X | Escape

33 8 0
                                    

"HELP YOURSELF to stand! The battle is not yet over!" Leon shouted at me.

Natauhan naman ako at pinilit kong tumayo sa mga paa ko. Kahit masyado pang masakit ay pinilit ko pa rin at hindi inintindi ang pananakit nito. Namanhid na ang aking kaliwang braso pero pinilit ko pa rin itong ikuyom ang kamao ko.

I summoned a riot shield again in my left hand and a rifle in my right hand. Paulit-ulit kong kinalabit ang gatilyo hanggang sa maubos ang bala nito na tumatama sa mga SWAT. I took a cover again when they started to rain bullets on me. Saglit na nilingon ko si Leon at pati siya ay nakatago sa batong bakod niya dahil pinapaulanan din siya ng bala.

"We need to retreat, Jack!" Leon shouted and in just a blink of an eye, Jack appeared on his side, crouching to cover his body on rock shield of Leon. "Parami na sila nang parami at hindi natin makakayanan na kalabanin silang lahat."

"I can't blink you out of here, guys. Masyado na akong pagod pero gusto ko pa silang kalabanin!" natatawang sabi ni Jack saka tumawa.

Tiningnan nila ako at binigyan ng pagtango. Naintindihan ko naman ang gusto nilang iparating sa mga tingin nila. Sunod ko namang tiningnan ang sugat ko sa katawan. Hindi naman ito gano'n kalala kaya makakaya ko pang p'wersahin na gumalaw. Natuyo na ang dugo sa aking binti pero may mga lumalabas pa ring dugo rito. Baka lumala pa ito kapag hindi naagapan.

"In the count of three, run as fast as you can. Kailangan nating makarating ng underground nang hindi nahuhuli. Maliwanag?" turo ni Leon na sinang-ayunan namin ni Jack.

Pumikit ako nang mariin at napakuyom. I'm planning a strategy in my head! Inaayos ko na ang mga mangyayari sa utak ko, kung paano kami makatatakas sa mga militar na ito. Inaalala ko rin ang sarili ko dahil sobrang sakit ng mga galos ko at baka maging hadlang sa pagtakas namin.

"One," Leon started.

I took a deep breath. Parang saglit na nanahimik ang paligid.

"Two."

You can do this, Xlynon.

"Three!"

"Mama, si Kuya Xlynon!" I opened my eyes when I heard Xavier shout.

"Hay. Ano ba 'yan, Xlynon? Inaaway mo na naman ang kapatid mo," saway ni Mama saka lumapit kay Xavier na umiiyak na. Yumakap si Xavier kay Mama at pinapatahan.

"Eh, si Xavier, Ma. Nananakot ng mga bata sa eskwelahan. Pinagsasabihan ko lang po dahil baka lumaking bayolente sa iba," depensa ko naman at pinagkrus ang mga braso ko.

"Totoo ba 'yon, 'nak? Nang-aaway ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mama kay Xavier.

Hinahagod lang ni Mama ang likod ni Xavier para tumahan. Aamin 'yan basta si Mama ang magtanong. Takot kasi siyang pagalitan ni Mama, eh, kaya aamin at aamin 'yan sa kaniyang ginawang masama.

"Inaaway po kasi ako. Wala raw po akong tatay at laging ikaw na lang daw po ang pumupunta sa school," pag-amin ni Xavier na nagpaawang sa aking bibig, hindi ako makapaniwala. "Eh, sabi ko po hindi totoo iyon. Hanggang sa inaway po nila ako nang inaway kaya gumanti lang po ako."

Umiyak ulit si Xavier at pinalubog ang mukha sa tiyan ni Mama. Tumingin sa akin si Mama at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot nang mabanggit ni Xavier ang tungkol kay Papa. Hindi pa nakikita ni Xavier si Papa pero nakita ko na siya. Masakit sa parte ni Xavier na hindi man lang siya nakaasam ng pag-aruga ni Papa.

"Xlynon," tawag sa akin ni Mama nang makabalik na siya rito sa sala. Pinatulog na muna niya si Xavier sa kuwarto. Umupo ako sa lapag at gano'n din si Mama. Wala kaming sofa o couch dito dahil binenta iyon para may pang-kain kami dati. Kaharap ko si Mama pero hindi ko siya tinitingnan at naghihintay lang ako na magsalita siya. "Wala ka namang balak na gawin ang ginawa ni Xavier, 'di ba?"

Battlecast: UndergroundWhere stories live. Discover now