Possession 25

Começar do início
                                    

"Alam kong isa ka rin sa napapatanong kung bakit masyadong biniyayaan ng diyosa ang pamilyang Dark, hindi ba?" tanong niya.

Napatango ako.

"Nangyari ito mahabang panahon na ang nakalipas. Si Wardim ay nakagawa ng mabibigat na pagkakasala kaya napatawan siya ng kaparusahan. Natanggal siya sa Sagradong Lupon at naging bakanti ang naiwan niyang puwesto. Isang napakadakilang bampira ang nabuhay nang mga panahong iyon, at nang alukin siya ni Lunaesia na maging Diyos ng Digmaan ay tinanggihan niya iyon. Bagkus, hiniling niya na gabayan ng Diyosa ang mga susunod na bunga ng kanyang angkan. At iyon nga ang ginawa ng Diyosa ng Buwan."

"You mean, ang dakilang bampira na 'yon ay isang Dark?" tanong ko na tinanguan niya.

"His name si Dracula Dark."

"That name is quite familiar. Madalas ko 'yang marinig," pag-amin ko.

"Isang Dark na naman ang muling kinausap ni Lunaesia, si Caldrix Darius Dark. Inalok niya itong maging Diyos ng Digmaan kapalit ang buhay ni Clysha... at ng sa iyo. At tinanggap niya ang tungkulin."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Si Caldrix na ang bagong Diyos ng Digmaan? Kung ganon, totoo rin ba ang sinabi ni Queen Cleo na siya na ang Diyosa ng Pag-ibig?

"Kung ganon ay muli akong babalik sa lupa? Hindi pa ako mamamatay?"

"Ganon na nga," sagot niya. "Kaya ilang taon na namang maghihintay si Vlandesia sa iyo. Pero huwag kang mag-alala. Masaya siya sa kinaroroonan niya ngayon." Napangiti ako.

Napapikit ako at nagpadala ng mensahe kay mama. Alam kong maririnig niya ako. Masaya ako dahil kahit papaano ay alam kong ginagabayan niya ako.

Kunting hintay pa ma, magsasama rin tayo. Pero sa ngayon, magpapatuloy muna ako sa naiwan kong buhay. Tutuparin ko muna ang mga pangarap ko. Ma, mahal na ko kayo, kayo ni papa.

Napamulat ako ng mata nang makarinig ako ng malakas na pagaspas ng pakpak. Napatingala ako sa kalangitan at isang dragon na mabilis na lumilipad ang nakita ko. Habang papalapit ito sa akin ay nagiging pamilyar siya sa akin. Ilang sandali lang ay naglaho siya bigla.

Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang dragon na 'yon.

"Cronalia, anong ginagawa ni Dreikon dito?"

Paglingon ko kay Cronalia ay wala na siya. Napakurap din ako ng ilang beses nang malaman kong nag-iba bigla ang lugar na kinaroroonan ko. Mula sa isang mala-paraisong gubat ay napunta ako sa mabatong bundok na ito.

Sa Mount Mystic.

I feel a sudden wave of presence behind me, so I automatically turn around. And there, I see those eyes. That face. That body.

"S-saphhire?" para siyang nakakita ng multo. "Ikaw ba talaga 'yan?" tanong niya.

Pero ilang sandali lang ay napahalakhak siya at napailing. Ginulo niya ang kanyang buhok na ngayon ay medyo humaba na. Pansin ko rin ang napabayaan niyang balbas at bigote.

"Kailan ko ba matatanggap na wala na talaga siya?" kausap niya sa kanyang sarili. "These hallucinations are killing me."

Gaano ba ako katagal na nawala?

Tumalikod siya sa akin at umupo sa malapad na bato. Napatingin siya sa malawak na tanawin sa harap. Ilang sandali lang ay nagtaas-baba ang kanyang balikat. Then, I hear his sobs.

And it's breaking me.

"Alam kong imposible, pero bumalik ka na sa akin, Saph. Nang mabuhay noon si Clysha ay nagkaroon ako ng pag-asa na baka babalik ka pa. Pero isang taon na ang nakalipas... at wala ka pa rin."

Pinahid ko ang aking luhang walang humpay sa pagpatak. Nadudurog ako sa sakit na hatid ng bawat salitang lumalabas kay Clyde. He's been this broke and miserable for a long time. And I have no idea at all.

I close my eyes and reconnect with my power. I instantly feel the sudden intensifying jolt of magic. Pinagana ko ang aking kapangyarihan at sinubukan kong magsulat ng mga letra sa tinatanaw niyang kalangitan.

"I love you with every beat of my heart, Clyde Caldrix Iris Dark," pagbasa niya sa katagang isinulat ko sa ere.

"Kapag lumingon ka, akin ka," bulong ko.

At lumingon nga siya.

Sa isang iglap. Sa isang kurap. Sa isang pintig. Naramdaman ko ulit ang tanging pagmamahal na makapagpupuno sa akin. Naramdaman ko ulit si Clyde, ang nag-iisang nilalang na mamahalin ko nang ganito. Ngayon, mamahalin ko na siya nang walang pag-aalinlangan pa.

From the very beginning, I am already his. My heart belongs to him, it his possession.

Chosen To BeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora