Naiilang na tumango na lamang si Kai kay Rico.

Naunang umalis si Kairon. Sumakay ito sa isang magarang sasakyan hindi kalayuan sa amin. May sarili siyang sasakyan. Kumaway pa ito sa amin nang malampasan niya kami, malandi namang kumaway pabalik si Rico. Ngumiti lang ako.

Nang kami na lamang dalawa ni Rico ay siniko na naman ako nito sa tagiliran. Nakakailan na siya huh?

"Masakit na tagiliran ko sa'yo, Rico." Umirap ito sa sinabi ko.

"How many times do I need to tell you na call me Rica? Gusto mo ng magkaibigang sampal, Trixie?" Nakataas ang kilay nitong saad. Pero alam kong nagbibiro lamang siya.

"Oo na. Rica na." Sumusukong pahayag ko.

May sasabihin pa sana siya pero dumating na ang sundo ko. Bumaba sa driver seat si Manong Alucard saka nakangiting binuksan ang pintuan ng back seat.

"Mauna na ako sa'yo, Rica." Nakangising saad ko. Ngumiti naman ito ng pagkalawak-lawak dahil siguro tinawag ko siyang Rica.

May sundo rin siya. We're both 17 kaya hindi kami pwede magmaneho.

Kumaway ako sa kaniya nang makasakay ako sa sasakyan bago isara ni Manong Alucard ang pintuan. Binati muli ako ni Manong ng "magandang hapon, binibini." bago muling mag-drive. Binati ko rin siya pabalik.

"Magandang hapon, Ma'am. Dumiretso raw po kayo sa dining hall," bungad sa akin ni Ate Layla nang makapasok ako sa pintuan ng bahay.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Agad akong dumiretso sa dining hall.

Nang makarating ako roon ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Ate Melissa!"

Tumakbo ako papalapit sa kaniya saka mahigpit siyang niyakap.

"Hindi mo naman ako masyadong na-miss, Trixie?" Tumatawang pahayag ni Ate Melissa saka ako niyakap pabalik.

"Sobrang miss kita, Ate. Bakit ngayon ka lang?" Nakangusong sagot ko sa kaniya nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Kaya ayaw kitang dalhin dito eh, si Trixie na naman ang mas matimbang." Masungit na saad ni Kuya Cole. Tinawanan naman namin siya pareho ni Ate Melissa.

"Selos ka naman agad, Kuya." Pagbibiro ko sa kaniya.

Iginiya naman ako ni Ate Melissa paupo sa upuan. Magkatabi kami. Kaharap naman namin si Kuya Cole at Kuya Kobi. Si Kuya Nate naman ay nasa gitnang upuan na parating inuupuan ni Daddy.

Iniirapan ako ni Kuya Cole sa tuwing napupunta ang tingin ko sa kaniya.

Sabik ako sa Ate kaya ganoon na lamang ang dismaya ni Kuya Cole kapag nandito sa bahay si Ate Melissa. Wala kasi silang quality time ni Ate, palagi ko silang iniistorbo.

Ate Melissa is Kuya Cole's long-time girlfriend. They are almost six years in a relationship.

Dream relationship ko 'yung kagaya ng kanila. Kahit madalas na may hindi pagkakaunawaan, at the end of the day inaayos pa rin nila. Walang matutulog ng walang sumusuyo isa sa kanila. I'm the witness of their relationship.

Madaming pagkain ang nakahain. Sari-saring ulam, at may desserts. Akala mo may handaan.

Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Our parents thought us many things. Gaya ng, manatiling nasa lupa ang mga paa kahit na mataas na ang naabot ng pamilya namin.

Nang matapos kumain, hinatid namin ni Kuya Cole si Ate Melissa sa guest room para makapagpahinga na. Galing pa kasi itong New York, may jetlag pa ito.

Kahit naman kasi matagal na ang relasyon nila ni Kuya Cole, hangga't hindi sila kasal hindi sila pwedeng magsama sa isang kwarto. Iyon ang kondisyon ni Mom and Dad sa amin.

"Good night, Ate Melissa. Pahinga ka na po," I kissed her cheeks and hugged her tightly.

Tumikhim si Kuya Cole mula sa likod ko.

Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Ate Melissa saka lumayo upang makalapit si Kuya Cole. Lumayo lang ako pero hindi ako lumabas.

Lumingon sa akin si Kuya Cole na para bang may pinapahiwatig. Pero nakangisi akong umiling sa kaniya.

"Rest early, hon. If you need anything, my room is next to yours. Don't hesitate to knock there, hmm?" Malambing na saad ni Kuya Cole kay Ate Melissa.

Nakangiti namang tumango si Ate Melissa.
Ngumiwi ako saka nagsalita, "Ate, my room is in front of yours. Kapag pinasok ka dito ni Kuya, 'wag ka mahihiyang balibagin ang pinto ko."

Ate Melissa chuckled. Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya Cole.

"Trixie, why don't you just give us privacy?" Nakataas ang kilay na saad nito.

Hinawakan ni Ate Melissa ang kamay niya saka hinarap sa kaniya.
"Hon, don't be angry with Trixie. I want to rest na, I'm so tired." Malambing na saad ni Ate Melissa kay Kuya.

Tumingkayad si Ate Melissa saka inabot ang mga labi ni Kuya upang halikan. Awtomatiko akong napatakip ng mata.

Oh my God! Rated SPG!

Narinig kong tumawa si Ate Melissa.
"Trixie, tapos na. Pwede mo ng tanggalin ang takip sa mga mata mo," tumatawang saad ni Ate Melissa.

Kuya Cole hugged Ate Melissa for the last time before pull me out of the room. Pagkalabas namin sa silid ay inakbayan niya ako saka iginiya patungo sa kwarto ko.

He kissed my forehead and pat my head.
"Rest early, okay? Huwag magpupuyat, lalo kang papangit." Bilin nito. Tumalikod na siya saka tumungo naman sa kwarto niya.

Pumasok ako sa aking kwarto. Dumiretso sa banyo saka naglinis ng katawan. Feeling ko pagod na pagod ako.

Nang makalabas ako mula sa banyo, tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakalang si Rico iyon ay agad kong sinagot. Hindi kasi naka-save ang number ni Rico kasi siya lang naman ang tumatawag sa akin.

Si Mom and Dad, pati sila Kuya, hindi tumatawag sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Hello," his cheerful voice filled my ears.

Napakunot ang noo ko dahil hindi malanding boses iyon ni Rico. Boses talaga ng lalaki.

"Sino po ito?" Magalang kong tanong.

"Hey, it's me, Kairon. I said earlier na tatawag ako, nakakatampo ka ah." Saad ng nasa kabilang linya.

"Oh, it's you, Kairon. Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kaniya.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng body mirror dito sa kwarto ko. Nakatapis pa pala ako ng tuwalya. Kaya habang hawak ko ang cellphone at nasa tenga ko. Pumunta ako ng walk-in closet para magbihis.

Thank God dahil napagtagumpayan kong magbihis habang hawak-hawak ito. Wala rin kasing lalapagan sa loob ng walk-in closet ko.

"Wala lang, I'm just checking on you." Saad muli nito mula sa kabilang linya.

"Kakakita lang natin, Kairon."

Umupo ako sa kama. Saglit na tiningnan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko dahil mag-aalas diyes na ng gabi. Oh my God! I need to sleep na.

"Kai, I need to sleep na. Lagot ako kila Kuya," pagpapaalam ko.

"Aww, sayang hindi kita makaka-usap ng matagal." Tila malungkot na saad nito.

"I'll see you tomorrow in our School, Kai. Good night," sagot ko muli saka humikab. Narinig niya pa ata ang paghikab ko kaya napatawa siya.

"Sure, Trix. Good night, have a sweet dream!" Masiglang saad nito.

Pinatay ko na ang tawag saka nahiga sa kama. Napatitig sa kisame. Napapaisip na sana si Chaz 'yung tumawag at nagsabi ng good night at sweet dreams.

Huling Sandali Where stories live. Discover now