Make-up here, pagfe-flex ng yaman over there.

"My parents own a mansion in Greenland and America. We have three companies located in China too!"

Naging straight na ang kurba ng kanyang bibig at paulit-ulit din siyang tinatanong kung ano ang pakiramdam na maging isang anak ng bilyonaryo.

"Eto, hindi naman nagkulang sa pagmamahal, pag-aaruga." she plainly stated.

"You don't own anything? Like... Sariling pag-aari?" tanong ng isang babae na nasa second year ata ang baitang.

"Hindi naman akin iyon. Besides, ano naman ang gagawin ko sa mga iyon? Napaka useless naman kung pinagyayabang ko ang mga gamit na hindi ko naman nagagamit. Bat ako magsisinungaling sa inyo na may blah bla blah, can't I just flex how blessed I am to have a wonderful family?"

In her perspective, a person's life is more valuable compared to anything. Sure, she needs money. Masaya din naman siya sa pera, sino bang hindi?

Ang takbo ng oras ay parang tumatagal habang wala ang kasintahan. Nami-miss niya na si Zioquel at gusto niya na din ito makausap. When the clock strikes at 12 PM, Nagsitayuan na ang mga tao sa kani-kanilang puwesto para lumabas na sa silid.

Nabanggit kanina ng isa sa nakasalo nito sa pag-inom ng tsaa na madaming lalaki sa Gym. Asteria's thought never hesitate to trust her radar and assume that Zioquel might be in the gymnasium.

"Sienna, bisitahin ko lang si Zioquel." inayos ni Asteria ang damit nito. Her white victorian dress is still clean like a white cream. Ang buhok niya din ay nakalugay habang nakapatong ang headband na madaming puting rosas bilang dekorasyon dito.

"Huwag kayo dito kumain, wala na pagkain." Si Sienna naman na nakabihis na maid outfit ay tumango bilang pag sangayon at saka bumalik na sa ginagawa nitong pagliligpit ng mga pinagkainan ng iba. Papatakbong tinungo ni Asteria ang hallway hanggang sa makasalubong niya din si Zioquel dito.

"Ang ganda mo." they both stated in unison na ikinatawa nila.

"Bagay ba saakin?" umikot pa si Zioquel sa harapan ni Asteria.

"Oo, sobrang bagay." kinuha nito ang kamay ng lalaki para ayain itong pumunta sa cafeteria.

"Teka, pagkatapos natin kumain punta tayo sa ano... Basta may nakausap ako na babae eh. Iniimbita ako na kumuha ng kasama para magpahula. Yung booth daw nila malapit lapit lang sa dress making club." he needs to get her permission first dahil baka pagkatapos ng kanilang break ay babalik na sila sa kanilang ginagawa.

"Naniniwala ka sa hula?" natatawang saad ni Asteria sa kanila habang naghanap na sila ng bakanteng mauupuan sa cafeteria ngunit matao din doon.

"Medyo 50/50? Ikaw?"

"Hindi, walang kuwenta ang hula para saakin." diretsahan ito kung magsalita.

"Teka, Ako na kukuha ng pagkain natin. Magtutubig ka pa ba?" Zioquel asked as Asteria nodded in agreement. Saglit lang din si Zioquel at may dala dala na ito ng kanilang mga kakainin.

"Huwag na kaya tayo kumain dito. Masyadong matao. Doon muna tayo sa bakanteng bench malapit sa dressmaking club." Asteria sighed.

"Hindi ko pa nat-try magpahula noon ngunit malay mo, ito na ang pagkakataon para maniwala ako sa kanila kung sakali na tama ang kanilang pagkakahula."

Maraming kalat na bench sa bawat sulok ng kanilang iskwelahan. Kaya pag nangangawit na sila sa kakatayo ay may upuan na sasagip sa kanilang pangangalay. As the two couple reach their right destination, their eyes caught a glimpse of mini booth. Yung backgroud nito ay kulay itim na kurtina at may nakapagitnang lamesa na yari sa kahoy. Sa isang side ay may babae na nakayuko at natatabunan ng itim na belo ang kanyang pagmumukha kaya hindi nila masyadong kita ang litaw nitong anyo.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon