellaine nang kurutin siya ulit ng kaibigan. "Oo na friend, aaminin ko. Ewan ko kung bakit siya ang palaging nasa isip ko. Kahit na kami ni Raymond ang magkasama. Hindi ko siya nakakalimutan simula noong narinig ko ang boses niya. Kaya nga nagi-guilty ako. Ang bait ni Raymond pero ayoko naman siyang paasahin sa wala. Paano 'to friend?" pagtatapat niya sa kaibigan.

Napasinghap si Ann bago sumagot, "Friend, mas mabuti ng huwag mo nang paasahin iyong tao. Tapatin mo na habang maaga pa. Alangan namang paasahin mo siya sa wala. Anong gusto mo, pag-aagawan ka ng dalawang naguguwapohang Adan? Wika nga nila, "The truth hurts but it will set you free." Masasaktan tayo sa katotohanan ngunit iyan ang magpapalaya sa atin. Oh ayan na-translate ko na. Aba teka, ikaw naman ang Valedictorian dito bakit ko pa ba na-translate?" mahabang turan ng kaibigan na napakamot pa sa ulo. Dinaig pa ang Nanay niya kung makapangaral.

Natahimik si Ellaine. Napagtanto niyang tama naman ang tinuran ng kaibigan. 'Pero paano ko sasabihin kay Raymond nang 'di siya mabibigla?' napapaisip siya. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. 'Alex,' basa niya pa nang masungaw niya kung sino ang tumawag.

"Friend, excuse me muna ha. Tumawag na siya," nakangiting usal niya.

"Oh 'ayan na. Hindi talaga nagpapalibak ang love mo," tudyo pa nito sa kanya. Diniinan pa nito ang salitang love.

"Ahm hello, good afternoon! Ba't ka napatawag?" maang na tanong niya, nang makalabas na sa kwarto.

"Ah kasi Ellaine nag-alala lang ako sa'yo. Tinext kita pero hindi ka nag-reply. Kumusta ka na? How's your day?"

"A-ah okay lang naman, Alex. Nagsimba ako kanina. Ikaw ba, nagsimba kayo kanina?"

"Yes, nagsimba kami kanina ni Mom."

PROMDI'S LOVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz