Chapter 3

480 30 4
                                    

Chapter 3

Yuri's POV

"Ah!" Napasigaw ako ng mabangga ako sa may gilid ng sofa. Hinimas-himas ko ang tuhod ko at napasinghap nalang.

Nang hindi na kumikirot ang tuhod ko ay tuluyan na'kong lumabas at ini-lock ang pinto. I went to the garage of this house. Sumakay ako sa kotseng sinabi ni Axel. Yup! Marunong akong magmaneho, tinuruan ako ng best friend ko sa school dati nung nag-aaral pa'ko.

"I miss you Kiro... Makikita mo na ulit si kuya." Bulong ko at pinaandar ang kotse palabas.

A couple of minutes passed, I already arrived in my house. I knocked the door three times. At binuksan iyun ni Kiro.

Nagulat ito at ngumiti. "Kuya... You're back!" Tsaka tumakbo papalapit sa'kin at yumakap ng pagkahigpit-higpit.

Napangiti ako. "Oo Kiro, tara pasok muna tayo. Parang ayaw muna akong papasukin ah. Ano— may tinatago ka ba? Siguro may jowa ka na dinala dito no?" Pagbibiro ko rito, at tumalim tingin nito sa'kin.

"Kuya! Wala ah! Tara na nga kuya." Medyo may kalakasan ang boses nito at 'di ko na inintindi iyun.

Umupo kami sa silyang mahaba. Ipinalibot ko ang tingin dito, wala paring nagbabago. Ilang araw palang akong nagtatrabaho dun eh miss ko na ang bahay.

"Kuya, kumusta ang trabaho? Sino ba ang amo mo? Mabait ba?" Mga tanong nito na ikinatigil ko nang maalala ang nangyari. 'Di ko man mawari ay kinabahan ako, at ngumiti nalang.

I sighed. "Yeah, I'm doing it good. Si Axel Nuevas ang amo ko Kiro. M-mabait naman siya." Sabay ngisi ko pagkatapos ko mabanggit iyun.

Tumango ito at napanganga. "K-kuya? Sigurado ka na siya ang amo mo?" Utal-utal na taning niya sa'kin na may bakas ng pagkagulat.

Tumango ako. "Bakit?" 'Yan ang lumabas na tanong sa'king bibig.

"Siya kase 'yung negosyante na nagmamay-ari ng school namin." Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kaya pala ang ganda ng bahay niya. At mukhang mayaman.

Pero parang bakla naman 'yun eh! HAHAHA

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay yinaya ko siya mag-mall gaya ng sabi ni Axel sa'kin.

Nandito kami sa isang fast-food chain sa isang mall. Masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Binilhan ko din siya ng mga damit at mga kailangan niya sa bahay. Nagtaka naman ito kung bakit daw marami akong pera pero 'di ko nalang iyun pinansin.

Nandito kami naglalakad na palabas nang may nabunggo akong lalaki. Nalaglag ang mga dala ko sa sahig. Agad namang pinulot iyun ni Yuri.

"Oh God! I'm sorry— sorry. Are you okay?" Pag-aalalang tanong ng lalaki. Napa-angat ako ng tingin ko at nakita ako ang lalaking may asul na mata at matangos na ilong. Wari ko'y magkasing-tangkad sila ni Axel.

Tumango naman ako. "Yeah, okay lang ako. How about you? Are you okay?" Tanong ko din sa kanya. Tumitig ito sa'kin at tumango.

"Yeah, I'm okay. By the way, what's your name?"

"Yuri, Yuri Dela Cruz. Ikaw?"

He smiled. "Nice name. I'm Zander Lex Orzel— oh shit! I really need to go. Sorry again— hope to see you again..." Nagmamadaling sabi nito at umalis. 'Di na hinintay ang sagot ko, napasinghap nalang ako.

Lumabas na kami ng mall. Nakapamili na rin ako ng groceries sa bahay ni Axel. Pagkatapos nun ay ihinatid ko na si Kiro sa bahay. Maayos naman akong nagpaalam sa kanya.

At nagpasya akong umuwi na sa bahay ni Axel. Nang makarating ako dun ay inilagay ko ang mga pinamili ko sa mga lalagyan nito.

Nang makaramdam ng gutom ay naghanap ako ng makakain.

Figment Of Affection (B×B) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon