Sinadya kong tumikhim kaya naman napatingin siya sa akin, nagtaas ako ng kilay ng lingonin ko siya. Maamo ang kanyang mukha, medyo bilugan ang mga mata at mahaba ang pilik mata, parang manika. Parang mamahaling manika.

Inutusan ako ni Mommy na hawakan siya kaya naman ginawa ko. Marunong naman akong makisama sa mga bata dahil may mga bata din kaming pinsan sa mga Jimenez.

"Let go...Let go of me" reklamo niya kaya naman nagtiim bagang ako. Aba, may attitude ang batang to. Hindi na lang magpasalamat.

"Shh...behave" matigas na utos ko sa kanya. Kung kinakailangang takutin ay tatakutin ko para naman umamo. Mukhang sunod ang luho ng isang ito.

Kahit nung natapos ang libing ay walang ipinakitang emosyon si Gertrude, tahimik lang siya at kung minsan ay pinapanuod ang mga tao sa paligid niya. Sumama ang tingin ko sa kamay niya ng makita ko ang kanyang ginagawa doon, kinukurot ang sarili...para ano?

Imbes na bumalik kaagad ng Manila ay nakiusap si Mommy na mag stay na lang muna kami dito sa Sta. Maria para samahan sina Tito Keizer, wala naman iyon kaso sa akin dahil sa ilang beses naming paguwi dito ay marami na din akong nakilala at naging kaibigan.

Araw araw dinadala ni Mommy si Gertrude sa aming bahay para naman daw malibang ito at hindi lang nakakulong palagi sa kanilang mansyon.

"Staring is rude, bata" nakangising pangaasar ko sa kanya ng mapansin kong halos sundan niya ng tingin ang lahat ng kilos ko.

Bumaba ang tingin ko sa pagkakaupo niya sa may sala namin, Kung makaupo naman ay tinalo pa ang kakambal kong si Xalaine.

Kumati ang tenga ko sa pakikipagusap niya kay Mommy, at talagang marunong sumagot ang isang ito. Hindi siya kumakain ng turon at mapili kahit sa inumin. Ang arte.

"Kailangan tayo ni Gertrude at ng Tito Keizer niyo. Dumito muna tayo hanggang sa makabawi sila" sabi sa amin ni Mommy ng kausapin niya habang kumakain kami ng tanghalian isang araw.

Wala kaso sa amin, kung ito ang gusto ni Mommy, susuportahan namin siya. Even si Dad, luluwas ng Manila sa umaga at uuwi ng Bulacan sa hapon.

Nagpatuloy ako sa pagkain ng mapainom ako ng maramdaman ko ang titig ni Mommy sa akin, pinagtaasan niya ako ng kilay kaya naman ngumisi ako. Alam ko na kung saan papunta ito.

"Wag mo namang inaaway si Gertie pag nandito" sabi niya sa akin.

Natawa ako. "Hindi ko inaaway, Ma. Tinuturuan ko lang at medyo maarte"

Ngumuso si Mommy kaya naman mas lalo akong nangiti.

"Hindi lang talaga sanay sa ibang tao" she said na kaagad kong tinanguan. Pansin ko nga.

Imbes na hintayin siya kung kailan siya bibisita sa amin ay ako na ang pumunta sa kanila para sunduin siya at ipasyal. Mommy is right, hindi siya sanay sa mga tao kaya sasanayin ko siya.

I just don't like the idea na magisa siya, I cared for her too, kagaya kung paano siya itrato nina Mommy at Xalaine na para bang anak at kapatid nila ito. I can do that too.

"Ang suplada" sabi ko sa kanya ng dinala ako ni Yaya Esme sa may garden kung nasaan siya.

Nasa bahay lang nila pero kung makapagdamit ay akala mo siya si Princess Sarah sa mga pelikulang pinapanuod ni Xalaine noon.

Susunduin ko siya para ilabas, hapon na at maraming bata sa may field na naglalaro. Siguro kung maeexpose siya sa ibang bata, magkakaroon din siya ng mga bagong kaibigan.

Lumaki ang ngisi ko ng makita ko ang pagkain na dinala ni Yaya Esme para sa akin. Tamang tama din pala ang punta ko at may mirienda pa. Bago kainin ay nakita ko pang halos malukot ang mukha ni Gertrude habang nakatingin sa pagkain ko.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now