Tumingin ako sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Alam nila ang ginawa ko sa task force base. Matalim ang tingin sa akin ni Leon habang si Jack ay nakapikit lang at nakikinig.

"I want to meet you. No cops, nor task force. Just between the citizens and the president. Formal talk, I just want to build a connection between me and the caster. I want to know what's on his mind about this, if he wants to be a hero or a vigilante. Maybe the latter, just like what he had done to his brother." President Halfalla chuckled like there's a joke.

Like what I had done to my brother?! Authorities did it, not me! I was on my knees, begging my brother to forgive me, and then they shot him! Even the president is believing lies! I thought she's different! I thought she has the voice for casters!

I clenched my fists and stood then walked through the exit. I saw the dead guy has already covered with a blanket. I just stopped walking when Leon grabbed my arm. Hindi ko na lang siya nilingon kahit naramdaman kong nasa akin ang mga mata niya.

He released my arm. "Huwag mo sabihing papatulan mo ang sinabi ng presidente na makipag-usap."

"Ipararating ko lang sa presidente na hindi ako ang pumatay sa aking kapatid. Sila ang may gawa n'on sa kaniya," pagtatama ko sa kaniya. Nilingon ko siya at nginisihan. "Kung gusto mo sumama para magpahatid din ng mensahe, maghanda ka dahil hindi lang isa ang kalaban natin doon."

Tumuloy na ako sa pag-alis. Kabisado ko naman ang daan palabas sa tunnel na ito at nakikita ko pa ang dinadaanan ko. Sa kadahilanang baka mahuli na ako, tumakbo na ako papunta sa labasan. Inakyat ko ang ladder palabas saka tinulak ang takip ng manhole at inilabas ang sarili ko. Tumatakbo ako sa gilid ng riles ng tren. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko dahil baka maabutan ako ng tren. Umakyat ako sa mataas na platform at tumakbo palabas ng subway.

Nasa Hollerith monument ginaganap ang address kaya ilang metro lang ang layo nito mula sa subway. Hindi na ako nag-abala pang takpan ang mukha ko habang tumatakbo. Kilala naman na ako, bilang isang kriminal na hindi ko alam kung paano naging gano'n.

Natatanaw ko na ang Hollerith monument at pati rin ang mga taong nanonood sa address ng presidente. Tumingin pa ako sa paligid at may namataan akong mga naka-puwestong SWAT sa paligid. Bumuntonghininga ako nang makaramdam ako ng mabigat sa aking dibdib. Sana hindi ako pumalpak.

"Sa mga caster, alam kong mahirap ang nararanasan niyo kaya malapit niyo na maranasan ang pagbabagong hinahangad niyo," narinig kong wika ng presidente sa mikropono.

"SINUNGALING!"

"Xlynon Runebraid! Freeze!" A man in full SWAT gear aimed his gun at me.

Nakatutok na rin sa akin ang ibang mga SWAT at pati na rin ang mga tao. Nanatili lang akong nakatayo at tinitingnan isa-isa ang mga taong nakatutok ang mga baril sa akin. Hindi bababa ng sampu ang SWAT na narito na nakikita ko.

"Oh! The guest for today! Xlynon Runebraid," President Halfalla said and glanced at me. Her elbow rested on the podium and her other hand placed on her waist.

"HOW DARE YOU TO LIE THAT I KILLED MY BROTHER?!" I shouted at her, staring deadly.

"Oh. Hindi ba? The authorities found you killed your brother—"

"KASINUNGALINGAN!" sigaw ko pa muli. "SILA ANG PUMATAY SA KAPATID KO! MGA HAYOP KAYO!"

"Words, Mr. Runebraid. You don't know who you're talking with," President Halfalla warned.

There are group of SWATs came and stanced, aiming their guns to me. Mas lalo silang dumami kaya itinaas ko na ang mga kamay ko. Tinitigan ko ang presidente na nakangisi na sa akin.

"P'wede nating pag-usapan ito, Mr. Runebraid. Sa maayos at tahimik na pamamaraan—"

Hindi niya na natuloy ang kaniyang sasabihin nang mabilisan kong pinalabas ang pistol sa kamay ko at inasinta siya. Natamaan ang kaniyang ulo kaya natumba ito. Alam ko nang papatukan ako ng mga SWAT kaya naglabas ako ng bulletproof riot shield sa aking kamay at hinarangan ang mga balang tinitira sa akin ng mga SWAT. Yumuko ako para hindi matamaan ang aking ulo.

Narinig kong nagsisigawan na ang mga tao sa lugar at nagkakagulo na. Patuloy lang sila sa pagbaril sa shield ko. Nagsasapawan ang ingay ng mga baril sa ingay ng mga taong nagkakagulo. Nang humina na ang pamamaril nila sa akin dahil baka nag-reload ay nagpalabas ako ng shotgun sa aking kamay at sunod-sunod na binaril ang mga SWAT na nagkakasa ng kanilang mga baril. Sa bawat kalabit ko ng gatilyo, hinihila ko ang fore-end nito para ikasa ang bagong bala.

Nagtago ako sa likuran ng isang kotse at nagpaputok na naman sila. Mga sampu lang ang napatumba ko at tila hindi sila nabawasan dahil sa dami nila. Do I have any other choice to speed up?

Nang makakuha na naman ako ng pagkakataon ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at kasabay na pinalabas ko ang bazooka. Mabilis ko lang itong tinutok sa kanila at kinalabit ang gatilyo na nagpawala sa rocket at no'ng tumama sa kanila ay naglikha ito ng malakas na pagsabog.

Pinawala ko na ang bazooka at pinalitan ng rifle. Pinatamaan ko ang mga SWAT na paparating sa akin. Sunod-sunod ko lang silang pinagbabaril hanggang sa napadaing ako dahil sa sobrang sakit. May balang tumama sa aking braso!

"P*tangina!" malutong kong mura nang sinunod naman patamaan ang aking binti. Daplis lang ang tama pero napaluhod ako nito! Galing siguro sa sniper 'yon!

I groaned so hard and tried to stand up. I shouted out loud as I endured the pain but still, I was still down on my knees! Sh*t!

Nang angatin ko ang tingin ko ay nakita kong may dumating na bagong mga SWAT at tinutukan ako. Napapikit na lang ako nang marinig ang putok ng baril ngunit nakaramdam ako ng pagyanig ng kalsada sa puwesto ko kaya nagmulat ako. Nagulantang ako nang may batong bakod ang tumayo sa aking harapan, dahilan para masangga ang mga bala nila.

Lumingon ako sa paligid para hanapin kung sinong caster ang may gawa niyon. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko si Leon na nakataas ang kaniyang kamay at nakakuyom ito. Siya ang may gawa ng batong bakod?!

"Help yourself to stand! The battle is not yet over!" he shouted.

And then, I just heard a loud, echoing laugh that I guess it's Jack's laugh from anywhere.

Battlecast: UndergroundWhere stories live. Discover now